Thursday, August 26, 2010

Ang Pagdadalamhati Ng Bayan!


The Mourning of the Country!
Translated by Quark


Marami ang nainis.
A lot of people were dismayed.

Marami ang nagbigay ng kuro-kuro.
A lot gave their suggestions.

Marami rin ang nagturo-turuan . . . sino ba ang may sala?
A lot started finger-pointing on who to blame.

Nainis din ako. At may tanong din ako:
I got dismayed too and I have some questions too:

Tanong: Hanggang saan ba pinapayagan ang isang kriminal na maghasik ng lagim? Bakit hindi na siya agad pinigil nuong palabas-labas siya sa pinto ng bus? Ang kalayaan ng isang kriminal ay nagtatapos sa paglabag niya sa batas at dapat niyang harapin ang parusa kaagad. Kung pinigil na siya agad bago pa lumala siguro walang namatay sa trahedya.
Question: What is the parameters of a criminal to exact violence? Why was he not stopped when he exposed himself on the bus several times? The freedom of a criminal ends when he violates the law and he should face the consequence immediately. If he was stopped right away, maybe there would be no deaths in the tragedy.

Sa mga tanong na walang kasagutan sa ngayon, ang namumuo lamang ay hapdi ng pagkawala.
For the questions without answers, the only thing that remains is the pain of loss.

Ang pagkawala ng mga mahal sa buhay ng mga nangungulila.
The pain of losing a loved one.

Ang pamilyang nawalan din ng mahal nila sa buhay na pinili ang maling pagtuwid sa maling daan.
The family who also lost a loved one because he chose the wrong way to right a wrong.

Ang pamayanang nasanay sa eksena na mala-teleserye na uhaw sa pagkuha ng balita at hindi inisip ang kapakanan ng mga masasaktan.
A community used to scenes from a TV series that is always hungry for news without thinking of those that may get hurt from it.

At ang pagpapakumbaba sa pag-amin ng kakulangan at mga pagkakamali sa mga bagay na sadyang pinili natin gampanan.
And the humility of owning to the inadequacy and mistakes in things we are responsible for.

Sa lahat na nangulila, nakikiramay kami sa inyo.
To all those who lost a loved one, we condole with you.

Bukas, darating din ang liwanag . . .
Tomorrow, the light will dawn . . .