Saturday, January 22, 2011

Ako Si Sumo

i m sumo engliz by mrLeach


Ako ang hari sa Heaven!
Sa bawat sulok ng Heaven, hawak ko!
i m d king op heaven! evry corner s ma turf!


At eto ang anak kong si Sweepy . . .
n hir s ma pup swpy . . .

Ang hari ng kakulitan!
Saan man ako magpunta, nakasunod iyan.
d king of peskinez! he folows me anywer i go.



O tingnan mo. Hindi matigil iyan sa kakatanong.
Saksakan ng kulit! May anak ba kayong ganyan?
lukit! nonstop Qs. sover peski. do u hav a kid lyk dat?


Ang tawag dyan ay kulang sa pansin kasi masyadong pinagpapapansin!
u kol dat lackin n attentn bcoz op 2 much attentn!


O nalito ka dun, di ba?
hey u got confuz eh?


Iyan ang nangyayari kapag nasanay ka na pinapansin.
Naku, hahanap-hanapin mo na pansinin ka lagi.
Waring gusto mo ng maraming pansin!
daz wat hapens f u got used 2 attentn. ul luk 4 it ol d tym. az f u want lotsa attntn!


Isa lang ang sagot ko dyan . . .
ders only 1 thng 2 do . . .


Babu.
bye.


Humanap ka ng kausap mo!
At kailangan ko rin ng pansin.
Nasaan na ba si Lui?
go fnd sumbody 2 talk 2! coz i nid attentn 2. wers lui?

Wednesday, January 19, 2011

Hoy, 11 na ako!

Hey, I am 11 already!
Translated by Quark


O sya, walang ko-kontra ha at mag-tabi-tabi o bumisina muna kayo bago . . . .
Okay, I do not want to hear any protests and please watch what you say when . . .


Happy Birthday to you!
You belong to the zoo!
With the monkeys and the donkeys . . .
and the big kanga-roooooo!
Hapibeeday, Sumo!!!


Yan.
Iyan nga ang ibig kong sabihin. Ang mga hirit na iyan na walang pakundangang hiyaw na iyan! Hoy Lui, ano iyan?
There. That's exactly what I mean. That no holds barred singing like that! Hey Lui what is that?


Aba, mini cupcake topped with flavored yogurt daw! Aba, ihain mo na agad Lui! Ano pa ang hinihintay mo no!
Hey, that is a mini cupcake topped with flavored yogurt! Hey, serve it immediately, Lui! What are you waiting for?


At siyempre, sino pa ba ang kasalo ko sa kainan kung hindi ang makulit kong anak si Sweepy na saksakan ng kulit at sumbungero pa man din! O, iyung iba diyan sa paligid, wag na kayong pumunta sa bahay at ipadadala na lang ni Lui ang tsibog ninyo tulad ng dati!
And of course, my eating companion is my pesky pup Sweepy who is not only rowdy but a big tell-all! And those in the vicinity, don't go to our house anymore and just remain in your houses, for Lui will just deliver your food. Just like before.

Eh , ano ba ang tsibog nyo?
But what is your meal?

Aba, yung mamon at itong paborito kong adobong manok at kanin at sinabugan ng gutay-gutay na itlog! Parang giyera talaga! Bagay sa mga astig tulad ko!
Aside from the sponge cake, there is my favorite sauteed chicken with rice scattered with shattered egg! It looks like a war zone which is perfect for a cool dude like me!


At ano naman ang bday wish mo, Sumo?
And what is your birthday wish, Sumo?

Aba siyempre ang umabot sa 12 man lang o siguro hanggang 15, o hanggang sa kung saan kaya ko pang tumakbo at magwala at hindi magiging alagain at pasanin kay Lui.
Of course I want to reach 12 or even 15 years or where I can still run and go wild and not be a burden to Lui.

Sa awa ng Diyos eto naghahasik pa rin ako ng lagim sa paligid at pakisabi kay San Pedro na paki-hinaan ang aircon sa gabi at mukhang na-frozen ang buntot ko!
And with God's graces here I am, still roaming around dangerously and please tell St. Peter (Sumo thinks St. Peter is in-charge of running the weather ;-) to tone down the aircon at night because my tail gets frozen!

Naku, may arthritis ka no? Haha!
Hey, you have arthritis, don't you? Haha!

Yan.
Iyang mahilig mag-asar ang isa pang wish ko na kuhain na kayo ni Lord at tigilan na ninyo ako! Hmp! Minsan lang maging 11 ang asong ito, hihirit pa kayo!
There.
My other wish is for those hecklers to be taken by the Lord and to stop pestering me! Hmp! It is not always that a dog gets to be 11 so stop pestering me!



Sana may birthday din kayo!
I hope you have a birthday too!

At sana magpa-tsibog rin kayo. Aroooooo!
And I hope you will give a treat too. Arfffff!

Monday, January 10, 2011

Malamig Ang Pasko . . .

Christmas is Cold English by Quark


Mahangin ang kapaligiran . . .
It is windy . . .

Mahalimuyak tuloy ang simoy ng paligid dala ng halimuyak ng bulaklak na nag-aanyaya ng halik!
. . . and gave the air that distinct sweet scent brought by the flower waiting for a kiss!



Waring naghaharana na ipikit ko ang aking mata at bumigay sa ligaya ng panaginip!
. . . it felt like a serenade for me to close my eyes and give in to my dreams!


Waring nalalasap ko ang sarap at tamis ng samahan ng malalamig ang Pasko!
. . . and I savor the sweetness and joy of those whose Christmas is cold!



Aba, ewan ko sa inyo pero ako mas gugustuhin ko talaga ang lamig kesa sa init. At sana tumagal pa ito hanggang Marso para masarap lagi ang tulog ko!
Hey, I don't know about you, but I prefer the cold than the hot days. And I hope this weather will last until March so I can enjoy my naps!

At ewan ko sa pari ha, na sinabi na hanggang Pebrero daw ang Pasko, pero ngayon talaga nagtatapos ang kapaskuhan. Hoy Lui, ligpitin mo na ang mga palamuti! Hanggang sa susunod na Pasko! Malapit na yun!
And I don't know with the priest who said that Christmas is until February, because today marks the end of the Christmas season. Hey Lui, you can pack all the decorations already! And wait for the next Christmas! It won't be long!



O sya, bumigay ka na sa lamig at tulugan na!
Anyway, just give in to the cold and it is time to nap . . .

Monday, January 3, 2011

I Survived New Year's Eve!


Opo, survivor ako. Huhu.
Yes, I'm a survivor. Huhu.


Eto buo pa ang mga daliri ko. Walang kulang. Pati buntot ko no! Eh bakit naman magkukulang yan eh hindi naman ako nagpaputok!
And here's my paw. Everything intact. Including my tail! But of course it should be because I did not blast anything!

Ang nagpupu-putok ay ang butsi ko! May araw din kayong mahilig magpa-putok!
The only thing blasting is me! Your days are numbered, firecracker lovers!

O sya, bagong taon na. Bagong look na rin ang header ko. Astig di ba?
Anyway, it's new year so there's new look to my header too. Isn't that cool?

At eto ang tatandaan mo ha: Malapit na ang Pasko. Labing isang buwan na tulog lang at babalik na ulit ang kabaliwan sa mundo! Magbago na kayo hoy!
And remember: Christmas is near. It is just 11 months away and the whole silly game will be back! You better change your ways!

Babu.
Bye.



Tenkyu, tenkyu, ang babarat ninyo . . . enkyu!
Thank you, you are all cheapskates! (Taken from a Pilipino Christmas carol)

Sa Gitna Ng Putukan . . .

In the Midst of Fireworks
translated by Quark


Hoy, TIGIL!
Hey, STOP!

Ano yang nasa kamay mo?
What do you have in your hand?


Nakup! Kung anu-ano na naman ang pinag-pipipitas mo sa mga puno ng kapitbahay, Luchie! Aba, nagpaalam ka ba?
Gosh! Now what did you pick up from the neighbor's tree this time, Luchie? And did you ask permission from them?

Iyan si Luchie sa bisperas ng bagong taon. Nagpupulot at nagbibibili ng kung anu-anong prutas para mabuo ang isang dosenang prutas para sa bagong taon . . .
There goes Luchie on New Year's eve. She buys and pick different varieties of fruits to complete her dozen varieties for the new year . . .

Isang dosenang prutas para masiguro ang isang masaganang 2011. Mga kasabihan ng kung iisipin mong mabuti eh wala kang mapapala kung hindi gumastos at busugin ang sarili mo ng walang pakundangan! Ahahay!
A dozen fruits to guarantee a bountiful 2011. These are part of traditions that if you think wisely will never get you anywhere except to spend and fatten yourself silly! My-oh my!

Naku, my-oh my ka pa dyan, Quark! Eto ang pakakatandaan mo ha: hindi totoo na walang mawawala kung susundin mo ang mga kabaliwan na ito. Hoy, wala ka nga mawawala, pero wala ka rin naman ma-me-meron. Magmumukha ka lang miron! Tinamaan ka ng magaling!
Now listen to this: it is not true when they say that there is no harm in doing this silly tradition. Hey, there may be no harm indeed but there is also nothing to gain from it. You will just look silly. Hit you good!


Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong makinig!
It's up to you if you don't want to heed my advice!

Sa isang iglap . . .
After a while . . .


Hoy anong ginagawa mo naman diyan sa bakod, Luchie?!!
Now what are you doing on top of the fence, Luchie?!!


Aruy, akyan bakod ang bruha! Hoy BUMABA KA NGA DIYAN at hindi kita masasalo kapag mahulog ka, tinamaan ng mataba mong tumbong!
Oh no, the madwoman climbed on top of the fence! Hey GET DOWN FROM THERE because I can not catch your fall, hit your fat bum!

Ay salamat! Nabuo na rin ang isang dosenang prutas!
At last, she completed her dozen fruits!



Sabagay sa dinami mong kinain tama lang ang mga iyan para pampurga! Aruy!
Anyway, with all the foods you ate, those fruits will come in handy for purging! Ouchy!