Friday, November 26, 2010

I Got Shot!


In pinoyspeak, naturukan kaya ako! Ahuhuhu . . .
In pinoyspeak, I was given a shot! Huhuhu . . .

At iyang nag-iinarteng superdog na iyan sa itaas ko ang may sala!
And that one above me who is a superdog wannabe is the culprit!

Iyang anak kong si Sweepy ang may pakana nitong turukan na ito!
My pup Sweepy was responsible for this shot!

Ano pa eh di ang walang kamatayang taon-taon na anti-rabies shots.
What else but the annual anti-rabies shots.

Tanong ko lang, bakit noong panahon, sa gubat, wala namang shots ang mga hayop doon di ba? Pag dating mo sa bayan, ayun, sinasaksakan ka ng kung anu-ano!
I wonder why in the past, in the forest, animals don't get their shots there? But when you get to town you get all sorts of shots!

Sabi ni Lui bakit daw ako nagrereklamo eh libre naman, hindi naman daw masakit, at hindi naman daw ako na-aabala. . .
Lui said i should not complain since it is free, it does not hurt, and it does not inconvenience me any way . . .

Hoy anong hindi! Aba ayaw na ayaw kong lumalabas ng bahay! Ayaw kong pumipila sa kung saan at may humahawak sa puwitan ko na kung sino sino! Hoy, na-aabala ako no!
What do you mean I don't get inconvenienced? I hate leaving the house! I hate lining up anywhere and have somebody hold my butt! I am definitely inconvenienced.

Lui: Eh anong gusto mo, mamatay sa rabies o mamatay sa inis?
Lui: So what do you prefer, to die of rabies or die from irritation?

Iyan ang mga katuwiran na nakakamatay talaga at sadyang nang-iinis. Makaalis na nga!
That's the kind of reasoning that can kill and really irritate you. I better go!

Thursday, November 18, 2010

Sumo, where are you?


Nandito lang po!
I am here!

Nagtatago sa tabi tabi . . .
I am hiding somewhere . . .

Nagtatago at nagpapabantay sa anak kong si Sweepy!
I am hiding and asking my pup Sweepy to watch over me!

Nagtatago ako kasi panahon na naman ng mga makukulit!
I am hiding because it is the season of the pesky ones!

Ang panahon ng mga mahihilig sa PUTOK!
The season of firecracker lovers!

Ang aga aga pa, ang iingay na!
It is still too early and they're so noisy!

Hoy! Alam nyo ba na masakit iyan sa pandinig namin???
Hey, do you know that the sound of firecrackers is painful to our ears???

Hoy, naririnig nyo ba, mga pulitikong mahilig gastusin ang pera ng bayan sa PAPUTOK para lang magsaya sa pagkapanalo ninyo sa eleksyon???
Hey politicians who love to spend the money of the people on firecrackers just to celebrate their winning the elections, do you hear me???

At kung hindi, mas masahol pa kayo sa PUTOK ng kili kili ko!
And if you don't, then you are worse than the blast coming from my armpits!

Hmp, nagpuPUTOK tuloy ang butsi ko!
Hmp, I'm getting all fired up!

Abangan nyo lang at pag dating ni Lui at papuPUTUKan kayo noon ng PUTAK niya!
Just wait and watch when Lui comes home and she will blast you with her naggings!

Translated by Quark

Thursday, November 4, 2010

Blog Blast for Peace!


Tahimik na tahanan para sa lahat. Ligtas sa anumang dalubyo. Malinis. Maayos. Naghahari ang pagmamahal. Nag-uumapaw ang saya. Maayos na pag-areglo ng gulo. Respeto sa ating pagkakaiba. Lahat ng iyan nasa akin na. Aba eh di siyempre, hiling ko, sana nasa iyo na rin!
A quiet home for all. Safe from any danger. Clean. Orderly. Where love reigns. Filled with joy. Where conflicts are settled amicably. Respect for our differences. All of that I have. And, of course, my wish is that you have it also!

Kapayapaan para sa lahat!
Peace for everyone!


Translated by Quark for Blog Blast for Peace.

Hallowoof sa Heaven!

Hallowoof in Heaven Translated by Quark


Eto si Lui noong Halloween.
This was Lui during Halloween.



At eto naman ang anak kong si Sweepy.
And this was my pup Sweepy.



At eto ang bahay naming Heaven.
And this was our house Heaven.



At eto naman ako, saksakan ng aburido.
And there was I, extremely harassed.

Eh kasi, eto naman sila!
It was because of them!

Araw-araw na Halloween na iyan, isang tambak na tao ang nakapaskil sa harap ng bahay namin upang takutin ang sarili nila sa aming Halloween-dow!
Every day of Halloween week we had people lining up in front of our house just to scare themselves of our Halloween-dow!

Naku, dagdagan mo pa kapag lumabas si Lui at si Sweepy na hindi mo malaman kung matatakot ka o matatawa ka! Kaya't masaya na ako at tapos na ang lahat ng kabaliwang iyan!
And this heightens up when Lui and Sweepy comes out to greet them and people don't know whether to laugh or get scared by their looks. I am so glad all this madness is over!

At kung gusto mo ng kabaliwan, ayun si Sweepy tinuhog ang isang linggong meme sa blog niya! Tama bang paglaruan ang meme na sadyang kinababaliwan ni Lui?
And if you want madness, go check Sweepy's one week meme in his blog! Imagine poking fun at memes which Lui loves doing like mad!

Hmp, makatulog na nga!
Hmp, I better take a nap!


MrLeach: Ey, de houndsinheben r ol crazee lukin more funni than scaree. me got scaredy op d pipol watchin r haus ol week! me gut scaredy op pipol goin boo. oy, daz wuz truli scaredy, sumoh!