Tuesday, December 28, 2010

Ahahay! Nalampasan Ako Ng Pasko!

Oh My! Christmas Passed Me By!
Translated by Quark



Hindi bale nang huli, basta't magaling!
It does not matter even if you are late, as long as you are good!

Ay mali ata!
Er, I think I did not quote it right!

Hindi bale na mahuli, wag lang huhulihin!
It is alright to be late as long as you don't get caught!

Hoy Quark mali mali ata ang pagsalin mo ah! Mukhang nasobrahan ka ata noong Pasko! Naku, magpahinga ka muna kasi ako rin, medyo na-sover sa busog! Aroooo!
Hey Quark, your translation seems off! It looks like you had one too many last Christmas! I think you better take a break because I had a full stomach myself! Arf!

O sya, galit galit muna ha. Kitakits na lang tayo sa Bagong Taon!
Okay let's take a break and see each other in the New Year!

Maligaya, malamig, masarap, at maraming tulog! Pero marami ring gising ha!
Happy, cold, delicious and plenty of naps! But plenty of waking hours too!

Wednesday, December 22, 2010

Tatlong Tulog Na Lang!

Three More Winks! Translated by Quark


. . . at malapit na . . .
. . . and it is almost near . . .


. . . at mag-ho-ho-ho-ho na ako!
. . . and I will go ho-ho-ho!


Hoy, hindi ubo-ubo ha! Ho-ho-ha-ha-hi-ho-BOOM yon!
Hey, that is not coughing! It is ho-ho-ha-ha-hi-ho-BOOM!

At tandaan: hindi bale na walang tulog, huwag lang walang gising! Hohoho!
And remember: it does not matter if you lose sleep as long as you don't lose your waking hours! Hohoho!

At para sa mga hindi nakatanggap, aba eto ang isa sa aming ho-ho-ho card! Gawa iyan ng anak kong si Sweepy! Para sa inyong lahat!
And for those who were not able to receive it, here is one of our holiday cards which was made by my pup Sweepy for all of you!


At pasensyahan nyo na po kung medyo huli kami o hindi namin kayo napadalhan kasi medyo maraming pinag-aabalahan sa aming munting tahanan! Aba, tuwing kapaskuhan aburido si Lui kasi medyo makulit kami kapag may paputok sa paligid na sadyang nakakataranta! Alam nyo naman bago ang iba, kami lagi ni Sweepy ang una sa listahan nila.
And please forgive us for being late or if we missed you because we are quite busy attending to matters in our small house! Every Christmas season we get crazy when there are firecrackers which worries Lui. And me and Sweepy are top priority in our house!


O sya mag-ingat kayo Kabayan sa putukan ha! Huwag ninyo kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagsasama-sama, ang pagbibigayan, at pag-gunita sa pagdating ng Anak ng Diyos sa isang sabsaban sa paligid ng panganib. . . isipin mo iyan habang nakahimlay ka sa malambot mong kama at busog sa hamon, keso at regalo . . .
So please take care with your fireworks and do not forget that the real meaning of Christmas is to be together, to be charitable, and to remember the birth of the Son of God in a manger amidst the danger of the times . . . think of that as you lie in your soft bed and feeling full with ham, cheese and gifts . . .

At huwag kalimutan ang kwento ni Sweepy sa Pasko para sa inyong lahat! Abangan sa blog niya!
And don't forget Sweepy's Christmas story for all of you in his blog soon!

Wednesday, December 15, 2010

Aba, ka cute kaya, Sumo!

Hey that's cute Sumo!
Translated by Quark


Hoy, hindi ako cute.
Hey, I am not cute.

Ang cute maliit di ba?
Cute means petite right?

Pwes, hindi ako cute.
So I am not cute.

Ako Big, Black and Byutiful!
I am Big, Black, and Beautiful!

At etong anak ko naman . . .
And my pup . . .

Yan ang cute!
Now that's cute!

Saksakan ng cute iyan, kaya na-uusog parati! O, pwera usog ha!
He is so cute which is why he gets "usog" all the time. Hey, no "usog"!
(Note from Quark: Usog is the state when somebody gets sick when he gets passionately praised by someone. Lui said it happens when somebody steals your energy the way people steal energies of flowers when they touch and praise it too much! Sweepy thinks it is all baloney!)

Naku, wag na nga kayo magtalo sa mga usog na iyan. Sa Pinas lang naman na-uusog ang mga tao! Naku, sa Tate, walang na-uusog doon, kahit na isang katerba ang blond and blue eyes na cuteys na masarap usugin!
Hey, don't argue with "usog" because it is only in the Philippines that people get usog. In the States, people don't get usog even if there are plenty of cute blonds with blue eyes that you love to make usog!

At totoo ang chika. SMP kami. Samahan ng Malalamig ang Pasko!
And the rumor is right that we're SMP, Samahan ng Malalamig ang Pasko, which translates to The Group with Cold Christmases.

Ang ibig daw sabihin ng SMP malungkot ang Pasko kasi nag-iisa ka. Aba, kung ang ibig mong sabihin loveless ako, totoo yan! Pero kung malungkot ako, aba hindi! Kung malamig ang PAsko ko, minsan oo madalas hindi. Pero kung lalamig ang Pasko, tiyak sasaya ako! Aba, masarap kaya matulog kapag malamig!
They said SMP means your Christmas is lonely because you're alone. If you mean I am loveless, that is true! But if I'm lonely, that's not true! But is Christmas cold? Sometimes yes but oftentimes no. But if Christmas will get cold I will be happy! Hey, it is nice to sleep when it's cold!

At kapag malamig ang Pasko, tiyak dudumugin na naman ako ni Sweepy at Lui. Hala, palamigin ang Pasko at gusto kong sumiping sa mga mahal ko!
And when Christmas get cold, for sure Sweepy and Lui will snuggle close to me. Okay, bring on the cold for Christmas! For I want to snuggle with my loved ones!

Thursday, December 2, 2010

Ang Chillax Dog . . .

The ChillOut/Relax Dog
translated by Quark


Eto ang pang relax ko.
Mga tunog na sadyang angkop sa tulad ko . . .
This one is for my relaxing mode. Music that is right for me . . .


Sadyang bagay ang tunog na iyan habang nagbabasa ako ng mga kababuyan, este, mga kuwentong baboy ni Pol. Feel na feel ko talaga ang tropa sa Pugad Baboy. At si Polgas, walastik, parang si Sweepy no? Sina Mang Dagul parang yung kapatid ni Lui na si Oca! Aba, yung tropa ni Oca sa Mola waring mga taga Pugad Baboy lahat! Ang sarap nilang kumain at magkita-kita kahit maliit ang kita!
That music is the perfect companion when I read Pol's pig stories. I really feel the characters of Pugad Baboy (a comics book) Polgas reminds me of my Sweepy. Mag Dagul reminds me of Lui's brother Oca. Oca's group in Mola reminds me of Pugad Baboy characters! They love to eat and meet!


At siyempre kapag nakakainis ang nangyayari sa paligid at medyo pumapalpak ang idol kong si PNoy waring gusto kong ngat-ngatin ang mga libro ko! Hoy umayos naman kayo at nasisira ninyo ang pagbabasa ko!
And when I get pestered by the news around me especially about the bloopers of my idol PNoy I feel like chewing the books to pieces! Hey watch your steps guys because you're distracting my reading!


Hay naku! Kailangan mo talagang mag-relax paminsan-minsan. Lalo na kapag medyo tumatanda ka na. Dapat konting mellow naman. Dapat . . . konting music . . . konting tawa . . . kon. . .ting . . . zzzzzz . . .
You really need to relax once in a while especially when you're getting old . . . you need to mellow a bit. . . a bit of music . . . some laughter . . . a . . . bit . . . of . . . . zzzzzzzz . . .