Saturday, December 31, 2011

2012 na!

Its 2012 already!
Translated by Quark


Happy 2012, people!

Aba, apat na oras na lang at bago na ulit ang taon. Naku, ewan ko kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao eh numero lang naman yan. Lilipas din lahat ng mga yan. . .
Hey, in four hours we will have a new year. Oh I don't know what the fuss is about when it is just a number anyway. And it will soon pass . . .


At kapag sumasapit ang bagong taon na-stress-out ako sa tindi ng paputok. Harinawa, lumipas na rin ito!
And when the new year comes in I get stressed out because of the firecrackers. Oh I wish it will pass soon!

KA-BLAM!!!


Araykupo! Tinamaan ng kung anong kadiliman! Lekat eh nagbabawas pa naman ako!
Ouch! Hit by some dark thing! And I am in the middle of relieving myself!

O sya, goodbye Kabayan! At mag-ingat sa GoodbyePhilippines, Pacquiao at kung anu-ano pang kabaliwan ninyo!
Ok, got to go, people! And take care of GoodbyePhilippines, Pacquiao (names of loud illegal firecrackers) and whatever insane stuff you love!

Friday, December 30, 2011

Kamusta Na Si Sumo?

How is Sumo?
translated by Quark


Inakup! Sweepy! Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari bang masama sa tatay mong si Sumo?
Oh my! Sweepy, why do you look like that? Did anything happen to your father Sumo?


Sweepy: Popsy is OK. We both lack sleep from daily firecrackers! So every chance we get we take a nap!

Ay salamat! Akala namin natuluyan na si Sumo sa kagat ng pusakal na si Petrocelli!
Oh thanks! We thought Sumo got hit by the bite of the stray cat Petrocelli!


Hoy! Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?!! Hoy buhay pa ako no! Matagal pa akong kukunin ni Lord! Aba, baka mauna pa kayo sa akin hoy!
Hey, are you talking about me? Hey, I am still alive! The Lord is not ready to take me yet. You might even go ahead of me!


At tingnan ninyo ang anak knog si Sweepy! Sus, tinamaan ng antok sa takot magdamag. Aba, tama bang magpaputok ang mga kapitbahay magdamag!
And look at my pup Sweepy! He got sleepless from the neighbor's firecrackers all day!

Hay naku, bayan. Taon taon na lang ganyan kayo! Wala kayong kadala-dala! Walang mabuting dala ang nagpapaputok sa tuwing kapaskuhan. Ewan ko ba naman kung anu-anong kabaliwan ang pinag-gagawa ninyong mga tao sa mundo: mausok, maingay, magastos, panganib sa baga, sa bulsa, sa mga hayop tulad namin, sa kapaligiran . . . pero ang kukulit ninyo! Tamaan sana kayo ni Lui na nagpuputok ang butsi sa galit at inis!
Oh, people! Every year you do the same without reason. No good can come from having firecrackers every Christmas. I really do not know the kind of insanity that you people bring to the world: pollution, noise, expense, danger to the lungs and pockets, to animals like me, to the environment. . . but you are all pesky! I hope you get hit by Lui's anger and irritation!



Ang 2012 dadating at lilipas may putok man o wala.
2012 will come and pass whether there are fireworks or not.

Pero ang tao at lahat ng nilikha ng Maykapal na ginagamit sa wasto ang pamumuhay ay siyang may saysay ang buhay. Maging makasaysayan at makabuluhan tayo, harinawa!
But the people and all of God's creations who uses their existence to do right are the ones who bring meaning to life. Be meaningful and live in fulfillment, bless us!

Hmp, makatulog na nga!
Hmp, I better catch on sleep!

Tuesday, December 27, 2011

WatsUp Sumo!

Translated by Quark

Eto po si Petrocelli, pusakal . . .
Here is Petrocelli, a stray cat . . .


Mukhang mabait yan at naa-awa si Lui diyan kaya lagi niya pinapakain sa bubong kahit na magkanda-hulog siya para lang gawin ito!
He looks nice and Lui sympathized with his plight so Lui feeds him on the roof often at the risk of falling from the effort of doing so!


Pero nakup mag-ingat ka dyan kay Petrocelli, bayan! Kinagat niya ako noong Pasko!
But watch that Petrocelli, people! He bit me on Christmas day!

Naloka si Lui sa halong takot at galit!
Lui got crazy from mixed fear and anger!

Baka may rabies daw si Petrocelli. Kesyo hindi naman daw mangangaway si Petrocelli kung hindi namin inatake ni Sweepy. . .
Lui got afraid that Petrocelli might have rabies. And Lui said Petrocelli will not fight unless he was attacked by Sweepy and me . . .


Totoo yon. Inatake namin ni Sweepy si Petrocelli kasi saksakan ng inggay sa bubong magdamag! Napuyat kaya ako kaya't noong nakita kong palakad-lakad sa bubong tinalon ko at nahulog at . . . at eto ang masaklap: maliit man siya pero saksakan ng bilis at tapang. Nakagat ako ni Petrocelli agad. Kung hindi dumating si Lui siguro wala na akong kanang tenga ngayon. Ang saklap, kabayan!
It's true. Sweepy and I attacked Petrocelli because he was so noisy all night! I had sleepless nights so when I saw him walking on the roof I jumped at him and he fell . . . and this is the shocking part: he may be small but Petrocelli is quick and strong. He bit me right away! If Lui did not rush right away I would not have a right ear by now. What fate, people!


Pero ginamot ako ni Luchie (takot si Lui maglagay ng gamot sa tenga ko!) at kinabukasan magaling na agad ang tenga ko. Buhay pa naman ako kaya siguro walang rabies ang damuhong pusang iyan! At saka medyo busy akong namamahagi ng regalo sa mga bata sa paligid at makisawsaw sa mga tao sa party namin kaya OK na ulit ako.
But Luchie treated me because Lui is afraid to apply ointment on my ear. The next day my ears are healed. I am still alive so that darn cat might not have rabies hopefully. And I got busy mingling with the guests in our party and giving gifts to the kids so I'm OK now. . .


Iyan ang tuinay na diwa ng Pasko. Ang pagbabahagi ng saya sa mga bata. Ang saya ng pamilya at kainan ng todo. At ang pinaka-importante ay ang pagrespeto sa mga gala. . . Natutunan ko yan ngayong Pasko. . .
But that is the real meaning of Christmas: to share joy with the children. The joy of family, the endless eating, and the most important is to respect the stray and the homeless. . . I learned that this Christmas . . .

Siguro magiging kaibigan ko rin si Petrocelli . . . siguro kung sa bubong lang siya OK na . . . siguro . . .
Maybe I will be friends with Petrocelli . . . maybe if he stays on the roof its OK . . . maybe . . .

Friday, December 23, 2011

Hoy Sumo Gising! (Wake Up, Sumo!)

Translated by Quark


Ahahay Sumo! Malapit na ang Pasko at tutulog tulog ka pa!
Oh my, Sumo! Christmas is near and you're sleeping!


Eh paano kung lipasan ka ng Pasko?
But what if Christmas pass you by?

At nasaan naman kaya ang anak mong magaling?
And where is your good pup?


Ay sus! Tulog sa tabi mo . . . sa ilalim ng bahay! Nakup kapag naipit yan yari yan!
Oh my! Sleeping near you . . . under his house! If he gets crushed there he's gonna get it!


Ay naku! Bisperas na bukas at tulog pa rin si Sumo at si Sweepy! Paano na iyan, bayan?
Oh no! Tomorrow is Christmas eve and Sumo and Sweepy is asleep! What will happen now, people?

Tuesday, December 20, 2011

Pasko Na Ba, Sumo?

Is It Christmas Already, Sumo?
Translated by Quark


Ay naku! Ang kukulit talaga ninyo!
Oh my! You can really be pesky!

Malayo pa ang Pasko! Sa linggo pa! Wala ba kayong magawa kung hindi ang hintayin ang Pasko?
Christmas is still on Sunday! Don't you have anything better to do than wait for Christmas?



Limang tulog na lang at darating na rin yun. Ano ba ang gusto nyo pag Christmas?
Five more winks and it will be here soon. What do you want for Christmas anyway?

Anong regalo? Hoy hindi yan ang diwa ng Pasko. Ni si Santa Claus wala sa Pasko!
What gifts? Hey that is not the essence of Christmas. Even Santa Claus is not in Christmas!

Eh bakit naka-Santa hat ka, Sumo?
So why are you wearing a Santa hat, Sumo?



Nakup! Natamaan din ako!
Oh-oh, you got me there!

Ako lamang ay nakiki-isa sa saya ng Pasko, kabayan. Aba sa tuwing ganito ang itsura ko natatawa ang mga tao kaya masaya. Aba buong taon kasing nakakatakot itsura ko. Para maiba naman.
I am just joining in the merriment of Christmas, my friend. Whenever I don this hat people laugh and it makes everybody happy. All year round I look scary so during this time I try to look different.

Saturday, December 17, 2011

Pasko Na!

Its Christmas Already!
Translated by Quark


Hindi pa no!
Not yet!

Aba masyado talaga kayong mainipin!
You are too impatient!

Isang linggong tulog pa, kabayan!
You need to wink for one more week, friend!


Hey Sweepy, why is your father sleeping a lot?


Sweepy: I have no woofy idea! But when Popsy sleeps, so will I!

Friday, December 16, 2011

Paulit Ulit (Repeating)

Translated by Quark


Heto kami mag-ama: mistulang naghahanap . . .
Here we are, the father and pup team, looking for something . . .


Aalis . . .
Leaving . . .


Babalik . .
Returning . . .


Wala lang. Walang mahabol kaya!
Nothing. Nothing to chase!

Thursday, December 15, 2011

Sinong Antukin?

Who's The Sleepyhead?
translated by Quark


Aba, hindi ako yon!
Hey that's not me!

Hindi ako antukin. Nagpapahinga lang po. Pero nagmamatyag!
I am not a sleepyhead. I am just resting but I am in full alert.

Tingnan mo kung paano ako magpahinga: bukas ang mga mata ko, pero tulog ako nyan! O kaya nyo ba yan?
Watch how I rest: with both eyes open yet I am taking a nap! Can you beat that?!



At tingnan naman ninyo ang itsura naming mag-ama. Mistulang tulog pero wag ka, isang galaw lang ng magnanakaw, tiyak yari sa amin yon!
And watch how this father and pup tandem rest: we appear sleeping but a slight move from intruders will get us on our paws!

Inakup!
Mamamia!


Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Kapag may sumali diyan na hindi tugma, tiyak sira na naman ang tulog ko! Hoy Sweepy gisingin mo nga yan at doon mo patulugin sa bahay nya! Ano ba yan, kabayan!
Now this is what I mean when somebody out-of-league joins us, my nap time is gone! Sweepy, wake her up and tell her to go and sleep in her own house! What's wrong with these people!

Wednesday, December 14, 2011

Ang Bantay (Guard Dog)

Translated by Quark


Kapag inandaran ka ng antok aba'y wag mag-alala!
When you feel sleepy do not worry!


Aba nariyan ang bantay ko! Hoy Sweepy magbantay ka ha!
I have somebody to guard me! Hey Sweepy, stand guard!


Walang puedeng lumapit sa akin, mag-pa-cute kaya, o mangkulit kaya, kapag nariyan ang bantay ko. Itsura pa lang malupit na di ba?
Nobody can get near me or pester me whenever my guard is on duty. His looks alone can kill!


Nakup! Yan! Yan lang ang kalaban ng bantay ko!
Oh no! That's the enemy of my guard!

Kapag tinamaan ng antok yan, tiyak . . .
When he gets sleepy for sure . . .

. . . bagsak sa tabi ko at logtu din yan! Inaykupo!
. . . he will drop down beside me to sleep! Mamamia!

Ahahay! Wala na bang matinik na bantay dyan tulad ko?!! Aba kailangan ko rin magpahinga alam nyo naman yon di ba?
Oh-oh! Is there any other smart guard dog like me out there?!! Hey I need to take a rest too you know!

Monday, December 12, 2011

Sleeping Beauty


Sa pagsikat ni haring araw . . .
As the king sun rises . . .


. . . hanggang sa paglubog niya sa gabi. . .
. . . until it sets at night . . .

Naroon lang ako . . . nakahimlay.
There I was . . . resting.

Sunday, December 11, 2011

Sumo In Action



O eto na ang idol nyo LIVE!
Here's your idol LIVE!

Saturday, December 10, 2011

Hoy Sumo, Nasaan Si Sweepy?

Hey Sumo, Where is Sweepy?
Translated by Quark


Aba malay ko! I am not my brother, este, my son's keeper no!
But I don't know! I am not my brother, er, my son's keeper!


Eh sino iyan sa likod mo? Mukhang natabunan mo na naman!
But who is there behind you? Looks like he got covered by your bulk again!


Hmp! O ayan! Matampuhin pa naman iyan kapag nasasapawan!
Hmp, there you go! He gets grumpy when he feels the attention is not on him!


Hay salamat! Ka-cute pa naman ng anak mong si Sweepy, Sumo! Kamukha mo talaga!
Oh thanks! Your pup is so cute and he looks like you, Sumo!

Ay naku! Magsama kayong malalabo ang mata!
Oh no! You join forces with people with bad eyesight!

Sunday, December 4, 2011

Put The Little Girl To Sleep

Yan daw ang narinig sa balita . . .
That is what somebody heard in the news . . .

Aba, mali yan! Ang alam ko "put the big dog to sleep!"
But that's wrong and what I know is it is "put the big dog to sleep!"


Naku huwag kang maniwala sa mga sabi-sabi!
Do not believe in hearsay!

Ang tutuo hindi ako naging "little" kahit na noong tuta pa ako.
The truth is that I was never "little" even when I was a puppy.

At hindi ako mahirap makatulog. Pag busog na ako tulog agad ako!
And I never had difficulty sleeping because once I'm full I go to sleep right away!

At saka wala namang gusto i-put-to-sleep ako kasi sino ba naman ang gusto mawala sa mundo ang asong saksakan ng gwapo no!
And nobody would want to "put me to sleep" because who would want to lose a handsome dog in the face of earth!


Ang tutuo, antukin talaga kaming mag-ama lalo na kapag tag-ulan!
And the truth is, my pup and I are sleepyheads especially during rainy days!


At eto ang isa pang tutuo: Pasko na kaya huwag kayong pasaway!
And here is another truth: it is already Christmas so do not be pesky!

Translated by Quark
Note: This is Sumo's take on local politics.

Ay salamat at nakauwi ka na, Quark!
Oh I'm glad you are back Quark!

Saturday, December 3, 2011

Malamig Ang Simoy Ng Hangin (The Air Smell Cold)

(to the tune of whatever Christmas lullaby)


At maitim ang mukha ni Sumo . . .
And black is the face of Sumo . . .

Teka, mali ata!
Wait, I think its wrong!

. . . at maputi na ang mukha ni Sumo . . .
. . . and white is the face of Sumo . . .



Matalim ang kuko ni Sumo . . .
Sharp are the nails of Sumo . . .


Kaya't huwag mong kulitin ni minsan . . .
That's why you should never pester him . . .

. . . at baka mapuruhan ka ng tunay na tunay!
. . . or you might get hit in real time!

Ang mahaba at maitim nagwawalis!
The long and the black is sweeping!

. . . at winalis ng buntot ang makulit ng lamok!
. . . and the tail swept the pesky fly away!

At kasing talas ng pandinig ang tulis ng tenga nya!
And his sharp hearing is as sharp as his ears!


. . . na dinig pati ang snoring ni Sweepy!
. . . and can hear even the snoring of Sweepy!


. . . na sadyang nagbibigay ng insomnia!
. . . the sound of which gives him insomnia!


. . . na hirap na nga makatulog sa init ng katanghalian!
. . . who already has a hard time sleeping at noon time!

Kamusta na ba ang Disyembre mo, bayan?
How is your December, people?