Thursday, May 26, 2011

Paguunawaan

Understanding
translated by Quark


Sa mga mahal kong nag-text, eMail at mga-uzisero,
To my loved ones who sent SMS, eMail and plain nosey,

Hindi ko inaaway ang anak kong si Sweepy.
I am not fighting with my pup Sweepy.

. . . hindi ko rin naman siya nilalaro. Marahil iyan ang dahilan ng inyong pag-aalala.
. . . and I don't play with him also. Maybe that is the reason for your concern.

Kapag hindi ka ba nakikipaghalubilo eh galit ka ba? Nakikipag-away ka ba kung ayaw mong makipaglaro o makipag-whatever sa kung sino sino?
If you do not socialize does it mean you are angry? Are you in a fight mode if you do not want to play or do whatever with anyone?

Aba hindi no!
Of course not!


Nakup, sadyang masyadong mareklamo lang talaga ang isang iyan! Masyadong ini-spoil ni Lui kasi. Kaya't kung hindi mo lang mapansin ng minsan aba akala mo nagunaw na ang mundo niya!
Oh its just that Sweepy complains a lot! Lui spoils him a lot which is why when you don't pay him any attention he acts as if his world has crashed!

At eto ang iba ko pang sagot sa mga tanong ninyo:
And here are my other answers to your questions:

Madalas kaming magkasama ni Sweepy, Pedro, at ako pa rin ang naglilinis kay Sweepy simula't tuta pa siya. Kaya't huwag kang mag-alala kasi love ko talaga yan.
I am always with Sweepy, Pedro, and I am still the one who cleans Sweepy since he was a puppy so don't worry 'cause I do love him.



Mainit ang panahon dito sa bansa namin ngayon, Alicia, kaya akala ni Lui namatay ako noong nakita niyang nakahandusay ako sa gitna ng garahe. Sobrang maligalig lang talaga si Lui kasi kada oras na nasa bahay siya sinisilip niya kung humihinga pa ako. Nakakasuya minsan.
The weather is too hot in my country now, Alicia, which is why Lui thought I died when she found me sprawled in the middle of the garage. Lui gets too rattled because when she is home she checks if I am still breathing. It is quite annoying.


Iyan ang itsura ng kalangitan ngayon. Mistulang naghahati ang lamig at init at hindi mo mawari kung uulan o aaraw bagama't mainit ang hangin pero may bagyong dadating bukas kaya't panay ang dasal ni Lui.
This is how the skies looked today. It is a mixture of cold and hot and you do not know if it will rain or get sunny even if the air is hot although there is a coming storm tomorrow which is why Lui is praying a lot.

Kaya't sa mga kulang sa pansin (ahem) at naghahanap ng pansin, gayahin ninyo ako. Kapag wala si Lui naghahanap ako ng gagawin at pag-aabalahan para sa pagdating niya hindi ako aburido. At kapag nakukulitan ako kay Sweepy aba minsan pinagpapapansin ko na rin. Mapapagod din naman iyan. Nakakahapo lang talaga maglaro sa tag-init.
So for those who lack and demand attention check how I do it. When Lui is away I try to find some things to do so when she comes home I don't act grumpy. And when Sweepy gets pesky I try to give him attention sometimes. He will get tired soon enough. It is just too tiring to play when it is hot.

O, uminom lagi ng tubig, maghilamos lagi, huwag magbilad sa araw, magdala ng payong, wag hayaan mabasa ang likod, at ipasa-Diyos ninyo ang buhay . . . lilipas din ang mga whatever . . .
And drink water always, wash yourself always, do not stay out in the sun, bring an umbrella, do not allow your back to get wet, and leave everything to God . . . everything will come to pass anyway . . .