Monday, September 28, 2009

Ang Dasal Ko Sa Pinoy

My Prayer for Pinoys (Filipinos)
Guest Translator: Luchie Bacaltos




Panginoon,
Lord,

turuan mo akong maging bukas palad
teach me how to be charitable

turuan mo akong maglingkod sa Iyo
teach me how to serve You well

na magbigay nang ayon sa nararapat
to give what is due

na walang hinihintay mula sa Iyo
with no expectations from You

ang makibakang di inaalintana
to fight without fear

mga hirap na dinaranas
of sufferings

sa tuwina'y magsumikap
to strive

na hindi humahanap
not always to seek

ng kapalit na kaginhawahan
that sense of comfort

na di naghihintay
never to wait

kundi ang mabatid
until I realize

na ang loob Mo
that it is Your will

ang siyang sinusundan . . .
that should be my guide . . .



Iyan ang paborito kong kinakanta sa simbahan tuwing linggo. Pero dahil bawal ang aso doon, kuntento na akong marinig iyan kay Lui na siyang pinanghehele sa amin ng mga anak ko . . . Alay ko iyan sa lahat ng Pilipino sa mundo. Mabuhay, kabayan!
It is my favorite hymn that is sang in the church every Sunday. But since dogs are not allowed there I am satisfied to hear Lui sing it to us as a lullaby. This is what I offer to all the Filipinos in the whole world. Long live, my countrymen!

Sunday, September 27, 2009

Kadiliman!

Darkness!
I translate myself




Iyan ang kadiliman.
That is darkness.



Madilim. Malagim.
Dark. Scary.



Pero malamig kaya ayun tulog ang anak ko at wala tuloy akong translator ulit. Di bale, kagigising ko rin naman. Sabi ni Lui idaan ko na lang daw sa tulog para hindi ko marinig ang ingay ng ulan at huni ng hangin na nagbabadya ng panganib.
But it is cold so my pups are sleeping and I have no translator again. But it's alright because I just woke up myself. Lui said I should just sleep it off so I won't hear the noise of the rain and the whisper of the wind that brings danger.


Ang pangalan ng dilim, lagim at panganib ay Ondoy. Isang daan lang ni Ondoy, hinambalos naman niya ang buong bayan ko! Umalis ka na Ondoy!
The name of the dark, scary and dangerous is Ondoy. When Ondoy passed by, he also lambasted my whole country! Please leave now Ondoy!


Buti na lang nandito ka, magandang bulaklak!
It's a good thing you are here, beautiful flower!



Sa gitna ng lagim, may bulaklak din.
In the midst of danger, there are flowers too.




At sa gitna ng bulaklak, may amoy . . . na di mo mawari. Malagim din!
And in the center of the flower there is a scent . . . that you can not fathom. Scary too!


Hmp, makaalis na nga at baka abutan ako ng baha diyan!
Hmp, I better go before I get stuck in the floods!

Monday, September 21, 2009

Alaala ng Lumipas

Memories of the Past
Guest Translator: Lui Bacaltos



Mahigit 37 taon na ang nakalipas . . .
37 years have passed . . .


. . . at hindi pa ako aso noon . . .
. . . i was not born yet . . .


. . . at dumaan ang malagim na pangyayari
sa kasaysayan naming mga Pilipino.
. . . and a dark phase in history took place for the Filipinos.


Ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972.
Martial Law was declared on September 21, 1972.


Kaya walang pasok ngayong araw kahit na lunes pa man din.
That is why it is a holiday today even if it is a Monday.



Walang Papasok!
Puro lang labas!
Hehe.
(Dog Pun. Sigh. Lost in Translation)
Walang Papasok= no work/school but can also mean no entry.
Lalabas = to go out.



Bawal rin ang Kaliwa.
Leftist not allowed.



Pag may asawa ka, aba, bawal kumaliwa!
(Dog Pun again! Lost in translation. Sigh2!)
If you're married you can not cheat!
Kaliwa means left. Kaliwa can also mean to cheat.


Bawal din gamitin ang kaliwang kamay sa pagsulat.
Ewan ko naman kung bakit,
basta ayaw ng mga doktor
baka raw maging kaliwete!
You can not also use your left hand to write. I don't know why but the doctors forbid it lest one becomes left-handed!


Pag Kaliwa ka noon
sigurado susundan ka
saan man sulok ka magtago!
If you were leftist that time you will be followed anywhere you go!


Kaya sigurado ako
ng kung buhay na ako
noong mga araw na iyon
eto ang ganti ko
sa magmamatyag sa akin:
But if I were alive during those times, here's what I will give to those who are putting me under surveillance:


Puuuuuuuuuut-utut! Fart!


Eto ang sa inyo!
Kakakain ko pa lang ng itlog
kaya namnamin nyo iyan!
Hay naku, hinimatay tuloy si Bogart
kaya wala na naman ang translator ko!
Here's to you! I just ate eggs so enjoy it! Bogart fainted so I lost my translator again! (Lui: you are soooo GROSS, Sumo! As in totally doggone gross! I give up!)


At ayan
pati si Lui nawala!
Teka ma-text ko nga si Lumbera
baka kailangan niya ng K9
kasi kailangan ko ng magaling na translator.
Ex-Deal kaya kami?
I said: Lui gave up. I better text Lumbera in case he needs a K9 dog because I need a good translator and we can have an exchange deal.


Ahahay buhay!

Thursday, September 17, 2009

Bahay Kubo . . . de song!

The Bahay Kubo song
Guest Translator: Tony Perez




Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga . . .

My own grass hut, no matter how small
Has a garden with all, short plants and tall
Turnip, eggplant, wing bean, and peanut
Stringbean, white bean, lintel, and such
Winter melon, loofah, bottle gourd, squash
In addition, radish and a mustard patch
Onion, tomato, garlic, ginger are found
And, all around, sesame bushes abound . . .


Ang Pangarap Kong Bahay Kubo . . .

My Wish for a Nipa Hut
Translated by Bogart




Ang idol kong si Bobby, ang ringtone ng celfon nya, Bahay Kubo.
The ring tone (of the cellphone) of my idol Bobby is Bahay Kubo (Nipa Hut song).

At ang mga bahay na ginagawa niya, aba, mala-bahay-kubo rin!
And the houses that he makes looks like nipa huts too!

Hindi gaya ng bahay ko na sadyang boring. . .
Unlike my house that is somewhat boring . . .



Aba, mukhang OK naman ang bahay mong Heaven ah!
But your house Heaven looks OK!

Naku, hindi ko bahay iyan. Kay Lui iyan. Eto ang bahay ko:
But that's not my house. That's Lui's. This is my house:



Aba, walastik! May unan pa kaya! Eh, bakit mukhang inapi ka na naman? But you even have pillows! So why do you look harassed?



. . . at mukha na-agrabyado ka kaya . . .
. . . and you looked like you've been cheated . . .


Hinihintay ko si Lui at tataya ako sa lotto.
Pag nanalo ako, kukunin ko si Bobby
para gawan ako ng sarili kong bahay kubo!
I am waiting for Lui because I want to bet on the lotto.
If I win, I will get Bobby to make me my own nipa hut!


Hay naku, puputi na ang uwak, pati na ang buhok mo, Sumo, pero hindi ka mananalo! At hindi ka puede tumira sa bahay kubo kasi mabigat ka! At hinding-hindi ka papansinin ni Bobby kasi aba, National Artist na kaya iyon!
Oh, Sumo, the crow will turn white including your fur, but you will not win! And you can not live in a nipa hut because you are heavy! And Bobby will not pay attention to you because he is now a National Artist!



Hmp! Di bale, libre naman ang mangarap . . . sino kayang pinoy ang hindi nangarap tumira sa bahay kubo!
Hmp! Never mind. One is free to dream . . . and it is every pinoy's dream to live in a nipa hut!

Friday, September 11, 2009

I Am Dark


I will translate myself.
My translator is snoring.
PorDosPorSanTaBarBariDad



Oo. Yes
Madilim ako. I am Dark.

Pero, hindi ako Ang Dilim.
But I am not The Dark.

Aba, iba na kaya iyon!
And that is a different thing!



Madilim and mood ko ngayon.
My mood is dark now.


. . . kasi madilim din ang mundo!
. . . because the world is dark!



Maulan at mukhang nagbakasyon ang araw!
It is rainy and the sun went on vacation!


At ang mga labada . . . aba, labadabida! . . .
And the laundry . . . oh, labidabida . . .

. . . lahat BASA! . . . ALL WET!

Hindi matutuyo. Mag-aamoy amag!
It will not dry. It will smell stale!


Ayan, bumabaha na rin, hanggang sa loob ng bahay!
And it is getting flooded even inside the house!

Kaya ayan, madilim rin ang tingin ko.
So there, I feel dark too.


At kapag hindi bumalik ang translator ko
and if my translator will not return . . .

. . . na sadyang walang ginawa kundi matulog!
. . . who is not doing anything but sleep!

. . . at magpalaki ng . . . . tiyan!
. . . and make his stomach big!

. . . sigurado, didilim ang paningin ko ng lubos!
. . . for sure, my sight will grow more dark!

Sunday, September 6, 2009

Padyak Boys!

The Pedal Boys!
Translated by Bogart




Padyak, padyak . . .
paa kong tiyak
en wid gud luk
aba sigurado limpak!

Pedal, pedal . .
my sure stride

and with good luck

for sure I'll get much!


At eto sina Wilson at Richard:
And here's Wilson and Richard:


Ang tunay na padyak boys. The real pedal boys.
Umaga at hapon ang kayod nila. They work from morning till noon.
Mga batang saksakan ng sipag . . . They are hardworking kids . . .
ma-abilidad at masayahin pa . . . who are industrious and happy . . .
aba, eh di isama mo na ang porma . . . and don't forget their looks:

sus, eh pang TV kaya! . . .
. . . perfect for TV!


At eto ang dala ng paborito kong padyak boys:
And here's what my favorite pedal boys have:

Aba! Sari-saring tinapay pinoy! Pilipit na malambot, spanish bread (may keso sa loob!) pan de coco . . . haaaay! Hulog kayo ng langit sa buhay namin!
Whoa! Several pinoy breads! Soft twisted bread, spanish bread (with cheese inside!), coco jam filled bread . . . ahhhhhh! You are heaven's gift to us!


Marinig ko lang ang "potpot" nila . . .
The moment I hear their bell that goes 'potpot'. . .

Ahahay, ayos na ang kasunod!
Ahhhh, for sure I'll get seconds!


Idol ako ng mga iyan! I am their idol!
At siyempre idol ko din sila! And of course, they are my idols too!
At eto ang autograph ko para lang sa inyo, idol!
And here's my autograph just for you, my idols!


Ayan, habang buhay iyan nakatatak sa buhay mo!
And that will be etched forever in your life!


Panalangin ko na sana gumanda ang buhay ninyo. Makapag-aral kayo. At mabuhay kayo ng maayos at marangal. At sana hindi kayo pababayaan ng gobyerno natin! O sya, idol, padyak na nang makarami! Mabuhay ang pinoy idols ko!
I pray that you will have a better life and for you to go to school. To live simply and well. And I hope that our government will take care of you! Okay, idols, time to pedal your way for more sales! Long live my pinoy idols!

Wednesday, September 2, 2009

Madilaw Ang Mundo!

Yellow is the World!
Translation by MrLeach




Oras na!
Dumating na!
De tym hs come!


Padyak, padyak . . . paa kong tiyak . . .
Hindi ka na mag-iisa . . . lalaban ako!
Peddle ur way ma sure feet
Ur not alone . . . i wl fight!


Nakup, sandali . . . sandali lang . . .
w8 a min8

. . . kung maaari lang . . .
. . . f ul allow pls

. . . paki tabi muna ang mga linta sa tabi . . .
. . . leeches stay bak

. . . at iyung mahilig mag-translate ng tahol ko . .
. . . en wannabe translator

TUMABI KA MUNA KUNG AYAW MONG MAAPAKAN!
STAY BAK IF U DONT WANNA GET UPAK!

MrLeach: Babu, ma pipol!




The Yellow World, Take 2

Translated by Bogart


Hay salamat! Bumalik na ang anak kong translator! Saan ka ba nagpupupunta, Bogart?!!! Please lang, asikasuhin mo naman ang tahol ko no!
Ah my translator pup is back! But where were you, Bogart?!!! Will you please attend to my barkings!


O sya, saan na ba ako? Nasira tuloy ang porma ko sa MrLeach na iyan na sadyang lumalabas sa tuwing umuulan. Itama pa ang diskarte niyang text-lingo sa makasaysayang araw na kinahihintay ng marami! Ang paglabas na mga mahalagang salita na siyang mag-gagabay sa mga susunod na buwan. Ang mga salitang magbibigay linaw at saysay sa masalimuot na kasaysayan naming mga Pinoy!
Anyway, where was I? I lost my bearings because of MrLeach who seem to come out when it rains. Imagine using his text-lingo on a much-awaited historical day! A day when important statements are made which will guide the succeeding months. Statements that will provide clarity and meaning to a dark phase of history of Pinoys (Filipinos) like us!




Tatakbo na muli ang dugong bayani ni Ninoy at Cory! Lalaban na dakila ang dugo ni Roxas! Mangingibabaw ang taos-pusong pagsilbi sa bayan at ipasasantabi muna ang hiyaw ng kapangyarihan! Mabuhay si Noynoy Aquino at Mar Roxas!
The heroic blood of Ninoy and Cory will rise again! The Roxas blood will fight with dignity! The selfless service to the country will rise over the cry for power! Long live Noynoy Aquino and Mar Roxas!


Uy, ang galing mo talaga, Sumo!
Tunay kang dakila! Proud ako sa iyo!
Hey, you're really great, Sumo!
I am proud of you!

Eh ano ba ang meron kay Noynoy at Mar?
So what does Noynoy and Mar has?


Aba, eh di si Korina Sanchez!
Iyung isa past ni Korina, at iyung isa present niya.
Swak di ba?
What else but Korina Sanchez!
The other is Korina's past (love) and the other is her present.



Naku, diyan ka magaling Sumo!
Pag minalas ka tatawagin ka sa Senate
at pa-iimbestigahan ka dun no!
Sigurado pati BloggersAward mo
ipu-protesta hanggang sa korte!

There you go again Sumo!
The Senate will call and investigate you!
Even your BloggersAward will be protested up to the courts!


Joke lang, kabayan!
Patawad po. Aso lang po!
Joke only. My apologies. I'm just a dog!

Madilaw My Mundo, Part 3

My Yellow World, Part 3
Translated by Bogart





Nariyan pa ba kayo?
Are you still there?

O sya, seryoso na ha!
It's time to get serious!



Sabi ni Noynoy tatakbo lang daw siya kung masisiguro niya sa kanyang sarili na tunay siyang makakapagbigay ng tunay na pagbabago sa bansa. Kung sa tingin niya na makakagulo lang siya, hindi raw siya tatakbo sa pagka-Presidente! Iyan ang makasaysayang pananalita. Mga dugo ni Ninoy at Cory ang tumutulak sa isang tahimik na tao upang tanggapin ang mabigat na responsibilidad na iyan! Dakila ka Noynoy!

Noynoy said he will run (for President) if he is confident that he can provide real changes to the country. If he feels otherwise he will not go for the Presidency! Ninoy and Cory's (Aquino) blood pushed a quiet man to come forward and accept such great responsibility! You are great, Noynoy!


At eto naman ako
kahit munting aso lamang
at hindi puedeng bumoto
aba puede mo akong 'lifeline' Noynoy!
Aba puede kitang tulungan no!

And here I am
even if I am just a mere dog
and I can not vote
I can be your 'lifeline' Noynoy!
Hey, I can help you, you know!


At eto ang pasimula:
Yari din lang tatakbo na si Noynoy at Mar, sana bumitaw na ang ibang tatakbo. Naku, bumitaw na kayo at isa na lang ang suportahan natin sa darating na botohan! Mahalaga na magkasundo tayong lahat! Kailangan isa lang ang boto natin para hindi magulo!

And here's for starters:
Since Noynoy and Mar are running (for Presidential elections), I hope the others will withdraw from the race. Please withdraw so we can support them (Noynoy&Mar) in the coming elections. It is important for us to unite! We need one vote to avoid confusion.


At eto ang advice ko kay Noynoy at Mar:
Kung pagbibigyan kayo ng iba eh di kunin naman ninyo sila para tumulong sa inyo! At eto ang listahan ko:

And here's for Noynoy&Mar:
Since all the Presidential aspirants will give way for you why don't you get all of them to work with you! and here's my list:

Noynoy Aquino - President
Mar Roxas - Vice President
Cabinet Secretaries:
Kiko Pangilinan - Justice
Loren Legarda - Environment
Dick Gordon - Health (RedCross pa!)
Manny Villar - Foreign Affairs (at gawing diplomat si Cynthia!)
Jojo Binay - MMDA
Bayani Fernando - DPWH
Chiz Escudero - Education
Jamby Madrigal - DSWD
Noli de Castro - Housing
Nick Perlas - DILG
Ralph Recto - Finance

Eh paano sina: (But what about-)
Fr. Emong? Ibalik sa simbahan (back to church)
Eddie Villanueva? Ibalik sa simbahan (back to church)
Mike Velarde? Ibalik sa simbahan (back to church)
Lito Lapid? Ibalik sa Pelikula (back to movies)
Gilbert Teodoro? sa Senate na lang (to the Senate)
Ang Puno Family? siguro mag-vacation muna kasi ang dami nila! Maybe they should go on vacation in the meantime because there's too many of them!

and Erap? PAGCOR!



O ayan, swak di ba?
Teka maka-rally nga!

There goes my list. Perfect huh?
I better go out and rally!




Eh bakit ka umuwi, Sumo?
But why did you go home, Sumo?


Aba, maulan kaya!
Saka na lang pag maaraw na ulit.
Babye!

But it's raining!
Maybe next time when it's sunny.
Bye!