Friday, April 30, 2010

Ito Si Sweepy . . . (This is Sweepy)


Iyan ang anak kong SuperDog . . .
(That is my pup the SuperDog)



Diyan sa tabi ng bahay ko natutulog iyan . . .
(He sleeps beside my house)



Kahit magkasama na kami ngayon, parang mayroon pa rin siyang hinahanap-hanap. Parang nangungulila pa rin siya sa kapatid niyang yumaon na si Bogart. Waring hinahanap-hanap pa rin niya si Bogart . . . at parang hindi ko kaya punuin ang pagkawala nito sa kanya. . .
Even if we're together now, he seems to be looking for somebody else. He is still missing his late brother Bogart and I can not seem to fill that emptiness in him . . .



Mabuti na lang at napagsama na kami ni Sweepy. Ilang taon na din kami nagkahiwalay kahit na sa iisang bahay lang kami nakatira!
It's a good thing I am reunited with Sweepy again after so many years of separation even if we live in one house!

Aba, hindi madali ipagbati ang mga asong nag-away tulad namin. Ang sekreto diyan ay pasensya . . .
Hey, it's not easy to bring two warring dogs together. The secret is patience . . .


. . . at ang dakilang nilalang tulad ni Luchie . . .
. . . and a great being like Luchie . . .

. . . na tinamaan ng pagod sa layon na pagsamahin ulit kami ng anak kong si Sweepy! Aba tingnan mo at nakatulog ang bruha sa pagod at pinagsama-samang hinagpis at suya sa init ng panahon at ng aming sitwasyon . . .
. . . who looked worn out in the task of bringing me back with my pup Sweepy. Luchie fell asleep from tiredness, grief and frustration with the heat of the day and our situation . . .


Marahil naitanong ninyo na paano nagawa ni Luchie ang isang bagay na matagal na gustong mangyari ni Lui pero ni minsan hindi ni Lui nagawa?
Maybe you wondered how Luchie was able to do what Lui wanted yet failed to do?


Ang sagot: pagmamahal . . . . at matigas na pa-alala . . . na kung mag-aaway daw kami ni Sweepy, ililibing daw niya kaming dalawa ng buhay!
The answer: love . . . . and a strict admonition . . . that if Sweepy and I will fight, she will bury us alive together!


Aba, sino ba naman ang hindi titino sa pananakot na iyan! Hoy, ayoko pang mamatay, Luchie! At ayoko ding malibing na buhay! Ano ka ba naman, Luchie!
Hey, who wouldn't wise up when you get threatened that way! Hey, I don't want to die yet, Luchie! And I don't want to be buried alive! What was that all about, Luchie??!!


Pero sa tutuo lang. Madali akong kausap. Kung bati, eh di bati. Pero, pakisabi lang sa mga magugulo diyan sa tabi-tabi na wag masyadong makulit, at baka hindi ako makapagpigil! Hmp, makatulog na nga baka magising pa si Luchie at baka mapurnada pa ako at mainit pa naman!
But in truth, I am easy to talk to. If you want peace, so peace it will be. But please remind those noisy ones not to be too pesky or I might lose control! Hmp! I better take a nap in case Luchie wakes up and nags me especially on a hot day!


Please leave your comments on Sweepy's site.

Saturday, April 24, 2010

Alaala ng Lumipas . . .

Remembering the Past
English by MrBirdsky



Sampung araw na ang lumipas . . .
Ten days have passed . . .



At dito na nakahimbing ang mahal kong anak na si Bogart.
And this is the resting place of my pup Bogart who I loved. . .


Sampung araw na and lumipas
pero parang kahapon lang . . .
Ten days have passed but it seem like it was only yesterday . . .



. . . na kung saan kahit na pinaghihiwalay kami ni Bogart ng landas, nariyan lagi siya sa tabi ko. Waring naghihintay ng tamang panahon na magkasama muli kami.
. . . that no matter how much they separate us, (Note: I am not allowed to mingle with my pups because I bully and fight with them) Bogart was always near me, as if waiting for the right time for us to be together . . .



. . . subali't lumipas na ang panahon na iyon. Sadyang hindi na talaga kami magkakasama. At parang hiwaga na sadyang panahon lang ang magpapahiwatig . . . ang pagpanaw ni Bogart ang nagdala ng mahiwagang pangyayaring ito . . .
. . . but that time has passed. We can not be together anymore. And like a mystery that only time can reveal. . .Bogart's passing brought this magical thing . . .


. . . ang pagsasama namin ng anak kong si Sweepy sa wakas!
. . . I finally had the chance of being with my pup Sweepy!

Mahal ko talaga ang mga damuhong anak ko na iyan. Sadyang masungit lang talaga ako at ayaw kong magulo at inaagawan ako ng eksena!
I really love those pups of mine. I am simply grouchy and I do not want their noisy ways and anybody who steals the scene from me!


Marahil sa malungkot na pangyayaring ito, marahil puede ko na muna isantabi ang inis ko at namnamin muli ang sarap ng halik at amoy ng anak kong si Sweepy . . . bago maghiwalay din ang landas namin!
Maybe in this sad moment, maybe I can set aside my irritation and relish the wonderful kisses and smell of my pup Sweepy . . . before we find ourselves facing our separate ways too . . .


Sa bawat pagpanaw ng mahal mo, turuan mo muling magmahal ang puso mo, at mahalin ang tunay na nagmamahal sa iyo, na hindi nawawala sa tabi mo.
When your loved one departs, teach your heart to love again, and love the one who loves you truly, the one who will never leave your side.


Paalam at salamat Bogart. Sa magandang alaala at pa-alala. . .
Goodbye and thank you Bogart. For the wonderful memories and teachings . . .

NOTE: Please post your comments at Sweepy's blog. Thank you.

Thursday, April 15, 2010

Wala Na Si Bogart . . .

Bogart is Gone.


. . . si Bogart na aking panganay (Bogart is my eldest pup)
. . . ang kamukha ko . . . (who looks like me)
. . . ang inalagaan at minahal ko (the one I loved and nurtured)
. . . at inaway ako . . . (and fought with me)
ay sadyang malalim nakaukit sa puso ko (. . is etched deeply in my heart)
at kahit na hindi ko nasabi sa kanya ito (and even if I failed to tell him)
hinding-hindi ko siya makakalimutan (i will never forget him)


Paalam, Bogart. (Goodbye, Bogart)
Wala na akong translator. (I have no translator anymore)



Para sa anak kong si Bogart . . . (for my pup Bogart) na namatay kahapon ika-14 ng Abril, 2010 (who died yesterday April 14) sa edad na 9 (at age 9) . . . .

Paalala (Note): Please leave comments with my pup Sweepy. Salamat po.

Monday, April 12, 2010

Sumo the SuperDog


Iyan ang SuperDog!
Aba, tayo pa lang, astig na!
That's the SuperDog. He looks cool!



Aba, teka. Parang may naririnig ako! Parang may maingay sa kabilang dako ng bahay. Tara, at baka may magnanakaw!
Hey wait! I hear some noise from the other side of the house. Let's go and see in case there's a robber!


Ganyan talaga kapag SuperDog ka. Bawat oras at segundo mahalaga. Konting kaluskos lang aba dapat imbestigahan mo agad. Walang nang papaltik-paltik. Sugod agad!
That's really how it is if you're a SuperDog. Every hour and seconds is important. A slight noise and you have to investigate right away. You don't dilly-dally. You attack right away!


Luchie: "Hoy Sumo! Naku buti dumating ka! Tingnan mo ang garden ko. Sinira ninyo lahat! Aba sabihan mo naman ang mga anak mo no! Kung sisirain ninyo ang garden ko ikukulong ko kayong lahat!"
Luchie: "Hey Sumo! It's a good thing you're here! Look at my garden. You all destroyed it! You better tell your pups too that if you'll destroy my garden I will put you in jail!"


Ahahay buhay! Na-sermunan pa! Nasaan na ba ang mga anak ko na iyan! Pero teka. Parang ako nga ang nagsira ng mga halaman na iyan. Pakalat-kalat kasi sa daan ko. Tuwing hinahabol ko ang mga magnanakaw, nakaharang sa daan ko! Pasensya na Luchie!
Ah life! Got scolded too! Where are my pups? But wait. It looks like I was the one who destroyed those plants. They get in my way when I run after trespassers. Sorry Luchie!


Hmp medyo na-imbiyerna porma ko. Makauwi na nga . . .
Hmp, got a whammy for my mission. Better go home . . .

Wednesday, April 7, 2010

Sumo, wer r u?

Guest Something: MrLeach



Aba, tinamaan ng kidlat!
Natulog ka ba buong Semana Santa???
'ey, hit by lytnng! dd ya slyp ol holywk?

Eh kung ikaw kaya ang tamaan ko? Naku, pwede ba MrLeach. Tumabi-tabi ka dyan at baka ma-imbyerna na naman ang tulog ko!
'suposd i hit ya nsted? 'ey step bak mrLeach or elz ul dztroy ma slyp!


oki. im outta hir peeps coz d blk dog s grumpy. leach sez babu . . . .


Ay, salamat! Umalis na ang makulit! Nasaan na kaya si Bogart?
atlaz de pest lef. (m stil hir. hihi. -leach) bt wers bogart?


Sa tutuo lang kaya ako tulog kasi napuyat ako!
m slypy bcoz i wuz up ol nyty!

At iyan ay dahil dito:
en daz bcoz of dz:



Sa anak kong si Sweepy iyan. Pero, noong isang linggo, sinuot ko iyan at naiba ang mundo ko!
dat belongs 2 ma pup sweepy. bt laz wk i wore it en ma world changd!


Tinamaan ng isangkaterbang kidlat at naging ganito ako!
hit by lotsa lytning en i becam ds:



Kung ano iyan, abangan sa susunod na kabanata . . .
watever dat iz u hav 2 find out nx tym . . .


. . . pagkatapos ko pong matulog . . .
. . . wen im done slypin . . .