Wednesday, May 26, 2010

Hoy Sumo! Ikaw Ba Iyan?

Hey, is that you Sumo?
Guest Translator: Bebe


Naku, nagtatago ka ba Sumo?
Hey, are you hiding Sumo?


Aba, sino naman ang hindi magtatago? Aba, mantakin mong walang humpay ang inggay ng mga nanalong kandidatong na akala mo bagong taon sa inggay ng kanilang paputok! Hindi ba nila alam na masama sa aming mga hayop ang sobrang lakas na inggay ng paputok? At alam ba nila na sadyang masama sa kapaligiran ang baho at usok na mga iyan? At higit sa lahat, alam ba nila na sadyang mas masama sa mga taong bumoto sa kanila ang inggay, baho, at maling gastusin para lang magsaya at magdiwa ng pagkapanalo? Hoy mahiya nga kayo!
Who wouldn't? Imagine the never-ending ruckus made by these winning political candidates who made it sound like new year's eve fireworks! Don't they know that those loud noise are bad for animals like us? Don't they know that the smell and smoke is also bad for the environment? Don't they know that the noise, smell and careless spending just to celebrate their winnings are just as bad for the people who voted for them? Shame on you!


Ay, kawawa ka naman talaga Sumo!
Oh, you're really pitiful Sumo!


Ay, pati rin ang anak mong si Sweepy! Sus, kawawa naman!
Oh, and also your pup Sweepy! So pitiful to see!

Aba, superdog pa man din! Nagmistulang wala sa sarili!
And a superdog no less! He looked out of sorts!

Pero tama ka Sumo! Bakit hindi mo kaya sugurin ang mga maiingay na pulitikong iyan at pagkakagatin mo kaya ng matauhan at matahimik?
But you're right Sumo! Why don't you confront those noisy politicians and bite them to make them shape up?

Naku, sa tamang panahon. Gagawin ko yan. Asahan mo iyan.
Oh, in due time I'll do that. Mark my bark.

Pero sa ngayon, teka makatago nga sa tabi . . .
But for now, I better hide somewhere . . .

Wednesday, May 19, 2010

Bulaklak Ngayon . . .

. . . o ika nga Today's Flowers . . .


. . . na si Brooke (which is named Brooke)


. . . ay nagpaalam na ng lubos (who finally said goodbye)

Nakup, teka lang. Hindi ako nahawa kay Sweepy at Lui ha. Na sadyang walang ginawa kundi ang magkwento ng walang katapusang nobela ng mga bulaklak sa aming munting jardin. . .
Hey, wait a minute. I did not get affected by Sweepy and Lui who are both talking non-stop about the flowers in our small garden . . .

Sa tutuo lang, hindi ko type ang bantayan ang mga bulaklak sa bahay namin tulad ni Bogart. At ng nawala na si Bogart, aba eh di si Sweepy naman ang nagtutuloy. Aba, hoy, hindi ko kayo pinalaki para magbantay ng bulaklak!
Actually, it is not my type to watch the flowers in our house like Bogart, and since Bogart is gone, Sweepy has taken over the task. Hey, I did not raise you to become flower watchers!

Eh ano naman ang makukuha ko sa mga bulaklak na iyan? Baka hikain lang ako sa mga iyan! Eh, alam mo naman ang mga anak ko na iyan. Kahit tsinelas babantayan nila kapag sinabi ni Lui!
Oh, what will I get from watching those flowers? I will only get asthma! Oh, but my pups will watch anything Lui asked them to, including slippers!

Naku, hindi mo ako mapapabantay ng mga ganyan!
You can't ask me to watch those stuff!


At pakisabi lang sa ilang makulit dyan, na walang ginawa kundi ang bantayan ako! . . .
And please tell that pesky one who's not doing anything but follow me all day! . . .

. . . hoy! Tumabi-tabi ka riyan! Lui, pakisabihan mo naman iyang mga uma-aligid sa akin at baka hindi ako makapag-pigil at makagat ko ng tuluyan!
. . . hey! Get out of my way! Lui, please remind those stalkers who follow me around in case I lose control and bite them!


Lui: Hay naku, Sumo, wag ka nga masungit! Oh, stop being grumpy, Sumo!

Lui: At tingnan mo o! May bago na namang bulaklak si Brooke! Hindi pa siya namamaalam ng tuluyan. And look! There is a new Brooke coming out so it has not stopped flowering!

Aba, siya nga. Bakit ba ang daming bulaklak ngayon?
Hey, you're right. I wonder why there are so many flowers today?

At bakit kahit anong gawin ko, hindi ako bagay tumabi sa mga iyan!
And why is it that whatever I do, I never seem to look right beside them!

Wednesday, May 12, 2010

Bumoto Ka Ba, Sumo?

Did You Vote, Sumo?



Aba, siyempre! (But of course!)
Ako pa!
Palalampasin ko ba naman iyan? (I won't let that event pass)
Aba, solid Noynoy ata ako! (After all, I am for Noynoy!)

Parang hindi mo pa alam na matagal ko rin namang pinag-isipan at pinili ang kandidato ko. At dahil Alpha dog ako, kapag nag-desisyon na ako, aba tuloy tuloy na yan! Pero siyempre, kasi nga aso ako at mukhang mabangis pa, at baka matakot ang mga guro at poll watchers, at baka maipit pa ako sa pcos o kaya madumihan ko ang balota, at kung anu-ano pang chuva, siyempre sina Luchie na lang ang pinaboto ko no!
As if you didn't know how it took me some time to study and choose my candidate. And because I am an Alpha dog, once I decide, I go all the way! But since I am a dog who look wild and might scare the teachers and poll watchers, or my paws might get stuck in the pcos machine or mess up my ballot and all that fuss, so I just let Luchie vote for me!

At yang daliring may indelible ink ang patunay na binoto ni Luchie ang idol kong si Noynoy! At dahil computer na ang gamit, tiyak pag gising ko bukas, lalabas na panalo na si Noynoy!
And that finger with indelible ink (picture above) proves that Luchie voted for my idol Noynoy! And since they use computers now, for sure when I wake up tomorrow, they will declare Noynoy a winner!

At para kay Lui na sadyang makulit at binoto ang talunan niyang kandidato na si Perlas, aba eh di mamundok ka na ngayon at magtanim ng gulay at linisan ang kalikasan kasama ng kandidato mo! Naku, saksakan ng kulit talaga ang isang iyan!
As for Lui who voted for her losing candidate Perlas, I say you go to the mountains now and plant vegetables and clean the environment together with your candidate! Ah, that woman is truly hard-headed!

Pero, joke lang yon, Lui! But that's just a joke, Lui!
Wag ka pupunta sa bundok na hindi ako kasama ha? At wag mo naman isiping dalhin kami sa bundok kasi sa tutuo lang, di ko type dun! Malamok dun at mainit kaya. Aba sa laki kong ito baka ma-heat-stroke ako tulad ni Bogart! SusSumalangitNawa!
And don't go to the mountains without me! And don't think of bringing us to the mountains either because in truth I don't like to go there. There are mosquitoes and its hot there. With my size I will surely have heat stroke there like what happened to Bogart! HeavenHelpUs!

At saka kung aalis ka, sino naman ang mag-aalaga sa amin? Mabuti pa pasusulatan ko na lang si Sweepy kay Noynoy para isali si Perlas sa kabinete nya.
And if you leave, who will take care of us? I better ask Sweepy to write Noynoy to include your candidate Perlas into Noynoy's cabinet.

Siyempre gusto ko, happy ka! Teka, parang narinig ko na iyan sa kampanya ah! At kung ako ang tatanungin ang sagot ko dyan, "mas happy ako sir kung mag-re-retire ka na!"
Of course I want you to be happy! Wait, I heard somebody use that during for a campaign spiel. And if you ask me my response to that is "I will be happy, Sir, if you will retire!"

Hmp, maktulog na nga. Panalo na naman ako eh . . .
Hmp, I better take a nap after all I already won . . .


NOTE: I translated myself. I am still looking for Bogart's replacement as translator. If interested please bark out loud to my pup Sweepy. Leave your comments for me in Sweepy's blog as well.

Wednesday, May 5, 2010

Paalam, Charlie (Goodbye, Charlie)



Minsan . . . . Sometimes
hindi mo masabi
ang takbo ng panahon . . .
. . . you can not predict the times . . .

Ang huling paghuni ng ibon
nagtatawag na pala
nag-aanyaya na pala
waring sinusundo ka na
para umuwi . . .
The humming of the birds were the last calls inviting you, fetching you, to go home . . .

Pero, saan ka ba uuwi?
Saan nga ba ang daan pauwi?
But where is home? Where is the road that will lead you there?

Ang tunay mong bahay
ang tunay mong daan
ay doon sa makulay na kalangitan
na kung saan naroon
ang mga nagmamahal sa iyo.
Your real home, the real path, is in the colorful heavens where your loved ones are . . .

Na kung saan
maaari mong iwanan
lahat ng sakit at hirap
sa labas ng pintuan.
. . . it is where you can leave all the pain and sufferings outside the door . . .

Umuwi ka na, Charlie.
Nariyan na rin ang mga mahal ko.
Sasamahan ka nila
hanggang sa kung saan
magkikita rin tayong tuluyan . . .
You are home now, Charlie. My loved ones are there too. They will keep you company until we meet again . . .


Para kay Charlie, for Charlie: 2007 - 2010

Please leave your comments with my pup Sweepy.