Monday, October 4, 2010

Animal Day!


Aba siyempre, eto na ako handang-handa!
And of course, I am ready!

Saan ba tayo pupunta, Luchie?
Where are we going, Luchie?

Sa simbahan?
In church?

Eh Lunes kaya ngayon!
But it's Monday today!

May misa ba kapag Lunes? Di ba tuwing Linggo lang yun?
Is there a mass on a Monday? But it's only every Sunday, isn't it?

Ha? May blessings daw at libreng bakuna sa lahat ng bakulaw, ay este, sa lahat ng mga doggies at kets sa simbahan ngayon. Naku, si Sweepy na lang yan, Luchie! Gusto kong maligo ngayon! Sabi ni Lui maliligo daw kami ngayon. Nasaan na ba si Lui?
What? There is a blessing and free vaccination for every beasts, er, for all dogs and cats in church today. Oh, just bring Sweepy, Luchie! I want to take a bath today! Lui said we will take a bath today. But where is Lui?

Nakup, ayun si Lui. Nagmamadaling umalis kasi manonood daw siya ng blessings at bakuna sa simbahan. Gusto raw niya kunan ng pictures. Aba, naloka naman si Luchie! Eh bakit hindi raw niya isama kami ni Sweepy? Sabi ni Lui abala lang daw at hindi niya kami kayang dalhin! Hintayin na lang daw namin ang bakuna sa lugar namin.
Lui was hurrying to leave because she wanted to watch the blessings and vaccination in church and take pictures. But Luchie wanted Lui to bring us. And Lui thinks she can not manage to bring us and to just wait for our shots in our place!

Aba, hindi puede iyan kay Luchie! Kaya imbes na papasok sa opisina si Luchie, ayun, nagmamadaling isama kami ni Sweepy! Naloka si Lui! Naku, medyo OC iyan si Lui. Gusto niya maayos ang schedule. Kesyo dapat naghanda raw ng maaga. Kesyo hindi pa raw kami naligo. Aba kada linggo ang ligo namin. At balak ni Lui paliguan kami pagbalik niya sa simbahan! Kaya kung babakunahan daw kami hindi kami puede maligo ng isang linggo! Pero hindi papayag si Luchie na hindi kami makapunta kesyo sayang daw ang libreng bakuna, kaya ang dalawang bruha nagtatalo kung paano dadalhin kami ni Sweepy!
But Luchie won't allow that to happen! So, instead of going to her office, Luchie decided to bring me and Sweepy! Lui went crazy because Lui is kindda OC. Lui said if that was the plan we should have prepared early and we have not taken our weekly bath yet. Lui planned on giving us a bath when she gets back from church. So if we're going to have our shots, that means we can not take a bath for a week! But Luchie wanted to take advantage of the free shots so she argued with Lui on how to bring me and Sweepy!

Siyempre, hindi kami puedeng dalhin ng sabay, kaya si Sweepy daw muna tapos babalik sila para sa akin. At siyempre, alam ko naman na hindi mangyayari iyon kasi tatagal sila doon sa dami ng magpapabakuna kasi libre kaya yun! Sigurado akong hindi na nila ako kakayanin dalhin mamaya, kaya wait na lang muna . . .
Since they can not bring us together, they decided to bring Sweepy first and they will return for me. But of course I knew that will not happen because they will have a long waiting time there with everybody wanting a free vaccination. So I'm sure they will not be able to bring me later but I'll just wait and see . . .


Ang Tanong:
The Questions:

1. Bakit hindi kaya nila Luchie dalhin kami ni Sweepy ng sabay?
1. Why can't they bring Sweepy and me together?

2. Bakit kailangan basbasan ang mga hayop pag Animal Day? Ano nga ba ang Animal Day?
2. Why are animals blessed on Animal Day? And what is Animal Day?

Ang Sagot:
The Answers:

1. Mabigat kami ni Sweepy kaya kailangan dalawang tao para bantayan ang isa sa amin. Hindi rin kami sanay makihalubilo sa ibang hayop at tao sa labas ng bahay kaya dapat todo bantay kapag ilalabas kami.
1. We are both heavy dogs and not sociable outside of our house which require two people to handle one of us on leash.

2. Aba, malay ko! Ang alam ko dapat araw-araw Animal Day! Araw-araw espesyal para sa mga hayop at kaibigan nilang tao!
2. I don't know! What I know is that Animal Day should be held everyday! And every day should be a special occasion for animals and their human friends!

At iyan naman ang nangyayari sa bahay namin. At iyan din ang rason kung bakit hindi ko talaga gusto lumabas ng bahay. Maiinis lang ako kapag nakakakita ako ng hayop na sinasaktan o pinapabayaan sa labas. Dito na lang ako sa loob ng bahay, safe pa. Nasaan na kaya sila? Naku, baka mausog na naman si Sweepy ah!
And that is what happens in our house. And that is the reason I have no need to go out of the house. I will only get irritated when I see abused or neglected animals outside. I'd rather stay home and be safe. I wonder where they are now? And I hope people will not fuss over Sweepy again!


Translated to english by Quark