Tuesday, September 27, 2011

Ang Asong Matanda

The Old Dog
translated by Quark


. . . ay nagmamatyag.
. . . is watching.

Sa kung ano, aba wag mo na alamin. Basta, nariyan at nagmamatyag.
But watching what? Oh, don't ask. He is just there watching.


Ang tumatanda nagkakaroon ng puting buhok. Aso man o tao.
When you get old you get white hairs whether you are a dog or a human.


Mainam din naman ang may puting buhok. Lumiliwanag ang itsura mo at hindi ka mukhang aburido.
It is okay to have white hairs. Your features brightens and you do not look stressed out.


Pero ang tao kapag may puting buhok aba sadyang kinukulayan ito ng kung anu-ano. Eh, sadyang tumutubo ang buhok buwan-buwan kaya siyempre buwanan din ang pag-tina ng buhok! Hoy, hindi ninyo matatakpan ang puti ninyong buhok buong buhay! Aba, tingnan ninyo ako. Hayaan na ninyo pumuti lahat ng buhok nyo no!
But people with white hairs color them with all sorts of color. And since hair grows every month they dye their hair every month too. Hey you can not cover those white hairs all your life! Look at me. Just allow those hairs to turn all white!


Naku, sigurado ako na dadating ang panahon puro puti na ang buhok ko at magmumukha na akong albino. Siguro mainam din ang maiba naman. . .
Oh, I am sure that the time will come when all my hair will turn white and I will look like an albino. It might be nice to be different for a change . . .

Thursday, September 22, 2011

Walang Magawa

Nothing To Do
translated by Quark


Kapag wala kang magawa aba eh di maghanap ka ng magagawa!
If you have nothing to do then go and find something to do!

Tingnan mo ang anak kong si Sweepy:
Look at my pup Sweepy:

Naku, lagi iyan naghahanap ng pansin. Gusto niya pansinin siya lagi.
He is always looking for somebody to pay him some attention. He wanted people to attend to him always.

Ay, excuse me! Teka makadaan nga . . .
Oh, excuse me! Wait I will just pass by . . .



O ayan na naman!
Oh there he is again.

Mistulang pang-portrait pa ang pose o. Teka, makadaan nga ulit . . .
He looks like he is posing for a portrait shot. Wait, I have to pass again . . .

Hahaha! Tingnan mo ang itsura. Kapag umeksena ka sa mundo niya mistulang inapi siya ng mundo! . . . Wala lang. Wala lang akong magawa.
Hahaha! Look at him. If you make a scene in his world he looks like the world is ganging up on him! Oh but its nothing. I just have nothing better to do.

Lesson: Mag-ingat kapag wala kang ginagawa kasi kung pilit mong maghanap ng magagawa ek kung anong walang ka-kwenta-kwenta ang pag-gagawain mo! Mabuti pa matulog ka na lang. . .
Lesson: Be careful when you have nothing to do because when you try to find something to do you will tend to do nonsensical stuff! It is better if you take a nap instead . . .

At para sa mga Facebook addict: Think Before You Click!

Saturday, September 17, 2011

Luchie Of My Life


Iyan si Luchie.
There goes Luchie.


Lagi iyang nagkikikilos. Kung saan saan pumupunta. Waring hindi mapakali sa bawat sandali.
She is always on the move. She goes everywhere. She can not seem to stay put.

Noong isang araw nag-bowling. Noong isang araw nag-ensayo sa pag-awit. Ngayon naman nag-kukukutkut ng kung anu-ano.
The other day she went bowling. The other day she rehearsed for some songs. Today she putters around.



Ganyan talaga kapag retired ka na. Marami ka nang araw gawin ang mga gusto mong gawin. Noong isang araw sabi ni Luchie kay Lui na waring gusto niya mag-pinta. Sabi ni Lui "go girl go!"
That's how it is if you are retired. You have all the time to do the things you wanted to do. The other day Luchie told Lui that she is interested to do some painting and Lui said "go girl go!"

Ako kaya, ano kaya ang gusto kong gawin ngayong 'senior' na rin ako katulad ni Luchie?
But what about me? I wonder what I can do now that I am also 'senior' like Luchie?


Pero wag ka. Kahit libre na ang araw ni Luchie aba parang kulang pa rin ang araw para sa mga bagay na gusto niyang gawin. Akala mo kapag retired ka na marami ka nang oras pero kulang pa rin . . . Nauubusan ka rin pala ng oras . . .
But it is not really so. Luchie still does not have all the free time she needs to do all the things she loves to do. You would think that if you are retired you have all the time but it is still lacking. . . You still lack for time . . .


Ako marami akong oras, Luchie! At ang tanging gusto ko ang makapiling kayo ni Lui buong araw. Pero lagi naman kayong wala!
Me, I have a lot of free time, Luchie! And the only thing I want is to be with you and Lui all day but you are always out!

Hmp, maka-retire nga sa tabi tabi . . .
Hmp, I better go and retire somewhere . . .

Translated by Quark

Friday, September 9, 2011

Walang Kokontra!

Nobody Should Contradict.
Translated by Quark


Kung nasaan si Luchie madalas naroon din ako.
I am normally wherever Luchie goes.

Luchie: "Hey, you can't pee here!"


Naku, tapos na po. Mapipigilan ko ba naman iyan!
Oh but I'm done. How can I control it anyway!

At para lang malaman mo, Luchie, hindi ako ang nauna diyan. . . eto tingnan mo:
And just so you know, Luchie, that I was not the first one who did it . . . look at this:


Yan! Yan ang silbi ng CCTV. Hindi nagsisinungaling ang ebidensya!
There. That's the function of the CCTV. The evidence do not lie!

Alam nyo ba kung bakit tinawag na CCTV? Kasi puro sisi ang tv na yun. Arooooo!
Do you know why it is called CCTV? Because the tv is full of "sisi" (blame)!

O sya, makaalis na nga at baka masisi pa ako.
I got to go in case I get blamed again.


Hoy BER na Oca! Malapit na talaga ang Pasko!
Hey it's BER already, Oca! Christmas is getting near!