Wednesday, May 5, 2010

Paalam, Charlie (Goodbye, Charlie)



Minsan . . . . Sometimes
hindi mo masabi
ang takbo ng panahon . . .
. . . you can not predict the times . . .

Ang huling paghuni ng ibon
nagtatawag na pala
nag-aanyaya na pala
waring sinusundo ka na
para umuwi . . .
The humming of the birds were the last calls inviting you, fetching you, to go home . . .

Pero, saan ka ba uuwi?
Saan nga ba ang daan pauwi?
But where is home? Where is the road that will lead you there?

Ang tunay mong bahay
ang tunay mong daan
ay doon sa makulay na kalangitan
na kung saan naroon
ang mga nagmamahal sa iyo.
Your real home, the real path, is in the colorful heavens where your loved ones are . . .

Na kung saan
maaari mong iwanan
lahat ng sakit at hirap
sa labas ng pintuan.
. . . it is where you can leave all the pain and sufferings outside the door . . .

Umuwi ka na, Charlie.
Nariyan na rin ang mga mahal ko.
Sasamahan ka nila
hanggang sa kung saan
magkikita rin tayong tuluyan . . .
You are home now, Charlie. My loved ones are there too. They will keep you company until we meet again . . .


Para kay Charlie, for Charlie: 2007 - 2010

Please leave your comments with my pup Sweepy.