Friday, April 29, 2011

Sumo, where are you?

English by Quark


Hoy Sweepy, nasaan ba ang tatay mo?
Hey Sweepy, where is your father?


Nakup, bakit ka naman nagtatago diyan sa bahay mo, Sumo? Alam mo naman na saksakan ng init eh diyan ka pa natutulog! Tiyak mahahapo ka nyan!
Oh, but why are you hiding in your house, Sumo? You know it is so hot and you can not sleep in there without panting!


Hala, lumabas ka nga dyan at humanap ka ng medyo malamig na lugar.
Get out of there and find a cooler place to stay.


Yan! Iyan ang tamang lugar kapag mainit. Malamig ang marmol na lamesa!
There. That is the right place when it is hot. The marble-topped table is cooler!


At nariyan naman ang anak mong si Sweepy para bantayan ka.
And there is your pup Sweepy to look after you.

Eh nasaan naman ba si Lui?
So where is Lui?

Tuesday, April 19, 2011

Ang Init!

It is too Hot!
English by Quark

ho...hot! Adlibs by MrLeach



Naku, ewan ko kung anong ibig nilang sabihin na summer na, eh lagi namang summer sa Pinas di ba, Batman?
Oh, I do not know what they mean when they say that it is already summer when it is always summer in the Philippines. Right, Batman?
yer ryt, popsy! ph olwez hot!


At siyempre pag mainit masarap magpa-araw.
And of course when it is hot, it feels good to sunbathe.
watchit, popsy, lui sed ul gt dark!


Naku, wag mong intindihin si Lui, MrLeach. Mahilig mang-asar iyan. Eh paano naman ako mangingitim sa araw eh sadyang maitim na talaga ako! Basta humanap ka ng maayos na puwesto at magpa-araw ng lubos!
Oh, don't mind Lui, MrLeach, because she loves to tease me. How can I get dark under the sun when I am naturally black! Just look for the right spot and sunbathe fully!
ur ryty, popsy!

Ay, naku, Batman! Kapag mainit, pati ulo ng tao mainit! Aba eh semana santa pa naman at dapat magnilay-nilay ang mga tao.
Oh, Batman! When it is hot, people get hot too! And it is holy week and people needs to contemplate.
o gee, popsy.


Ganito ang maayos ng pagninilay-nilay. Lumakad ka ng mahaba at mag-isip ng kung anu-ano.
This is how you contemplate properly. You walk long and think deeply of things.
dz s d way of madnez!


Aba, buti na lang aso ako at wala akong dapat pagnilayan. Wala akong kasalanan na dapat pag-isipan. At hindi kami kasali sa puasa. Yan ang importante!
Oh, I am glad I'm a dog and I do not need to contemplate anything. I do not have sins that I need to think about. And more importantly, I do not have to fast!
me 2!

At eto ang pagkakatandaan mo, MrLeach: Bawal ka tuwing mahal na araw. Bawal ang makulit. At bawal ka rin sa tag-araw kung ayaw mong matuyot! Hala, umiskapo ka muna!
And this you must remember, MrLeach: You are not allowed during the holy week. Pesky beings are not allowed. And you are not allowed to roam during summer, not unless you want to get dried up. So go and escape somewhere!
o gee popsy wat a bummer! babu.


Hmp, kapag minalas ka, mainit na may susungit pa sa araw mo!
Hmp, if you get unlucky, it gets hot and someone will pester you!
im outta hir popsy. babu.

Friday, April 15, 2011

Alaala kay Bogart . . .

Memories of Bogart
English by Quark


Kahapon ay isang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Bogart.
Yesterday was Bogart's first death anniversary.

Waring nakalimutan ni Lui.
It looks like Lui has forgotten.

Mabuti na rin iyon kasi medyo iyakin iyang si Lui at sa tuwing maaalala niya si Bogart umiiyak siya, kaya siyempre naluluha rin ako . . . sa inis. Aba, nakakainis kaya makita ang taong humahagulgol! Hindi mo mawari kung paano mo matatahimik ang pusong luhaan . . .
I guess it is better that way because Lui is quick to tears and when she remembers Bogart she cries and I felt like crying myself . . . from frustration. Hey, it is frustrating to watch somebody crying! You do not know how to hush a tearful heart . . .

Minahal ko iyang si Bogart. Kung buhay siya ngayon, aba sampung taon na siya ngayon. Isang taon lang naman ang pagitan naming mag-ama. Siya rin ang mas kamukha ko. O tingnan mo:
I loved Bogart. If he were alive today, he would be ten years old. We only have one year between us. Bogart also looks like me:

Paano mo naman hindi mamahalin ang anak mong ganyan?
How can you not love your child who looked like that?

Si Bogart ang pinakamalaki sa aming pamilya. Ako medium lang. Si Sweepy small. Small but terrible.
Bogart was the biggest in my family. I am medium and Sweepy is small. Small but terrible.

Si Bogart malaki rin ang puso, pasensyoso, mapagbigay, at mapagmahal. Kami ni Sweepy medyo bugnutin at makulit. Sa dinamidami namin, kami pa ni Sweepy ang naiwan na magsama!
Bogart had the biggest heart, patient, generous and loving. Sweepy and I are moody and frisky. And of all the hounds, it has to be me and Sweepy left to be together!

Hay, tingnan nyo naman ang mga anak ko:
Oh, look at my pups:

Parang pinagbiak na bunga! Aba pinagmamalaki ko ang mga iyan kaya't kahit na wala na iyung isa, aba siyempre, proud pa rin ako sa kanila.
They look like they were parted from one bud! I am proud of them even if one has left already.

Mabait at mapagmahal talaga si Bogart, huwag mo lang kukulitin at lilituhin. Nalito iyan ng minsan kaya kami nag-away at pinaghiwalay. Kapag nalito iyang si Bogart, eto ang sa iyo!
Bogart was kind and loving as long as you don't pester or confuse him. He once got confused which was why we fought and got separated. When Bogart got confused, here's what you get:


Ay masarap talaga balikan ang lumipas, lalo na kung masaya ang mga alaala nito!
Oh, it is so wonderful to go back to the past most especially if the memories were happy ones!

Siyempre lilipas rin ako at siyempre masaya rin ang lilipasan ko . . .
Of course I too will pass on and of course my past will be happy . . .



O ikaw, kamusta kaya ang magiging paggunita sa iyo?
And you, how do you think you will be remembered?

Saturday, April 2, 2011

Tulog

Sleep
english by Quark


Masarap talagang matulog!
It really feels so good to sleep!

Pero minsan parang hindi ka mapakali . . .
But sometimes you feel restless . . .



Kaya hala! Ayusin mo nang maigi ang higaan!
That's why you arrange your beddings well!


Ikot-ikutin mo kung saan mo mawari hanggang madama mo ang tamang ayos lalo na ng mga unan mo!
You turn it around and around until you get the right arrangements especially of your pillows!



At pag sakto na . . .
And if its right . . .

Aba, mag-dive ka ng todo todo!
Well, you dive fully into it!


Ayos, di ba? (pakindat pa!)
Right? (wink!)

At iyan ang matatawag ko na saktong tulugan!
That is what I call the right sleeping placement!

Aba, kapag medyo nagkaka-edad ka na dapat sakto lagi ang tulugan mo no!
Well, if you are getting old you always have to get the right sleeping place!