Friday, April 15, 2011

Alaala kay Bogart . . .

Memories of Bogart
English by Quark


Kahapon ay isang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Bogart.
Yesterday was Bogart's first death anniversary.

Waring nakalimutan ni Lui.
It looks like Lui has forgotten.

Mabuti na rin iyon kasi medyo iyakin iyang si Lui at sa tuwing maaalala niya si Bogart umiiyak siya, kaya siyempre naluluha rin ako . . . sa inis. Aba, nakakainis kaya makita ang taong humahagulgol! Hindi mo mawari kung paano mo matatahimik ang pusong luhaan . . .
I guess it is better that way because Lui is quick to tears and when she remembers Bogart she cries and I felt like crying myself . . . from frustration. Hey, it is frustrating to watch somebody crying! You do not know how to hush a tearful heart . . .

Minahal ko iyang si Bogart. Kung buhay siya ngayon, aba sampung taon na siya ngayon. Isang taon lang naman ang pagitan naming mag-ama. Siya rin ang mas kamukha ko. O tingnan mo:
I loved Bogart. If he were alive today, he would be ten years old. We only have one year between us. Bogart also looks like me:

Paano mo naman hindi mamahalin ang anak mong ganyan?
How can you not love your child who looked like that?

Si Bogart ang pinakamalaki sa aming pamilya. Ako medium lang. Si Sweepy small. Small but terrible.
Bogart was the biggest in my family. I am medium and Sweepy is small. Small but terrible.

Si Bogart malaki rin ang puso, pasensyoso, mapagbigay, at mapagmahal. Kami ni Sweepy medyo bugnutin at makulit. Sa dinamidami namin, kami pa ni Sweepy ang naiwan na magsama!
Bogart had the biggest heart, patient, generous and loving. Sweepy and I are moody and frisky. And of all the hounds, it has to be me and Sweepy left to be together!

Hay, tingnan nyo naman ang mga anak ko:
Oh, look at my pups:

Parang pinagbiak na bunga! Aba pinagmamalaki ko ang mga iyan kaya't kahit na wala na iyung isa, aba siyempre, proud pa rin ako sa kanila.
They look like they were parted from one bud! I am proud of them even if one has left already.

Mabait at mapagmahal talaga si Bogart, huwag mo lang kukulitin at lilituhin. Nalito iyan ng minsan kaya kami nag-away at pinaghiwalay. Kapag nalito iyang si Bogart, eto ang sa iyo!
Bogart was kind and loving as long as you don't pester or confuse him. He once got confused which was why we fought and got separated. When Bogart got confused, here's what you get:


Ay masarap talaga balikan ang lumipas, lalo na kung masaya ang mga alaala nito!
Oh, it is so wonderful to go back to the past most especially if the memories were happy ones!

Siyempre lilipas rin ako at siyempre masaya rin ang lilipasan ko . . .
Of course I too will pass on and of course my past will be happy . . .



O ikaw, kamusta kaya ang magiging paggunita sa iyo?
And you, how do you think you will be remembered?