Thursday, October 30, 2008

Oras Na!

Oras na ng . . . Kabaliwan.
It is time for the . . . Loonies.
Translated by Bogart



Ayan, tingnan mo iyan:
There, look at that:


Ang malaking kabaliwan at maling pag-intindi ng tunay na diwa ng Halloween ay nasa paligid ko na naman! O, PoongMahabagin! Patnubayan po ninyo ako sa mundong mababaw!
The biggest madness and the wrong understanding of the real essence of Halloween are all around me again! Oh, God of Mercy! Please guide me in a shallow world!


Hindi ko susuutin iyan!
I will not wear that!





Eh itsura ko pa lang, ka-sindak-sindak na!
Eh bakit ko pa pagtatakpan na isang katawa-tawa?
My looks alone is already shocking!
Why need to spruce it with something laughable?



Para lang iyan sa mga bata, tuta, at isip-bata/tuta, tulad ng mga anak ko na siyang tuwang-tuwa magsuot ng mga ganyan.
They are only for kids, puppies, and those who are kids/puppies-at heart, just like my pups who both enjoy wearing stuff like that.


Pero ano ba talaga ang Halloween?
Bakit at kailan ba naging multo at ginawang nakakatakot na minsang mistulang katawa-tawa ang isang pagdiriwa na isang masayang kaganapan na binalot ng ating nakalipas? Ang matalinghagang nakalipas na minsang namuno ang Diyosang si Isis, ang unang nalikha sa pagsasama ng hangin at tubig. Ang pagsilang ni Isis na siyang nagsilang sa mundo. Ang mundong nagbuo ng tao, hayop, halaman . . . na siyang naging magulo, mapanira, at katawa-tawa sa kanilang kahinaan at kabaliwan.
Iyan ang totong kabaliwan!
Ang tutuong mundo natin ay hindi lamang nakikita sa kalye o mga lugar na nabahiran ng kasakiman ng tao. Ang tunay na mundo ay mistulang lihim, binabalot ang malimit na tulog nating puso na siyang pilit kinukubli ang ating pagkakaisa. . .

But what is Halloween?
Why and when did it became associated with ghosts and made to became a scary event that borders on the satirical celebration of a happy event of our past? The sacred past where once the Goddess Isis, created from the union of the air and water, ruled. When Isis gave birth, She gave birth to a world of people, animals, plants . . .which somehow became unruly, destructive and ironic in their weakness and madness.
The real world is not found in streets or places stained by people's greed. The real world is like a secret, wrapped by our somewhat sleeping hearts and pitifully hiding our real oneness . . .


Masayang Pagdiriwa sa mga kaibigan kong bruha!
A Merry Samhain to all my beloved witch friends!

Tuesday, October 28, 2008

MyWorldTuesday

Ang Mundo Ko!
My World!
translated by Bogart



Siya si Lui . . .
This is Lui . . .

Sa kanya umiikot ang mundo ko . . .
My world revolves around her. . .


Kapag umaalis siya . . .
Everytime she leaves . . .

. . .mistulang nagugunaw ang mundo ko!
. . .my world seems to end!


Natataranta ako . . .
I go crazy . . .

Hinahanap-hanap ko siya
sa loob ng bahay naming Heaven . . .
I look for her inside our house in Heaven . . .


Naloloka ako ng kakatalon sa kama niya!
I go crazy jumping on her bed!

pilit sinisinghot ang mga amoy
na naiwan sa pagtulog niya . . .
trying to smell the scent left from her sleep . . .


Sinisilip ko rin ang higaan ni Luchi . . .
I also check the bed of Luchi . . .


. . . sila talaga ang tunay na hinahanap ng puso ko!
. . .they are really the ones that my heart yearns for!


Pero kung wala sila nalulungkot ako
at hinahanap-hanap ko sila!
But when they are not around
I feel sad and I look for them!




Naiinggit ako sa mga asong dumadaan . . .
I get envious of other dogs passing by . . .

. . .na kasama ang kaibigan nilang tao.
. . .who are walking with their human friend.


Pero, babalik rin naman sila . . .
sa paglubog ng araw
at sasaya na naman ang mundo ko!

But they will be back when the sun sets
and my world will be happy again!




Kaya't itutulog ko muna ang lungkot ko . . .
So for now, I will sleep my sadness away . . .



Harinawa, hindi gaano malungkot
ang ibang kuwento
sa ibang parte ng mundo . . .
Hopefully, the other stories
in the other parts of the world

will not be as sad . . .




Friday, October 24, 2008

My Sky Watch Friday

Ang Aking Pagtanaw sa Kalangitan
Kada Biyernes lamang
Pangalawang Yugto
translated in English by my pup Bogart

My View of the Heavens
Every Friday only
Chapter Two



Muli na naman ako tumanaw sa kalangitan.
Naku, malimit ko na ata itong gagawin kasi kasali kami ng mga anak ko sa SkyWatchers kada Friday. Sigurado akong kami lang ang asong tumatahol at kasali doon. Madalas nga kaming nakatatanggap ng mga bisita na hindi makapaniwala na aso nga kami na may blog.

I went to watch the skies again. I am sure I will always be doing this regularly now because I, together with my pups, are part of the SkyWatchers every friday. I am sure we are the only dogs barking there. We often get visitors who can not believe that we are indeed dogs with blogs.



Hoy! Kayo lang ba ang marunong mag-blog? Kayo lang ba ang marunong tumingin sa kalangitan? Aba, aba! Aso man kami pero hindi gaya ninyo, hindi namin nakalilimutan ang aming pagkakaisa sa isang matalinghagang kalikhaan. Walang labis, walang kulang. Tulad ng kalangitan na iyan na sadyang nagbabadya . . .

Hey, do you think you are the only ones who knows how to blog? Do you think you are the only ones who knows how to watch the sky? We may be animals but unlike you, we have never forgotten that we are part of the whole amazing creation. No more, no less. Just like the skies above that seems threatening . . .



Kumubli ka man
makikita ka pa rin . . .

Even if you hide
you will be seen . . .



Pero bakit ka pa magtatago?
Kung ang kaaya-ayang tanawin
ay mistulang nagbabadya lamang?
Na tulad ko, na mukhang mabangis
pero saksakan naman ng lambing . . .

But why should you hide?
If the awesome view seems only threatening?
Much like me, with my wild looks
but in reality, I am extremely loving . . .



. . . na tulad ng kalangitan
mistulang magandang lihim
na binabalot na mapang-akit na ngiti. . .

. . . that like the heavens
hiding a wonderful secret
hidden behind its sweet smile . . .



Maraming lihim ang kalangitan
kaya silipin din ninyo ang lihim ng iba.

The skies have so many secrets
so go and take a peek at some of them:

Tuesday, October 21, 2008

MyWorldTuesday!

Ang Nakalipas . . . (The Past)



Nabalik ako sa nakalipas noong isang linggo.
Nakita kong nagmumuni-muni ang anak kong si Sweepy at humihikbi-hikbi. Sinilip ko at nakita ko na pinagmamasdan niya ang mga luma naming mga larawan. Hiniram ko ang isa sa mga album at waring nadala ako sa aking nakaraan . . .

I was brought to the past last week. I saw my pup Sweepy mulling over something and heard him sobbing. I went to check and saw him going over our old photographs. I borrowed one of the photo albums and I was suddenly brought to my past . . .



Ang aking mahal na asawa na si Pica. Tuta pa lang ako ng magkita ang landas namin. Inalagaan niya ako na parang tunay niyang anak. Hindi nagtagal, sa paglaki ko, nakita ko ang kanyang kagandahan! At sa pagka-binata ko, siya agad ang minahal ko.

My dearest mate Pica. I was just a puppy when our paths crossed. She took care of me like I was her puppy. It did not take long for me to grow up and discover her beauty! In my adolescent years, I immediately fell in love with her.



Sa tatlong taon, nagkaroon kami ng mahigit na dalawampung tuta. Kasama diyan sina Sweepy at Bogart. Tingnan naman ninyo ang saya namin sa paglalaro . . .

In three years, we had more than twenty litters. That includes Sweepy and Bogart. Look how we enjoyed playing together . . .



Sabay sabay rin kaming kumakain. Naku, saksakan ng gulo, ingay, at maloka-loka ang mga tao sa bahay sa pag-alaga sa amin!

We would eat together and it was riotous, noisy and the people in the house had a hard time taking care of us!



Sabay rin kaming natutulog. Noong wala pa kaming bahay, mayroon kaming higaan at unan at tabi-tabi kaming natutulog. Tumatabi ako lagi kay Pica, pero kapag mainit, doon lang ako sa sahig at nagbabantay sa kanila.

We would also sleep together. Before we had our individual houses, we used to have our own beds and pillows and we sleep together. I sleep beside Pica but when the weather is humid, I stay on the floor and just watch over them.


Nakakatuwang isipin ang mga nakalipas. Nakakalungkot din kasi wala na si Pica. Na-mi-miss ko talaga siya. Pero matagal ko nang isinara ang lungkot na kanyang pagpanaw. Sabi ni Lui ikabubuti ko raw kung pilit kong gugunitain ang mga magagandang alaala lamang. Nagkasakit kasi ako ng malubha noon ng pilit kong dinamdam ang pagkawala ni Pica. Ngayon, okay na ako. Kaya ko ng balikan ang nakalipas.

It is quite amusing to revisit the past. It is also sad because Pica is not here anymore. I truly miss her. But I have long closed the sadness of her leaving. Lui told me that it would be better for me to linger on the good times only. I got seriously sick before because I took Pica's leaving gravely. But now, I'm okay. I can now visit my past.


. . . At kahit malungkot ang ibang bahagi, nasa kalungkutan din ang kasiyahan. Tunay nga na sa tindi ng iyong pagmamahal, doon mo makikita ang lalim ng sugat kung ito ay mawawala sa iyo. At sa pag-ibig mo din makikita ay dahilan ng paghilom ng sakit ng pag-alaala.

. . . and even if there are sad memories, it is in sadness that we can find happiness. In truth, it is in the depth of our love that you will find the deepest wound when this love is taken from you. And it is also through the same love that you will find the reason to heal the pain of remembering.


O, alaala ng lumipas!
Sadya mong ginising ang natutulog kong puso ulit!

Ah, the memories of the past!
You woke up my sleeping heart again!



Hala, silipin at basahin ang ibang istorya dito!
Go and read other stories right here:



NOTE: Translated into English by my pup Bogart. Thanks bigB!

Saturday, October 18, 2008

SkyWatch Friday!




Aba sali ako diyan! Kaming mga houndsinheaven ay mahilig magmuni-muni at pagmasdan ang kaaya-aya nating kalangitan!

Kung ang SkyWatch entry ng anak kong si Sweepy ay mala-palamuti, aba siyempre ang sa akin mala kamatayan. Kasindak-sindak at walang kasing bigat sa kaitiman. Pero kung iisipin, sa ibabaw ng dilim na ito ay ang walang kamatayang kalayaan at katahimikan.

Hindi mapanganib ang dilim. Kung matapang kang haharapin ito, makikita mo ang mga mata mong nadilatrin sa wakas! At sa iyong pagmulat, pawang liwanag lamang ang siyang makikita. Kahit na sa dilim.

Sa misteryo ng dilim at lagim ang bumabalot lamang ay takot. Mapanganib ang takot. Mas mapanganib pa kesa sa dilim. . .



For SkyWatch readers who can not speak or understand the Pilipino language, here's my hound translator Bogart who will post his translation of my blog here only for the benefit of my SkyWatch readers!


Hey, count me in! The houndsinheaven love to mull the time and watch the heavenly sky!
If you watch the SkyWatch entry of my pup Sweepy, you will notice that his entry is pretty decorative while mine is pretty dark, much like death. Shocking and as heavy as the dark. But if you think about it, in the midst of darkness is a never-ending place of freedom and peace.

The dark is not dangerous. If you have the courage to face it, you will find your eyes awakening at last! And in your awakening, you see only light. Even in the dark.

The mystery of the dark and the dangerous is the enveloping fear. Fear is dangerous. More dangerous than the dark . . .



Hala, silipin ninyo ang iba pang madilim na kalangitan . . .
. . .Go and check other dark skies . . .


Thursday, October 16, 2008

Wordless Wednesday . . . daw!

Iyan ang tawag sa isang grupo dito sa Net.
Kasama diyan ang walang kasing OA kong anak na si Sweepy at siguro pati na rin si Bogart. Nagkikita kita sila kada Miyerkules (kahapon sa Pinas pero dahil nauuna tayo ng isang araw sa kanila ay lumalabas sa araw ng Huwebes) at saka nag-po-post ng litrato lamang, sapagkat, dapat WALANG SALITA. Eh, "wordless" nga, di ba?

Pero, wag ka, pag sinilip mo ang grupo, aba! isang katerbang SALITA! Puro satsat!
Ay sus, StaQueBarbaridad!

Puwes, kung ako ang tatanungin. . .
eto ang totong wordless ko para sa inyo . . .




. . . tamaan sana kayo ng kidlat.
Este, ng walang kagilagilalas na wordless day.
Ahem.

Tuesday, October 14, 2008

Anak Ka Ng Linta!



Nakup!
Parang na-feel ko na nandyan na naman si Mr. Leach. Ang linta na madalas bumisita sa amin. Aba sa sobrang bagal niyan kumilos inaabot siya ng siyam-siyam.



Ewan ko ba naman kung bakit madalas pumunta sa bahay namin iyan eh alam naman niyang na-aaburido si Lui sa tuwing nakikita siya! Kulang na lang at lumuhod sa harap niya si Lui para pakiusapan na huwag na masyadong pupunta sa bahay namin.

Bakit kamo?

Una, delikado iyan madikit sa aming balat at baka sipsipin pa ang dugo namin. Mahabagin langit! Sus, eh ang hilig pa naman niyang bumeso-beso. AbaGinoongSantoSantita!

Pangalawa, delikadong maapakan namin ang tulad niya na maliit at pakalat-kalat sa kung saan saan. Hindi lang minsan naapakan ang mga tulad niya. Maiyak-iyak si Lui sa tuwing winawalis niya ang mga napisat ng nagdaragasang mga paa namin. Eh kung ang kuko sa paa ni Lui namamatay kung maapakan namin, eh iyang mga linta pa kaya?

Pagatlo, sa sobrang, over bagal niya kumilos, malimit makalimutan niya ang tunay niyang pakay pagdating sa bahay namin. O, tulad ngayon.



Tingnan mo patago-tago pa eh nakita ko na naman siya. Saka sinabi naman ni Lui na dadalaw daw siya sa bahay. Aba, noong Agosto pa iyon! Anong buwan na ba ngayon?!? Kita mo na! Sigurado nakalimutan na ni Mr. Leach na kaya siya dadalaw sa amin eh para i-congratulate kami sa pagka-panalo sa Pawlimpics! O, mahabagin buwan! Patnubayan mo ang lintang makalimutin!

At ayun, nagtago na sa butas taguan ni Troy, ang butihin naming butiki. Nakup kapag nagkita sila ng mga langgam doon tiyak ubos ang dugo ng Mr. Leach na iyan!

Hay naku, Mr. Leach. Pabilog na ang buwan. Masungit ang mga tao. Pero ako, naiintindihan kita kahit na hindi mo ako maintindihan. Salamat sa pagdalaw mo kahit hindi tayo nagkita sa mata. Ako naman talaga ang pakay mo kasi ako talaga ang nanalo sa Pawlimpics!

Sana magkita ulit tayo. . .




Friday, October 10, 2008

Ang Buwan ng Sining, Aklat, at Alaala . . .

. . . yan ang buwan ng Oktubre.
Kailan ka ba huling pumasyal sa museum?
O sa silid aklatan na mas kilala mo bilang library?
Mga alaala ng lumipas.
Mga kuwentong binalot ng alaala.
Hinubog sa putik.
Iginuhit sa lapis.
Ipininta.


Ang kaibigan kong si Claire
na mahilig magpinta ng laruan
ay nagpapahiwatig ng kuwento
na nasasaloob ng kanyang alaala.

Ang huling exhibit niya sa Tin-aw Gallery
"louder symphony, homage to crashing"
ay masayang larawan ng mga superhero
at ang kanilang paglaro sa mundo ng tao.


Amazing Boy from Midland High
Oil on Canvas, 2008


Minsan naiisip ko
kung sino talaga ang siyang
naglalaro at nagsasaya?
Ang laruan ba o ang bata?
Ang naglalaro o ang laruan?
Kasi kapag naglalaro ako
ang bola ko ang mistulang
nagsasaya at tumatalsik sa tuwa.
Ako naman ay hinihingal sa pagod
sa kakahabol at kakahuli nito!


Maraming kuwento ang mababasa mo
sa mga likhang sining
na siyang makikita mo
sa museo at art gallery.
Sa mga pahina ng libro.
Sa mga naiwang alaala
ng mga mahal sa buhay
na lumaya na sa buhay mo.

Marahil tama lang
na dalawin mo ulit ito.