Wednesday, November 23, 2011

Mug Shot


Yan ang mug shot ko!
That is my mug shot!


At eto naman ang side shot ko.
And here is my side shot.


Ay ewan ko ba kung bakit maraming chechebureche dyan eh kahit anong angulo mo akong tingnan mukha pa rin akong mabangis at madilim!
Oh I don't know what the fuss is about but any angle you look I always appear wild and dark!


Teka at masilip nga kung OK na ang porma ko bago ako kunan ni Sweepy ng picture-picture!
Wait, I better check if I look OK before Sweepy takes my picture!


O di ba? Ok na ok na pang Pasko!
There you go ready for Christmas!

Sunday, November 20, 2011

Ang Araw Ko (My Day)


. . . ay lagi sa piling ng mga mahal ko . . .
. . . are spent with my loved ones . . .


Nagbabasa ng kung anu-ano.
Reading stuff.


Naghihintay.
Waiting.


Nagpapahinga.
Resting.


Ang araw ko . . .ay katulad ng araw ninyo!
My day is just like yours!

Ahahay buhay!
Ahhh life!

Friday, November 18, 2011

Sumo!



Halika! (Come!)



Ahahay, buo na naman ang araw ko!
(Ahhh, my day is now complete!)

Thursday, November 17, 2011

Magkaibang Pananaw (Differing Views)





. . . nalingon ko ang kalangitan at wala akong masabi . . .
(I faced the skies and I was speechless!)



Dinadalaw na naman kami ng mga mahal namin na pumanaw na . . .
(We are visited by our departed loved ones again . . .)
















Hay naku Lui! Sirain mo kaya ang drama ng buhay namin!
Oh Lui! You always find the chance to ruin the drama in our lives!

Noong Martes nagkita-kita ang mga hayop sa paggunita ng mga mahal nilang pumanaw na.
Last Tuesday the animals met to remember their departed loved ones.

Hindi na kami sumali kasi lagi naman naming nakikita at nagugunita ang mahal kong si Pica at ang anak kong si Bogart. At iyang si Lui na tatawa-tawa na yan ay sobrang ma-drama yan sa tuwing na-aalala niya ang mga pumanaw na. Naku wag mong ikaila, Lui!
We did not join because we always see and remember my love Pica and my other pup Bogart. And Lui who look amused at my reminiscing is actually more over-melodramatic than us every time we remember our departed loved ones. Oh don't deny it, Lui!

At para sa iyo, Sweepy . . . ang mga mahal natin ay palaging nariyan at pasasaan ba ang magsasama-sama din tayo sa huli! Gaya mo, inaasam-asam ko rin ito. . .
And for you Sweepy . . . our loved ones are always there and we will join them in the end. Like you, I look forward to it too . . .

Friday, November 11, 2011

Hahanap-Hanapin!

Looking for Something


Hala, hanap dito . . .
Go ahead, search here . . .


Hanap doon!
Search there!


Ay hindi si Sweepy no! Halika nga dito, Sweepy, at samahan mo ako!
Oh, I'm not looking for Sweepy! Oh, come with me, Sweepy!

Samahan mo akong maghanap!
Join me in my search!


Ahahay, nakita rin!
Ahhh, found it!


Nakup! Sino kaya nagbili ng taho sa atin?
I wonder who bought this soya drink for us?

Thursday, November 10, 2011

Ang Undas


All Souls Day


Hala! sindihan na ang kandila!
Go ahead and light the candle!

Iyan ang magsisilbing ilaw sa mga gumagala na aswang, ay este, kaluluwa . . . sa paligid.
That will serve as the light for the wandering ghost, er, I mean, souls around you.


Masdan mo at ayan na ang mga kaluluwa . . . nagsisidating na!
Watch and see the souls coming!

Nangangaluluwa na ang mga tao tuwing Undas!
People are waiting for the souls of their dearly beloved!

Pero kapag dumating, nanay ko po, halos mawala sa sarili sa takot!
But when the souls arrive, mama mia, they seem to lose their minds in fear!

Hala takbuhan na, kabayan!
Run, my countrymen!


Ay sus, santabarbaridad! Si Luchie lang pala! Hoy, nananakot ka ba, Luchie?!
Ahhh, santabarbara, it's only Luchie! Are you scaring us, Luchie?

Luchie: Aba malay ko sa iyo! Masama bang tumayo at pagmasdan ang jardin? Masyado kang matatakutin sa wala!
Luchie: Oh, I don't know with you but I am just watching the garden! You scare yourselves over nothing!

Hay naku, umuwi ka nga Quark at wala pa rin akong translator! Malabo na rin ang mata ko!
Oh, please come home Quark because I do not have a translator and my eyes are also blurred!

Friday, November 4, 2011

Para Kay Mimi (For Mimi)



Mapayapa ang mundo ko, Mimi.
My world is peaceful, Mimi.

Nariyan lagi ang mga mahal ko . . .
My loved ones are always there . . .

Bumagyo man, tumindi man ang init, matuyot man ang lupa, malanta ang halamanan, aba sa paglubog o pagsikat ni Haring Araw, bumanbangon muli ang mundo ko!
Come stormy weather, or in the harsh heat, when the soil dries up, or the plants fade and fall, but when the King Sun sets or rises, so will my world!

Hindi mahalaga na maayos parati ang mundo mo . . .
It is not important that your world is always alright . . .

. . . ang mahalaga ay IKAW ang laging payapa . . . magulo man ang mundo o hindi.
. . . the important thing is that You are at peace . . . whether the world is in shambles or not.

For Mimi Lenox Blog Blast for Peace 2011

Tuesday, November 1, 2011

Babala! Gumagala Ang Mga Baliw!

Warning! The Wackos Are Roaming!
notey: my translators are on holiday so i translate myself


Iyan ang tahimik kong mundo . . .
This is my quiet world . . .


At eto ang nangyayari kapag inatake ka ng kabaliwan!
And this is what happens when you get attacked by the crazy world!


Nagmumukha kang nasasaniban ng kung anu-anong walang ka-kwenta-kwentang kabaliwan!
You will look like you are possessed by a nonsensical madness!


Pati ang anak kong si Sweepy nagmimistulang nawawala sa sarili!
Even my pup Sweepy look like he is out of his mind!

Pero teka, si Sweepy nga pala ang may pasimuno ng mga ito.
Mag-ha-halloween daw kami sa mall. . .
But wait, it is Sweepy's idea that we dress like this for a Halloween event at the mall.


Hoy Sweepy! Kailangan ba talaga tayong magbihis ng ganito? Hindi ba puede na iyung collar lang natin? Saka mukhang halimaw naman ang mukha ko di ba? Hahahaaa-hatsing!
Hey Sweepy! Do we really need to dress like this? Can we not simply wear our collars? Besides, I already look like a beast right? Hahaha!

Sweepy: Popsy, we need to be in costume so we get a treat!

Eh ano ba ang treat na iyan?
But what is the treat anyway?

Sweepy: It could be anything! Your fave bacon, biscuits, frozen yogurt on sticks, etc.!

Naku, meron na tayo ng mga iyan sa pantry at sa fridge di ba? Eh bakit pa tayo pupunta sa mall na sigurado akong pagkakaguluhan na naman tayo doon! Baka mahawa pa tayo ng kung anu-ano doon!
But we have all those in the pantry and fridge so why do we need to go in the mall? We will only get mauled there and we might even catch something there!

Hay naku dito na lang ako sa bahay ko. Mag-halloween kang mag-isa sa mall!
Oh you go to the mall alone because I'm staying put in my house.


Ang Samhain ay bagong taon ng mga bruha at para sa Katoliko na pilit sinasabayan ang mga kaganapan ng mga pagano, ginawa nilang araw ng patay at kaluluwa ngayon.
Samhain is the new year of the witches and for Catholics, who created their own festivities to coincide with those of the Pagans, made it All Souls and Saints days.

Para sa mga hayop na katulad ko, ito ang linggo ng pagharap sa mga bago sa mundo. Pagbabago ng tingin sa hinaharap at pagtanggap ng mga pagbabago na kahit mistulang nakakatakot at nakakalito, ito ay sadyang may pakinabang sa iyo. Basta handa ka lang na tanggapin ito.
For animals like me it is the week of facing the changes in the world. Changes in your perceptions and the acceptance of these changes, which may look confusing and frightening, but will benefit you in the end, as long as you are ready to accept it.

Maligayang pagbabago, kabayan!
Have a happy transformation, my countrymen!