Thursday, May 26, 2011

Paguunawaan

Understanding
translated by Quark


Sa mga mahal kong nag-text, eMail at mga-uzisero,
To my loved ones who sent SMS, eMail and plain nosey,

Hindi ko inaaway ang anak kong si Sweepy.
I am not fighting with my pup Sweepy.

. . . hindi ko rin naman siya nilalaro. Marahil iyan ang dahilan ng inyong pag-aalala.
. . . and I don't play with him also. Maybe that is the reason for your concern.

Kapag hindi ka ba nakikipaghalubilo eh galit ka ba? Nakikipag-away ka ba kung ayaw mong makipaglaro o makipag-whatever sa kung sino sino?
If you do not socialize does it mean you are angry? Are you in a fight mode if you do not want to play or do whatever with anyone?

Aba hindi no!
Of course not!


Nakup, sadyang masyadong mareklamo lang talaga ang isang iyan! Masyadong ini-spoil ni Lui kasi. Kaya't kung hindi mo lang mapansin ng minsan aba akala mo nagunaw na ang mundo niya!
Oh its just that Sweepy complains a lot! Lui spoils him a lot which is why when you don't pay him any attention he acts as if his world has crashed!

At eto ang iba ko pang sagot sa mga tanong ninyo:
And here are my other answers to your questions:

Madalas kaming magkasama ni Sweepy, Pedro, at ako pa rin ang naglilinis kay Sweepy simula't tuta pa siya. Kaya't huwag kang mag-alala kasi love ko talaga yan.
I am always with Sweepy, Pedro, and I am still the one who cleans Sweepy since he was a puppy so don't worry 'cause I do love him.



Mainit ang panahon dito sa bansa namin ngayon, Alicia, kaya akala ni Lui namatay ako noong nakita niyang nakahandusay ako sa gitna ng garahe. Sobrang maligalig lang talaga si Lui kasi kada oras na nasa bahay siya sinisilip niya kung humihinga pa ako. Nakakasuya minsan.
The weather is too hot in my country now, Alicia, which is why Lui thought I died when she found me sprawled in the middle of the garage. Lui gets too rattled because when she is home she checks if I am still breathing. It is quite annoying.


Iyan ang itsura ng kalangitan ngayon. Mistulang naghahati ang lamig at init at hindi mo mawari kung uulan o aaraw bagama't mainit ang hangin pero may bagyong dadating bukas kaya't panay ang dasal ni Lui.
This is how the skies looked today. It is a mixture of cold and hot and you do not know if it will rain or get sunny even if the air is hot although there is a coming storm tomorrow which is why Lui is praying a lot.

Kaya't sa mga kulang sa pansin (ahem) at naghahanap ng pansin, gayahin ninyo ako. Kapag wala si Lui naghahanap ako ng gagawin at pag-aabalahan para sa pagdating niya hindi ako aburido. At kapag nakukulitan ako kay Sweepy aba minsan pinagpapapansin ko na rin. Mapapagod din naman iyan. Nakakahapo lang talaga maglaro sa tag-init.
So for those who lack and demand attention check how I do it. When Lui is away I try to find some things to do so when she comes home I don't act grumpy. And when Sweepy gets pesky I try to give him attention sometimes. He will get tired soon enough. It is just too tiring to play when it is hot.

O, uminom lagi ng tubig, maghilamos lagi, huwag magbilad sa araw, magdala ng payong, wag hayaan mabasa ang likod, at ipasa-Diyos ninyo ang buhay . . . lilipas din ang mga whatever . . .
And drink water always, wash yourself always, do not stay out in the sun, bring an umbrella, do not allow your back to get wet, and leave everything to God . . . everything will come to pass anyway . . .

Wednesday, May 18, 2011

Mga Mainit na Tanong Sa Tag-Init

Hot Questions on a Hot Day
English by Quark



"Ayaw ko bang makipaglaro sa anak kong si Sweepy?"
"Do I not want to play with my pup Sweepy?"

Iyan ang isa sa mga tanong ng anak kong si Sweepy sa blog nya.
That is one of the questions of my pup Sweepy in his blog.

Minsan mas maigi pang sagutin ang tanong gamit din ng tanong . . .
Sometimes it is better to respond to questions by using questions as well . . .


Sino ba ang makulit na umaaligi sa tabi tabi sa mga oras na nagninilay-nilay ka ng mga bagay bagay kasama ang mga kaibigan mo?
Who lurks in the corner during moments of serious discussions with your friends?



Sa mga oras na nilalabas ko ang mga sarili kong tanong eh may sisingit sa tabi tabi at magkukulit at mang-aagaw ng eksena?
During moments when I am airing out my own questions who will sneak from some corners and pester and steal the scene?



At sino kaya ang makulit na sunod ng sunod at kung saan ka pa medyo pumuporma ng maayos at doon pa siya e-eksena?
And who would follow and tail me around and when I am poised for serious action he would steal the scene?



At sino kaya ang naglilinis ng tenga ng damuhong iyan?
And who do you think is cleaning the ears of that pup?

Sino ang nagbabantay at nagsisiguro na walang sakuna sa paligid at kung meron man ay handa akong ipaglaban at itaya ang buhay ko kung kailangan at higit sa kakayahan ko?
And who guards and makes sure that there are no danger around and if ever there is, is willing to fight and stake his life if needed over and beyond my capacity?


Ako ang nasa likod ng bantay na iyan!
I am the one behind that guard dog!

Hay naku, Sweepy! Kahit na dalawang taon lamang ang pagitan natin, mistulang tuta ka pa rin at ubod ka ng kulit! Hindi mo maintindihan ang mga bagay bagay tulad ng pag-iisa, pagninilay nilay, pagmumuni-muni ng mga bagay bagay at ng panahon na dumadaan. . . .
Oh Sweepy, even if there are only two years between us you still act like a puppy and quite pesky. You will never understand things like the need to be alone, to quietly think and discern things and the passing days . . .



. . . na sa panahon na palubog na ang araw ko, marami akong nakikita at nararamdaman na sadyang masarap pagnilayan at pag-isipan nang mag-isa. . .
. . . that at my sunset moments I see and feel certain things that feels good to discern alone . . .

. . . at ito ang tatandaan mo Sweepy: sa mga panahon na sadyang nag-iisa ako, walang oras o minuto na hindi kita naiisip at naaalala ang kapakanan mo kung wala na ako. Eh sino pa ba ang mamahalin ko ng lubos sa mundo kung hindi ang nagiisa kong pamilya! Kaya nga hinahabilin kita lagi kay Lui!
. . . and remember this Sweepy: during moments when I am alone, no hours or minutes would pass when I do not think of you and wondering what will happen to you when I am gone. And who else will I love in all the world except the only remaining member of my family! That is why I kept asking reminding Lui to take care of you!

Mahaba pa ang panahon natin, Sweepy. Kaya wag kang masyadong makulit . . .
We still have a long time together, Sweepy, so don't be too pesky . . .

Saturday, May 14, 2011

Mag Re-Retire Ka Ba?

Are You Going To Retire? English by Quark


Aba, hindi no!
Of course not!


Aba, medyo magpapahinga lang ako at medyo magmumuni-muni ng kaunti. Kagaya ni Luchie na mag-re-retire na ngayong linggo. . .
I will just rest and maybe mull a bit just like Luchie who will retire this week.

Akala ng iba kapag nagretiro ka wala ka nang gagawin kundi matulog at tumanga . . .
Some think that when you retire you will not do anything but sleep and be idle . . .


Aba, hindi! Maraming puedeng gawin kapag medyo dumadating ka na sa edad na medyo alalay lang ang kilos mo. Sabi ni Lui huwag daw ako masyadong nagtatatakbo ng matulin baka madapa ako. Pero, wag ka. Kapag hindi nakatingin si Lui at kapag may naispatan akong hindi kanais-nais, nakup, yari sa akin iyan, madapa man!
Of course not! There are so many things to do even when you reach the age where you watch your step and actions. Lui said I should not run too fast in case I trip. But when Lui is not looking, and I spot something undesirable, I am sure to run after it at the risk of tripping!


Aba, ewan ko sa inyo no. Oo, nagkaka-edad na ako pero hoy, matulis pa rin ang pandinig at pang-amoy ko. At mas matulin pa rin akong tumakbo sa anak kong si Sweepy. At higit sa lahat, hindi pa ako mag-reretiro sa takbo ng buhay . . .
Oh, I don't know about you but even as I advance in age, I still run faster than my pup Sweepy and my sense of hearing and smell are still sharp. And more importantly, I am not retiring from the flow of life . . .


Oy Luchie, saan ba tayo magbabakasyon at mag-kukuyakoy?
Hey Luchie, where are we going on vacation and pass the time?

Wednesday, May 4, 2011

Mayo Na!

It is May already!
Translated by Quark


At eto ako natutuyot sa init ng mundo!
And here I am drying in the heat of the world!


Ang importante laging basa ang ilong mo para malamig ang paghinga. Teka, nasaan na ba ang taga basa ng balahibo ko sa tag-init?
The important thing is that you always keep your nose wet to cool your breathing. Wait, where is the one who will wet my furs on a hot day?

Nakup, iyan na nga ba ang sinasabi ko eh! Wala na naman ang mga bruha! Eh paano na kaya kung tuluyan akong matuyot sa init ngayon?!!
Oh, this is what I mean! The witches are gone and I wonder what will happen if I completely dried up in this heat?!!


Mayo ang buwan na ng mga manggagawa. Aba siyempre kasali ako dun. Eto't nagbabantay ako ng paligid kasama ang makulit kong anak na si Sweepy.
May is the month of the workers! Of course I am part of it. I am busy guarding the premises together with my pup Sweepy.


Sweepy: Popsy, look! TheOtherKeeper is on the roof!

Hay naku hayaan mo na nga si Luchie kung ano ang gusto niyang gawin! Kung gusto niyang walisin ang buong bubong aba bahala siya!
Oh, let her! If Luchie wants to sweep the whole roof it is up to her!



Pero siyempre dito lang ako sa tabi baka kung ano ang mangyari sa bruha!
But, of course, I stay near just in case something happens to the witch!



Ang araw ng manggagawa ay nagbibigay pugay sa lahat ng uri ng manggagawa at sa lahat na marangal ng paggawa.
Labor's day pays tribute to all workers and for all dignified ways of working.

Magtrabaho ng tapat, sapat at karapat-dapat. At mamuhay ng walang ka-atat-atat.
Work in faith, with diligence, and deserving of your position. And live without a fuss.

Mabuhay ang manggagawa taga lungsod at lalawigan!
Long live the workers in the city and the provinces!