Friday, November 26, 2010

I Got Shot!


In pinoyspeak, naturukan kaya ako! Ahuhuhu . . .
In pinoyspeak, I was given a shot! Huhuhu . . .

At iyang nag-iinarteng superdog na iyan sa itaas ko ang may sala!
And that one above me who is a superdog wannabe is the culprit!

Iyang anak kong si Sweepy ang may pakana nitong turukan na ito!
My pup Sweepy was responsible for this shot!

Ano pa eh di ang walang kamatayang taon-taon na anti-rabies shots.
What else but the annual anti-rabies shots.

Tanong ko lang, bakit noong panahon, sa gubat, wala namang shots ang mga hayop doon di ba? Pag dating mo sa bayan, ayun, sinasaksakan ka ng kung anu-ano!
I wonder why in the past, in the forest, animals don't get their shots there? But when you get to town you get all sorts of shots!

Sabi ni Lui bakit daw ako nagrereklamo eh libre naman, hindi naman daw masakit, at hindi naman daw ako na-aabala. . .
Lui said i should not complain since it is free, it does not hurt, and it does not inconvenience me any way . . .

Hoy anong hindi! Aba ayaw na ayaw kong lumalabas ng bahay! Ayaw kong pumipila sa kung saan at may humahawak sa puwitan ko na kung sino sino! Hoy, na-aabala ako no!
What do you mean I don't get inconvenienced? I hate leaving the house! I hate lining up anywhere and have somebody hold my butt! I am definitely inconvenienced.

Lui: Eh anong gusto mo, mamatay sa rabies o mamatay sa inis?
Lui: So what do you prefer, to die of rabies or die from irritation?

Iyan ang mga katuwiran na nakakamatay talaga at sadyang nang-iinis. Makaalis na nga!
That's the kind of reasoning that can kill and really irritate you. I better go!