Friday, August 13, 2010

Bad Hair Day, Sumo?


English by Quark

Anong bad hair day eh ang ganda kaya ng buhok ko! (What bad hair day are you talking about when I have great furs!)

Ang tawag diyan sa mukha na iyan ay "nakuryente!" . . . o kaya napurnada! (That expression is called "spammed") Iyan ang nangyayari sa iyo kapag nagkakamali ka nang akala. (That is what happens to you when you make wrong assumptions) Akala ko patay na si MrLeach. (I thought MrLeach is dead) Akala ko nagsumakabilang-buhay na eh yun pala nagsumakabilang-BAHAY lang pala! (I thought he went for the after life but instead he just went to the next house!) Hoy, MrLeach, mag-ingat-ingat ka at marami ang napupurnada kapag sumasakabilang-bahay, lalo na kapag hindi alam ng misis nila! (Hey, MrLeach, a lot of people get into trouble when they move to the next house especially when their Missus do not know!)

Hindi naman ako naiinis sa pagaakalang namatay si MrLeach. (I really did not get irritated when I made the mistake of thinking MrLeach died) Hindi rin ako naiinis o naghinayang sa hinagpis ko sa pag-akalang namatay siya. (I also did not get irritated or regret the grief I had thinking he was dead) Sadya lang ako nagtataka na sa dinami-dami ng maaaring gamutin ni Lui, si MrLeach pa ang pinili niyang buhayin muli! (I am just surprised that Lui chose to heal and bring MrLeach back to life out of all the others!) Shaman kasi si Lui. (Lui is a shaman) Ay mali, sha-woman pala! (Oops, I got it wrong, she's a sha-woman instead!) Aba, kung sa pinoy, ang tamang tawag diyan eh "siya-woman", haha! (Lost in translation. Sumo is playing with phonetics) O, eh di naubusan ka rin ng translation, ha Quark? (So you ran our of translation, eh Quark?)


Kaya kasi ni Lui manggamot pero minsan hindi naman niya ginagawa. (Lui can heal but sometimes she does not) Pinagaling ni Lui si MrLeach pero si Bogart at Pica hindi! (Lui healed MrLeach but not Bogart and Pica!) Ako rin at si Sweepy ginagamot niya, pero paano ba niya nalalaman kung sino ang dapat gamutin? (She also healed me and Sweepy but how does she know who really needs to be healed?)

Lui: Hay Sumo! We are all shamans. We can heal anybody. We do not choose who to heal but it is the one in pain who choose to be healed or not. It is your choice and not mine.

O sya. Pag may sakit ako ulit, gamutin mo ako ha kahit na ayaw ko! (Anyway, if I get sick again, you heal me, Lui, even if I do not want!). . .