Ang Nakalipas . . . (The Past)
Nabalik ako sa nakalipas noong isang linggo.
Nakita kong nagmumuni-muni ang anak kong si Sweepy at humihikbi-hikbi. Sinilip ko at nakita ko na pinagmamasdan niya ang mga luma naming mga larawan. Hiniram ko ang isa sa mga album at waring nadala ako sa aking nakaraan . . .
I was brought to the past last week. I saw my pup Sweepy mulling over something and heard him sobbing. I went to check and saw him going over our old photographs. I borrowed one of the photo albums and I was suddenly brought to my past . . .
Ang aking mahal na asawa na si Pica. Tuta pa lang ako ng magkita ang landas namin. Inalagaan niya ako na parang tunay niyang anak. Hindi nagtagal, sa paglaki ko, nakita ko ang kanyang kagandahan! At sa pagka-binata ko, siya agad ang minahal ko.
My dearest mate Pica. I was just a puppy when our paths crossed. She took care of me like I was her puppy. It did not take long for me to grow up and discover her beauty! In my adolescent years, I immediately fell in love with her.
Sa tatlong taon, nagkaroon kami ng mahigit na dalawampung tuta. Kasama diyan sina Sweepy at Bogart. Tingnan naman ninyo ang saya namin sa paglalaro . . .
In three years, we had more than twenty litters. That includes Sweepy and Bogart. Look how we enjoyed playing together . . .
Sabay sabay rin kaming kumakain. Naku, saksakan ng gulo, ingay, at maloka-loka ang mga tao sa bahay sa pag-alaga sa amin!
We would eat together and it was riotous, noisy and the people in the house had a hard time taking care of us!
Sabay rin kaming natutulog. Noong wala pa kaming bahay, mayroon kaming higaan at unan at tabi-tabi kaming natutulog. Tumatabi ako lagi kay Pica, pero kapag mainit, doon lang ako sa sahig at nagbabantay sa kanila.
We would also sleep together. Before we had our individual houses, we used to have our own beds and pillows and we sleep together. I sleep beside Pica but when the weather is humid, I stay on the floor and just watch over them.
Nakakatuwang isipin ang mga nakalipas. Nakakalungkot din kasi wala na si Pica. Na-mi-miss ko talaga siya. Pero matagal ko nang isinara ang lungkot na kanyang pagpanaw. Sabi ni Lui ikabubuti ko raw kung pilit kong gugunitain ang mga magagandang alaala lamang. Nagkasakit kasi ako ng malubha noon ng pilit kong dinamdam ang pagkawala ni Pica. Ngayon, okay na ako. Kaya ko ng balikan ang nakalipas.
It is quite amusing to revisit the past. It is also sad because Pica is not here anymore. I truly miss her. But I have long closed the sadness of her leaving. Lui told me that it would be better for me to linger on the good times only. I got seriously sick before because I took Pica's leaving gravely. But now, I'm okay. I can now visit my past.
. . . At kahit malungkot ang ibang bahagi, nasa kalungkutan din ang kasiyahan. Tunay nga na sa tindi ng iyong pagmamahal, doon mo makikita ang lalim ng sugat kung ito ay mawawala sa iyo. At sa pag-ibig mo din makikita ay dahilan ng paghilom ng sakit ng pag-alaala.
. . . and even if there are sad memories, it is in sadness that we can find happiness. In truth, it is in the depth of our love that you will find the deepest wound when this love is taken from you. And it is also through the same love that you will find the reason to heal the pain of remembering.
O, alaala ng lumipas!
Sadya mong ginising ang natutulog kong puso ulit!
Ah, the memories of the past!
You woke up my sleeping heart again!
Hala, silipin at basahin ang ibang istorya dito!
Go and read other stories right here:
NOTE: Translated into English by my pup Bogart. Thanks bigB!
It is with deep sadness to announce the demise of our superdog Sweepy
around 11 am today, January 8.
Please go to my blog for details.
Thank you for being p...