It is with deep sadness to announce the demise of our superdog Sweepy
around 11 am today, January 8.
Please go to my blog for details.
Thank you for being p...
Saturday, October 30, 2010
Panahon Na Naman . . .
It is that time again . . .
Translated by Quark
O, iyan si Bruha. (This is MadWoman)
Taon-taon lumalabas iyan, hindi para maghasik ng lagim, kung hindi para magsabog ng kabaliwan sa mundo! Taon-taon mistulang katawa-tawa ang pag-gaya niya ng mga taong pinatay at mga patay at mga multo sa isip ng mga maligalig at matatakutin . . .
Every year she comes out, not to spread terror, but to impose madness in the world! Every year she looks like a parody with the way she re-enacts people who were killed, the dead, and the ghost in the minds of the restless and the scared . . .
Eh hindi naman ganyan ang itsura ng patay o multo!
But that is not how the dead and the ghost looks!
Ang patay ay kamukha rin ng ordinaryong tao. Nakapikit nga lang. O kaya kung bukas ang mata sa pagkamatay niya, sadyang ipinipikit para hindi nakakatakot tingnan. Kaya nga kapag namatay ako ng dilat gusto ko ililibing din ako na dilat! Mwahaha . . .
The dead looks like the ordinary person except the dead has closed eyes. Or when he dies with opened eyes, they try to close the eyes so as not to scare the onlookers. That is why when I die with my eyes open I wanted to be buried exactly like that! Mwahaha . . .
Suuuuumoooooo!
Hoy tigilan mo nga ako Lui! Mas takot ako sa buhay na maaaring pumatay! Kaya nga ngayong panahon ng Undas, medyo puyat ako ng kaka-bantay sa paligid, sa dami ng magnanakaw na umaaligid! Magkamali lang sila ng pasok, tiyak tepok sila sa akin! At ililibing ko sila ng buhay at dilat! Belat!
Hey, stop it, Lui! I am more afraid of the living who kills! That is why during Halloween I have sleepless nights watching the place because of the thieves around. One wrong move and they're dead! And I will bury them alive with their eyes open! Serves them right!
O sya, eto na ang portrait namin . . . Hmp kainis kaya!
Anyway, here's our portrait . . . Hmp, what a bore!
Walang sisigaw.
No shouting.
Walang gagalaw.
No moving.
And gumalaw . . . angaw!
The one who moves . . . is a mosquito!
Thursday, October 21, 2010
Ay, bakit ka nandyan, Sumo!
But why are you there Sumo? Translated by Quark
Naku, bakit ka natutulog sa ibabaw ng lamesa, Sumo?
Oh-oh, but why are you sleeping on top of the table, Sumo?
Ay, tinamaan ng magaling! Eh sino ba ang natutulog sa bahay mo?
Hey, hit me right! And who is sleeping in your house?
Ay, si Sweepy pala! Ang anak mong makulit!
Oh, it's Sweepy! Your stubborn pup!
Ay hindi na bale, Sumo. Anak mo naman iyan. Ay, kaya pala wala kayo sa chat buong linggo! Hoy, dalawin nyo naman ang mga kaibigan ninyo!
Oh, but it's ok, Sumo. Anyway, he's your pup. No wonder you were both absent in the chat room the whole week! Hey, why don't you go and visit your friends!
Naku, pasensya na ha. Medyo kapag maulan sadyang gusto lang namin matulog buong magdamag!
Oh, please forgive us. It's just that we love sleeping all day when it is rainy!
At siyempre kapag umaraw naman, siyempre doon ka naman sa gawing labas matutulog. Hoy, Sweepy, bantayan mo ako ha! Baka ma-dognap ako habang natutulog. Simbako!
And of course when it is sunny, the best place to nap is outside your house. Hey Sweepy, you better watch over me in case I get dognapped while sleeping. ChurchMe! Er, actually, it is an expression in the Visayan language that means "I hope not!"
Thursday, October 14, 2010
O Mundong Tahimik!
Oh, Silent World!
Translations by Quark and MrLeach
Pssst, wag kayong maingay!
Pssst, don't be noisy!
pusit, shutap!
Kapag mahimbing si Batman dapat walang mag-iingay.
When Batman is sleeping there should be no noise.
wen batdoggul s slypin no noisy eh.
Ayoko ng istorbo.
I don't want to be disturbed.
no pesky powh.
Iyan ang gawain ng asong busog. Pagkatapos maligo, konting kain, (hoy, konti lang ang kinain ko sa tanghali ha!) konting suklay, konting kamot-kamot ni Lui ng tiyan, tapos, ayos na ang kasunod!
This is the way of a well-fed dog. After a bath, some food (hey, I ate just enough for lunch!), some fur brushing, a bit of belly massage by Lui, and afterwards, I'm all done!
dz s d way op a stuffd dawg. aftr bath, aftr 8in, (ey, i 8 lil onli1) aftr combn, aftr luis pattin, im ready 4 d nx!
O anong masasabi mo Lui?
So what can you say Lui?
so wat say u lui?
Lui:
Yikes, ang laki the tiyan mo Sumo!
Yikes, your belly is huge!
yaks, ur tum-tum s ginormouz!
Naku, umalis nga kayo sa tabi ko. Hmp, istorbo!
Hey, get out of sight! Hmp, what a nuisance!
o git outamasight, storybuk!
Translations by Quark and MrLeach
Pssst, wag kayong maingay!
Pssst, don't be noisy!
pusit, shutap!
Kapag mahimbing si Batman dapat walang mag-iingay.
When Batman is sleeping there should be no noise.
wen batdoggul s slypin no noisy eh.
Ayoko ng istorbo.
I don't want to be disturbed.
no pesky powh.
Iyan ang gawain ng asong busog. Pagkatapos maligo, konting kain, (hoy, konti lang ang kinain ko sa tanghali ha!) konting suklay, konting kamot-kamot ni Lui ng tiyan, tapos, ayos na ang kasunod!
This is the way of a well-fed dog. After a bath, some food (hey, I ate just enough for lunch!), some fur brushing, a bit of belly massage by Lui, and afterwards, I'm all done!
dz s d way op a stuffd dawg. aftr bath, aftr 8in, (ey, i 8 lil onli1) aftr combn, aftr luis pattin, im ready 4 d nx!
O anong masasabi mo Lui?
So what can you say Lui?
so wat say u lui?
Lui:
Yikes, ang laki the tiyan mo Sumo!
Yikes, your belly is huge!
yaks, ur tum-tum s ginormouz!
Naku, umalis nga kayo sa tabi ko. Hmp, istorbo!
Hey, get out of sight! Hmp, what a nuisance!
o git outamasight, storybuk!
Monday, October 4, 2010
Animal Day!
Aba siyempre, eto na ako handang-handa!
And of course, I am ready!
Saan ba tayo pupunta, Luchie?
Where are we going, Luchie?
Sa simbahan?
In church?
Eh Lunes kaya ngayon!
But it's Monday today!
May misa ba kapag Lunes? Di ba tuwing Linggo lang yun?
Is there a mass on a Monday? But it's only every Sunday, isn't it?
Ha? May blessings daw at libreng bakuna sa lahat ng bakulaw, ay este, sa lahat ng mga doggies at kets sa simbahan ngayon. Naku, si Sweepy na lang yan, Luchie! Gusto kong maligo ngayon! Sabi ni Lui maliligo daw kami ngayon. Nasaan na ba si Lui?
What? There is a blessing and free vaccination for every beasts, er, for all dogs and cats in church today. Oh, just bring Sweepy, Luchie! I want to take a bath today! Lui said we will take a bath today. But where is Lui?
Nakup, ayun si Lui. Nagmamadaling umalis kasi manonood daw siya ng blessings at bakuna sa simbahan. Gusto raw niya kunan ng pictures. Aba, naloka naman si Luchie! Eh bakit hindi raw niya isama kami ni Sweepy? Sabi ni Lui abala lang daw at hindi niya kami kayang dalhin! Hintayin na lang daw namin ang bakuna sa lugar namin.
Lui was hurrying to leave because she wanted to watch the blessings and vaccination in church and take pictures. But Luchie wanted Lui to bring us. And Lui thinks she can not manage to bring us and to just wait for our shots in our place!
Aba, hindi puede iyan kay Luchie! Kaya imbes na papasok sa opisina si Luchie, ayun, nagmamadaling isama kami ni Sweepy! Naloka si Lui! Naku, medyo OC iyan si Lui. Gusto niya maayos ang schedule. Kesyo dapat naghanda raw ng maaga. Kesyo hindi pa raw kami naligo. Aba kada linggo ang ligo namin. At balak ni Lui paliguan kami pagbalik niya sa simbahan! Kaya kung babakunahan daw kami hindi kami puede maligo ng isang linggo! Pero hindi papayag si Luchie na hindi kami makapunta kesyo sayang daw ang libreng bakuna, kaya ang dalawang bruha nagtatalo kung paano dadalhin kami ni Sweepy!
But Luchie won't allow that to happen! So, instead of going to her office, Luchie decided to bring me and Sweepy! Lui went crazy because Lui is kindda OC. Lui said if that was the plan we should have prepared early and we have not taken our weekly bath yet. Lui planned on giving us a bath when she gets back from church. So if we're going to have our shots, that means we can not take a bath for a week! But Luchie wanted to take advantage of the free shots so she argued with Lui on how to bring me and Sweepy!
Siyempre, hindi kami puedeng dalhin ng sabay, kaya si Sweepy daw muna tapos babalik sila para sa akin. At siyempre, alam ko naman na hindi mangyayari iyon kasi tatagal sila doon sa dami ng magpapabakuna kasi libre kaya yun! Sigurado akong hindi na nila ako kakayanin dalhin mamaya, kaya wait na lang muna . . .
Since they can not bring us together, they decided to bring Sweepy first and they will return for me. But of course I knew that will not happen because they will have a long waiting time there with everybody wanting a free vaccination. So I'm sure they will not be able to bring me later but I'll just wait and see . . .
Ang Tanong:
The Questions:
1. Bakit hindi kaya nila Luchie dalhin kami ni Sweepy ng sabay?
1. Why can't they bring Sweepy and me together?
2. Bakit kailangan basbasan ang mga hayop pag Animal Day? Ano nga ba ang Animal Day?
2. Why are animals blessed on Animal Day? And what is Animal Day?
Ang Sagot:
The Answers:
1. Mabigat kami ni Sweepy kaya kailangan dalawang tao para bantayan ang isa sa amin. Hindi rin kami sanay makihalubilo sa ibang hayop at tao sa labas ng bahay kaya dapat todo bantay kapag ilalabas kami.
1. We are both heavy dogs and not sociable outside of our house which require two people to handle one of us on leash.
2. Aba, malay ko! Ang alam ko dapat araw-araw Animal Day! Araw-araw espesyal para sa mga hayop at kaibigan nilang tao!
2. I don't know! What I know is that Animal Day should be held everyday! And every day should be a special occasion for animals and their human friends!
At iyan naman ang nangyayari sa bahay namin. At iyan din ang rason kung bakit hindi ko talaga gusto lumabas ng bahay. Maiinis lang ako kapag nakakakita ako ng hayop na sinasaktan o pinapabayaan sa labas. Dito na lang ako sa loob ng bahay, safe pa. Nasaan na kaya sila? Naku, baka mausog na naman si Sweepy ah!
And that is what happens in our house. And that is the reason I have no need to go out of the house. I will only get irritated when I see abused or neglected animals outside. I'd rather stay home and be safe. I wonder where they are now? And I hope people will not fuss over Sweepy again!
Translated to english by Quark
Subscribe to:
Posts (Atom)