Friday, October 10, 2008

Ang Buwan ng Sining, Aklat, at Alaala . . .

. . . yan ang buwan ng Oktubre.
Kailan ka ba huling pumasyal sa museum?
O sa silid aklatan na mas kilala mo bilang library?
Mga alaala ng lumipas.
Mga kuwentong binalot ng alaala.
Hinubog sa putik.
Iginuhit sa lapis.
Ipininta.


Ang kaibigan kong si Claire
na mahilig magpinta ng laruan
ay nagpapahiwatig ng kuwento
na nasasaloob ng kanyang alaala.

Ang huling exhibit niya sa Tin-aw Gallery
"louder symphony, homage to crashing"
ay masayang larawan ng mga superhero
at ang kanilang paglaro sa mundo ng tao.


Amazing Boy from Midland High
Oil on Canvas, 2008


Minsan naiisip ko
kung sino talaga ang siyang
naglalaro at nagsasaya?
Ang laruan ba o ang bata?
Ang naglalaro o ang laruan?
Kasi kapag naglalaro ako
ang bola ko ang mistulang
nagsasaya at tumatalsik sa tuwa.
Ako naman ay hinihingal sa pagod
sa kakahabol at kakahuli nito!


Maraming kuwento ang mababasa mo
sa mga likhang sining
na siyang makikita mo
sa museo at art gallery.
Sa mga pahina ng libro.
Sa mga naiwang alaala
ng mga mahal sa buhay
na lumaya na sa buhay mo.

Marahil tama lang
na dalawin mo ulit ito.