Tuesday, February 28, 2012

Sumoism 6


Ang mga naulila ko, aba'y nag-be-birthday pa rin!
The ones I left are still having their birthdays!

Happy belatday, Lui. Bibisitahin kita mamaya ha!
Happy bday, Lui. I will visit you later!

At sa anak kong si Sweepy, malapit ka na maging 10. Arekup, tumatanda ka na hoy!
And to my pup Sweepy: you will turn 10 soon. Oh-oh, you are getting old!

Monday, February 27, 2012

Sumo Ism 5



Huwag mong hanapin ang nakaraan . . .
Do not look for the past . . .



. . . at baka hanapin ka ng kasalukuyan . . .
. . . for the present might look for you . . .

Wednesday, February 22, 2012

Sumo ism 4



Malayo ka man sa paningin ng iba, malapit ka pa rin sa walang paningin.
If you seem distant from the others, you will always be near to those who does not use their sight.

Sagot sa tanong ng madla:
Answers to people's queries:

1. Patay ka na ba, Sumo? (Are you dead, Sumo?)
Ay oo, bayan. (Yes, I am) Iniwan ko na ang katawan ko sa lupa. (I left my body in earth) Pero ang buong pagka-aso ko, buhay na buhay pa! (But my dog-being is so alive!) Kaya nandito pa rin ako! (That is why I am still here!) Mamatay kayo sa inis. (You'll only die in irritation!)

2. Saan ka ba nagpunta, Sumo? (But where did you go, Sumo?)
Ako ay lumipad sa kung saan naroroon ang mga mahal kong namayapa na rin.
(I flew to where my departed loved ones went)

3. May internet ba sa langit? (Is there internet in heaven?)
Aba wala no! (But there's none) Sa maniwala kayo o hindi, lagi akong nasa dating bahay ko, palakad lakad, pa-amoy-amoy, patulog-tulog, pero wala na akong rayuma at anumang sakit sa katawan kasi wala na akong katawan! (Whether you believe me or not, I am still in my old house, walking, sniffing, sleeping, but I do not have arthritis or any physical ailments because I am not physically present!)

4. Multo ka ba, Sumo? (Are you a ghost, Sumo?)
Aba oo! (Yes!) Kaya't huwag kayong masyadong makulit at baka halikan ko ang puwit ninyo! (So don't pester me or I will kiss your butt!)



Narito ako, bayan. Nag-ba-blog pa rin. At huwag na kayo masyadong mag-tatanong!
I am back, people, and still blogging. And please do not ask too many questions!


Boo! Huwag matakot sa patay. Matakot ka sa buhay!
Boo! Do not be afraid of the dead. Be afraid of the living!

Friday, February 17, 2012

Sumo ism 3


Malayo ka man, babalik ka rin.
No matter how far you are, you will always come home.

Aba, parang OFW at sirang plaka, paulit-ulit ka rin babalik.
Oh, just like an OFW (Overseas Filipino Worker) or a broken record, you keep coming back.

Eh kung wala ka bang babalikan, babalik ka ba?
And if you do not have anybody to come home to, will you still go home?

* Sumoism aka Voices In The Dark

Wednesday, February 15, 2012

Sumo ism 2



Ang pag-ibig hindi hinahanap . . .
You do not look for love . . .



. . . aba kahit saan ka lumingon, gustuhin mo man o hindi, nariyan ang naghahanap ng pag-ibig! Ang tanong lang eh kung gusto mo bang mahanap!
. . . 'cause wherever you look, whether you like it or not, someone is looking for love! The question is do you want to be found?



Ako, nahanap ko na. Matagal na. . . sana mahanap mo rin . . .
Me, I found love already. Found it long ago . . . and I hope you find yours too . . .

Sumoism aka (also known as) Voices In The Wilderness chuva

Monday, February 13, 2012

Sumo-Ism



Kapag dumilim ang mundo mo . . .
If your world turns dark . . .



. . . aba'y humimlay ka ng maayos.
. . . you rest peacefully.

At kung magpapa-alam ka, aba, pilitin mo ring bumalik ng matiwasay . . .
And if you say goodbye, you also try to return peacefully . . .

Aba, lamok lang ang natitigok no!
Hey, only mosquitoes die you know!

Saturday, February 4, 2012

Paalam, Kabayan!

Goodbye, My Friends!
Translated by Quark


Paalam na po . . .
Goodbye everybody . . .


Tapos na ang aking biyahe. Malayo at mahaba man ang biyahe at puno ng ligaya pero may pagtatapos rin pala.
My journey is over. It was a long and distant journey filled with joy yet it has its end.


Marami sa inyo ang ipinagdarasal ang pag-galing ko pero anong klaseng buhay naman kung lagi na lang ako binabantayan? Napupuyat ang anak kong si Sweepy at sina Lui ng kaka-alala sa akin?
A lot of you were praying for me to get well but what kind of life will I have if I need someone to keep watch over me? My pup Sweepy had sleepless nights and Lui was always worried about me?


Wala na akong panlasa pero nagtiyaga si Luchie subuan ako lagi para lang makakain ako!
I have no more appetite yet Luchie will patiently spoon-feed me just so I can eat!


Ay hindi ganito ang buhay para sa akin!
Oh this is not life for me!

Ang buhay ko ay tutuloy nguni't hindi na kaya nitong katawan ko.
My life will go on but my body can not do it anymore.

Kaya't bago mamatay ng tuluyan ang bida ninyo, paalam na muna. Pupunta ako sa isang lugar na buo ulit ako at hindi uugod ugod. Iiwan ko na ang katawan kong bumigay sa takbo ng panahon.
So before this hero die further, I will say goodbye. I will go to a place where I am whole again. I will leave my body weakened by the flow of life.

Huwag kayong iiyak. Hindi ako mawawala. Nariyan lang ako kung saan banayad ang hangin at kung saan ang buwan ay nakadungaw sa pagmasid sa inyo.
Do not cry. I will not be gone. I will be where the air is balmy and where the moon peeps to keep watch over you.


Kaya't paalam muna . . . hanggang sa muli nating pagkikita . . .
So goodbye for now . . . until we meet again . . .