It is with deep sadness to announce the demise of our superdog Sweepy
around 11 am today, January 8.
Please go to my blog for details.
Thank you for being p...
Friday, October 28, 2011
Kamukha Ko (My Look-Alike)
Iyan daw ang kamukha ko sabi ni Lui.
Lui said these are my look-alikes.
Ay naku Lui, wala akong katulad no. Itaga mo iyan sa bato.
Oh Lui there is nobody like me. Mark that on a stone.
Ako ang pinakamaitim, pinakamabangis, pinakamabilis, at higit sa lahat pinaka-astig. Eh saan ka pa?
I am the blackest, the wildest, the fastest, and most of all, the coolest. Where else can you find that?
At sa mga impostor eto ang sa inyo!
And for the impostors here's to you!
Isang hinga ko lang tumba na kayong lahat!
It takes a single breath to put you all down!
Teka wag kayong lalapit. Sadyang malupit talaga ang hininga ko. Pamatay talaga yan.
So don't go near me. My breath really kills.
Hay naku, bayan. Malapit na ang undas at marami na naman ang baliw sa paligid . . .
Oh, my countrymen, the day of the dead is near and there are many crazy people around . . .
At sa totoong Samhain, mabubuhay na naman ang natutulog kong kalamnan. . .
And for the real Halloween, my internal fires will awaken once again. . .
Wala pa rin si Quark kaya't ako rin ang nagsalin ng mga gunitain ko.
Quark is not yet available so I translated my own reminiscing.
. . . kurut kurut kinulisap na kukuti sa kumukulong kalapati sa kakawati . . .
Sunday, October 23, 2011
Tula Ni Lui
Poetry by Lui
Ako ay may Alaga
asong matanda ay este!
. . . asong mataba . . .
I have a pet, an old dog, oopsy! I meant a fat dog . . .
Ang buntot niya'y mahaba
ang kuko niya'y mahaba rin!
. . . his tail is long and so are his nails!
Ang kulay niya ay dilim
pero ang puso niya
ay singlinaw ng araw sa umaga!
His color is dark but his heart is as bright as the morning sun!
Subali't mag-ingat ka lang sa "poet" niya ;-)
at baka mahamugan ka
ng simoy ni kamatayan.
But watch his "poet" because you might get misted with death.
(a play on words: "poet" sounds like 'puwit' which in Pilipino means 'butt')
Ang Tula Ko Kay Sumo Tapos Na Po.
My Poetry For Sumo Is Done.
Hay naku, bayan! Iyan ang nagagawa ng walang magawa. Kapag nainis ako na-uutot kaya ako!
Oh my countrymen! Now that is what some people do when they have nothing better to do. And when I get irritated I tend to fart. So watch it!
Nasa bakasyon si Quark sa Europa kaya wala akong translator. Uwi ka na Quark!
Quark is in Europe on vacation that is why I have no translator. Please come home, Quark!

Wednesday, October 19, 2011
Tapos Na Ba Ang Bagyo, Sumo?
Is the Storm over, Sumo?
Nakup! Mukhang tinamaan ka ng bagyo ng bonggang bongga, Sumo!
Ooopsy! Looks like you got hit by the storm, Sumo!
Naku hindi. Tinamaan ako ng matinding init, Wormsy. Sobrang init na tipong aatakihin ka sa puso. Marahil dito tinamaan ang anak kong si Bogart noong isang taon.
Not really. I got hit by extreme heat, Wormsy. The heat is too much that you feel like you will have a heart attack. Maybe this was what hit my pup Bogart last year.
Nakup! Mukhang tinamaan din ng init si Sweepy sa tabi mo! Humihinga pa ba?
Oh-oh! Looks like Sweepy got hit by the heat beside you! Is he still breathing?
Aba oo naman! Ako nga ang nagsabi sa kanya na matulog dito sa malamig na parte ng bahay kasi masyadong mainit sa bahay namin. Kung ako lang ang masusunod doon kami sa lupa matutulog. Tiyak mas malamig doon. Eh baka magalit na naman si Lui kapag makita niya na may lupa ang balahibo namin! Saka sabi ni Lui doon daw sa lupaan nakukuha ang mga kuto. Aba mahirap na.
Of course he is! I was the one who asked him to sleep here in the cooler part of the house because it is too hot inside our houses. If I can have my way I would rather sleep on the garden soil. I am sure it is cooler there but Lui will get angry if she find traces of soil in our fur. Lui said you can get fleas from there so I will not take any chances.
Ay naku kung gayon matutulog na rin ako sa tabi ninyo. . . .
Oh in that case I better sleep beside you too . . .
Translated by MrWormsy.

Wednesday, October 5, 2011
Ang Baha
The Floods
translated by Quark
Ang dilim sa paligid ay mistulang lagim . . .
The surrounding darkness is like danger . . .
Ang humahagibis na hangin ay mistulang galit . . . sa kung saan o sa kung sino ay hindi ko mawari . . .
The raging winds seem angry . . . as to where or with whom I do not know . . .
Pasasaan ba at lilipas din iyan. Katulad ng malamig na hangin sa umaga na dumadaloy sa init ng hapon ay tuluyan din mahihimbing sa pagdilim . . .
But that will soon pass. Just like the cold morning air that will pass through the heat of the afternoon will eventually rest at sunset . . .
Minsan ang buhay ay parang hangin na hindi mo mawari . . . pero kung iisipin mo . . . lahat ng bagay sa mundo ay kaya mong mawari. Ang daan ay hindi laging tuwid pero pasasaan ba at darating ka din sa patutunguhan mo.
Sometimes life is like the wind which you can not seem to fathom, but if you think about it, you can understand everything in this world. The road is not always straight but eventually you will get to where you want to go.
Binagyo ang bayan namin pero babangon ulit kami. . .
Our country was ravaged by storms but we will rise again . . .

Subscribe to:
Posts (Atom)