Monday, August 30, 2010

Buwan ng Wika at Bayani!

The Month of Heroes and the National Language
English by Quark


Aba kung bayani na rin lang ang pag-uusapan, aba eh di si Jose Rizal ang nangunguna sa listahan ko! (Well if you are going to talk about heroes then Jose Rizal tops my list!)

At eto ang sabi ni Rizal:
(And here's what Rizal said:)

"Ang hindi magmahal sa sariling wika . . .
("Those who can not love their own language . . .)

". . .ay masahol pa . . . sa tahol ko!"
(". . . are worse than my bark!")

Ay sus, mali ata!
(Oh, I think I got it wrong!)

Iba na lang kaya . . .
(I better do another one . . .)


Ang hindi lumingon sa pinanggalinggan . . . ay bulag!"
(Those who can not look to their past . . . are blind!)

Ay sya, nagkabuhol-buhol na ang wika at bayani ko ata!
(Oh, I think I got my language and hero all mixed up!)

Teka, ano ba ito?
(Wait a minute, what is this?)

Ha? Isang trak ng beer!! Para sa akin lahat na iyan? Galing kamo kay Berto?
(What? A truckful of beer! And they are all for me? From Berto?)

Aba sandali lang, paborito ko ang wika diyan! Natatandaan mo pa ba, Berto?
(Hey, they have my favorite sayings there! Do you remember, Berto?)


Sa Aming Nayon
M
ay Isang Guwapo Uminom Eh Lasing
Pati Ako Lasing Eh
P
ati Ikaw Lasing Sige Enuman Na!
(Quark: Sorry lost in translation. Sumo is playing with the letters in the beer bottle!)

Haha, naubusan ka na naman, Quark! Hindi kinaya ng powers mo sover!
(Ha, you lost your power to translate, Quark!)

At naku, Berto, hindi ako umiinom ng beer! Bawal sa mga doggy yan, ano ka ba! Hamo, ipadadala ko na lang iyan sa Tropang Mola at nang sa gayon maghapi-hapi naman sila! Aba, bayani rin naman ang mga tinamaan ng kulog na iyan! Ayun, nasa ibang bayan na sila at pa-ingles-ingles pa! Hoy, para sa inyo iyan, Bayan!
(Hey Berto, I do not drink beer! Beer are poison for dogs, you know. But don't worry for I will send that truck to the Mola Boys so they can have a good time. Hey, those guys are heroes too except that they are now abroad and speaks in english! Hey guys, this ones for you!)


Bottoms up! Ahahay life!

Paalala: Hindi po ito patalastas. Wa bayad yan!
Note: This is not a paid ad.

Thursday, August 26, 2010

Ang Pagdadalamhati Ng Bayan!


The Mourning of the Country!
Translated by Quark


Marami ang nainis.
A lot of people were dismayed.

Marami ang nagbigay ng kuro-kuro.
A lot gave their suggestions.

Marami rin ang nagturo-turuan . . . sino ba ang may sala?
A lot started finger-pointing on who to blame.

Nainis din ako. At may tanong din ako:
I got dismayed too and I have some questions too:

Tanong: Hanggang saan ba pinapayagan ang isang kriminal na maghasik ng lagim? Bakit hindi na siya agad pinigil nuong palabas-labas siya sa pinto ng bus? Ang kalayaan ng isang kriminal ay nagtatapos sa paglabag niya sa batas at dapat niyang harapin ang parusa kaagad. Kung pinigil na siya agad bago pa lumala siguro walang namatay sa trahedya.
Question: What is the parameters of a criminal to exact violence? Why was he not stopped when he exposed himself on the bus several times? The freedom of a criminal ends when he violates the law and he should face the consequence immediately. If he was stopped right away, maybe there would be no deaths in the tragedy.

Sa mga tanong na walang kasagutan sa ngayon, ang namumuo lamang ay hapdi ng pagkawala.
For the questions without answers, the only thing that remains is the pain of loss.

Ang pagkawala ng mga mahal sa buhay ng mga nangungulila.
The pain of losing a loved one.

Ang pamilyang nawalan din ng mahal nila sa buhay na pinili ang maling pagtuwid sa maling daan.
The family who also lost a loved one because he chose the wrong way to right a wrong.

Ang pamayanang nasanay sa eksena na mala-teleserye na uhaw sa pagkuha ng balita at hindi inisip ang kapakanan ng mga masasaktan.
A community used to scenes from a TV series that is always hungry for news without thinking of those that may get hurt from it.

At ang pagpapakumbaba sa pag-amin ng kakulangan at mga pagkakamali sa mga bagay na sadyang pinili natin gampanan.
And the humility of owning to the inadequacy and mistakes in things we are responsible for.

Sa lahat na nangulila, nakikiramay kami sa inyo.
To all those who lost a loved one, we condole with you.

Bukas, darating din ang liwanag . . .
Tomorrow, the light will dawn . . .

Picture! Picture!


Aba siyempre kapag kodakan, lagi akong handa! Hoy Lui, halika dali!
Hey, I am always ready for picture-taking! Hey Lui, come here quick!

Sweepy: Hey Popsy! The camera is off-center!

Hala sige 'major-major' pose na ha!
Ok, do your pose!



Sweepy: Popsy, the camera is off center!

Hoy, wag ka nga maingay diyan, Sweepy!
Be quiet there, Sweepy!

Sweepy: Popsy look! Your pose is off and Keeper has no face!


Aba, siya nga! Haha! Bakit ba ganun? Aba, super, over, sover, major-major out-of-focus kaya!
Oh, but you're right! Haha! Why did that happen? It is so out-of-focus!

Parang mga tao din pala. Madalas out-of-focus!
It is just like most people who are also out-of-focus!

Translated to English by Quark

Saturday, August 21, 2010

Bantay: Off Duty

(watchdog s off!) engliz by mRleach


Ako si Bantay
(i m guard dog)

Pero minsan napapagod din ako no!
(but i git tired 2 u kno!)

Kaya siyempre, pag pagod, eh di magpahinga!
(n f u git tired, u rez!)


Pero, sandali lang . . .
(bt w8 a min8 . . .)



Parang tulog din ang Bantay ko ah!
(luks lyk ma guard s slypin 2!)



Naku, paano ba naman yan! Paano kung may magnanakaw at nakawin ang bahay ko! At kasama ako di ba! Hoy gumising ka, Sweepy!
(bt how s dz! wat f derz a thief n steal ma haus! wid me on it! ey wake up sweepy!)




BABALA:
Kung Bantay ka, kumuha ka rin ng sarili mong bantay! At siguraduhin mong marunong ito magbantay. At hindi iyung papatay-patay at kung hindi, ikaw ang mapapatay! Patay!
If you are a Guarddog, get a guard dog for yourself too! And you better make sure that the one you get, knows how to guard well and not someone who sleeps on the job, because if he does, you will end up sleeping FOR LIFE!

Friday, August 13, 2010

Bad Hair Day, Sumo?


English by Quark

Anong bad hair day eh ang ganda kaya ng buhok ko! (What bad hair day are you talking about when I have great furs!)

Ang tawag diyan sa mukha na iyan ay "nakuryente!" . . . o kaya napurnada! (That expression is called "spammed") Iyan ang nangyayari sa iyo kapag nagkakamali ka nang akala. (That is what happens to you when you make wrong assumptions) Akala ko patay na si MrLeach. (I thought MrLeach is dead) Akala ko nagsumakabilang-buhay na eh yun pala nagsumakabilang-BAHAY lang pala! (I thought he went for the after life but instead he just went to the next house!) Hoy, MrLeach, mag-ingat-ingat ka at marami ang napupurnada kapag sumasakabilang-bahay, lalo na kapag hindi alam ng misis nila! (Hey, MrLeach, a lot of people get into trouble when they move to the next house especially when their Missus do not know!)

Hindi naman ako naiinis sa pagaakalang namatay si MrLeach. (I really did not get irritated when I made the mistake of thinking MrLeach died) Hindi rin ako naiinis o naghinayang sa hinagpis ko sa pag-akalang namatay siya. (I also did not get irritated or regret the grief I had thinking he was dead) Sadya lang ako nagtataka na sa dinami-dami ng maaaring gamutin ni Lui, si MrLeach pa ang pinili niyang buhayin muli! (I am just surprised that Lui chose to heal and bring MrLeach back to life out of all the others!) Shaman kasi si Lui. (Lui is a shaman) Ay mali, sha-woman pala! (Oops, I got it wrong, she's a sha-woman instead!) Aba, kung sa pinoy, ang tamang tawag diyan eh "siya-woman", haha! (Lost in translation. Sumo is playing with phonetics) O, eh di naubusan ka rin ng translation, ha Quark? (So you ran our of translation, eh Quark?)


Kaya kasi ni Lui manggamot pero minsan hindi naman niya ginagawa. (Lui can heal but sometimes she does not) Pinagaling ni Lui si MrLeach pero si Bogart at Pica hindi! (Lui healed MrLeach but not Bogart and Pica!) Ako rin at si Sweepy ginagamot niya, pero paano ba niya nalalaman kung sino ang dapat gamutin? (She also healed me and Sweepy but how does she know who really needs to be healed?)

Lui: Hay Sumo! We are all shamans. We can heal anybody. We do not choose who to heal but it is the one in pain who choose to be healed or not. It is your choice and not mine.

O sya. Pag may sakit ako ulit, gamutin mo ako ha kahit na ayaw ko! (Anyway, if I get sick again, you heal me, Lui, even if I do not want!). . .

Monday, August 9, 2010

Ako Ay Nagluluksa . . .

I Am In Mourning
English by Quark


Iyan po si MrLeach. (That is MrLeach)
Ang dakilang linta. (The great leech)
Ang isa sa makabuluhang tagasalin ng mga kuwento ko . . . aba, pumanaw na! (One of the profound translators of my story has died!)



Matagal ko syang hinanap . . . (It took me a long time to find him) Hinahanap-hanap ko ang amoy nya. (I try to sniff for his scent. . .) Pero paano mo ma-aamoy ang walang buhay? (But how can you sniff something that is already dead?) Sa pagpanaw ninuman, dala-dala rin niya ang amoy niya! (When anyone dies, they bring their scent with them!)

Ganyang-ganyan ang nangyari sa yumao kong asawang si Pica at ang anak kong si Bogart. (That was what happened to my late mate Pica and my pup Bogart) Noong namatay sila, halos naglaho rin ang amoy nila . . . (When they died, their scent vanished as well. . .)

Kaya nga kadalasan sinasabi ng mga tao na ang mga hayop tulad naming mga aso, madali daw namin natatanggap ang kamatayan kasi agad naming iniiwan ang mga namamatay at namatay naming mahal sa buhay! (That is why some people say that animals like dogs can easily accept death when we immediately leave our dying and dead loved ones!) Pero maling akala iyun! (But that is not true!) Hindi namin sila maamoy kaya agad kaming umaalis. (We just can not sense their scent that is why we leave) Pero ang totoo, katulad ng tao, matagal din namin hinahanap-hanap ang nawawala naming mahal . . . (But the truth is, we really take a long time to pine for our departed loved ones, just like people . . .)

Kaya noong nakita ko si MrLeach sa balcony na walang buhay, matagal akong nalungkot. . . (So when I saw MrLeach in the balcony without life, it made me sad for a long time . . .)



Pagkakulit-kulit ka man (Even if you are pesky)
at saksakan ng kakulitan . . . (and so irritating)
minahal din kita, MrLeach. (. . . I loved you MrLeach)
Sa mga salita mong mistulang nagpapatawa . . .
(with your words that attempt at humor. . .)
katulad mo rin akong (I am just like you)
nagkukubli sa katawa-tawa
sa mundong mababaw . . .
(. . . hiding behind the satire of a shallow world)
at sa ating pagtanaw sa mundong
saksakan ng kakulitan . . .
(
as we view the world that is full of quirks . . .)
Paalam Leach . . . (Goodbye, Leach)
hanggang sa muli nating pagkikita . . .
(until we see each other again . . .)