Monday, November 30, 2009

Nakup! Anong araw na ba?

Oh-oh! What day is it?
Translated by Bogart



Aba, mukhang Pasko na ah!
Hey, it looks like Christmas already!


Patulog-tulog lang ako at ayan may palamuti na! At sa bawat paghikab ko si Sweepy naman nagkakandarapa tapusin ang krismas card namin. Naku, pag minalas ka, aandaran ka ng anak ko na iyan ng kung anu-anong ka-artehan! Pasuotin ba naman ako ng kung anu-ano! Naku, silipin mo na lang sa blog ni Sweepy kung ano at baka maiinis na naman ako . . .
I was busy sleeping and when I looked, there are decorations already! And for every yawn I make, Sweepy is busy finishing our Christmas card. And if you don't watch out, that pup of mine will do a lot of artsy stuff! Imagine making me wear those stuff! Oh, just go and see Sweepy's blog to see what it is before I get pissed off again . . .



Nainis ako nang kahihintay . . .
I got angry waiting . . .


Aba, hindi lang ako no! Aba tingnan ninyo pati ang anak kong si Sweepy at Bogart: naghihintay-to -death din! Nasaan na kaya siya?
And I'm not the only one waiting. Look! Even my pup Sweepy an Bogart were waiting-to-death too! I wonder where she is?



Alam nyo bow . . .
berthdey ni Luchie
at kumain sila sa labas!
Do you know . . .
it is Luchie's birthday
and they ate out!


At bumalik na akala mo wala lang.
And when she returned, she acted as if nothing happened.

Aba, pasayaw-sayaw pa! Hoy, may nakalimutan ka kaya!
And she just went dancing around! Hey, I think you forgot something!


Nasaan na ang cake namin?
Where's our cake?

Yan! Yan ang balita kong pinagbibili ninyo! Nasaan na yan?!?
There! Those were the cakes I heard you bought! Where are they?!?


Aba, dumaan at lumipas ang birthday mo Luchie, ni ha ni ho wala ata akong natikman kahit icing man lang ah!
Hey, your birthday came and passed Luchie, and I did not have a taste even just the icing of that cake!


Hay naku, pag minalas ka talaga!
Maka-kanta na lang . . .
Oh, when your luck runs out! I better sing instead . . .


Hapi, hapi, hapi bertdey . . .
Sa iyo ang inuman
sa iyo ang pulutan . . .
hapi, hapi, hapi bertdey . . .
sana ay mabusog mo kami!!!!!
Happy, happy, happy birthday . . .
drinking is on you
the food is on you too . . .
happy, happy, happy birthday . . .
I hope you'll make us full!!!!!


Tenkyu, tenkyu, ang babarat ninyo, enkyu!
Thank you, thank you, you are all misers, thankyou!

Monday, November 16, 2009

Tahimik Ang Mundo

Quiet Is The World
Engliz by MrLeach


Nakup! Sinasabi ko na nga ba!
Kapag ganyan ang english translation sigurado wala na naman si Bogart! Saan na naman kaya nagpunta ang kumag na iyon? Alam naman niya na dapat lagi siyang nandiyan at baka bigla akong sipagin mag-blog tulad ngayon, tapos madidiskaril pa ang translation. Ay naku, pasensiya na muna!
Oh, I knew it! Wen ya read ma english this way, surely Bogart iz not in. Wer's that bloke? He knows I need ma translator ready anytym I blog. Oh, pleez bear wid me!


O sya.
Tahimik na naman ang mundo.
Tahimik rin akong nagmamasid.
Anyway, de world iz silent. I watch n silence.


Tahimik kasi may laban ni Pacman Pacquiao. Aba, idol ko iyon!
Ez silent becoz ma idol Pacman Pacquiao is havin' boxin!



At lahat nanunuod sa bahay nila o sa kung saan!
En ol iz watchin n da hauz or elzwer!


Naku, pag may laban si Pacman
tigil muna lahat ng biyahe!
Wen Pacman fights, ol flights canceled!

Walang inuman muna!
No drinking anywer!

Walang criminal!
Criminals none.

Walang yosi rin.
Malinis ang hangin.
No smokin en air ez clean.

Lahat nanunuod.
Ol iz watchin.

Kaya wala akong marinig o maasar kaya . . .
Daz y i dont hear or pester any1 . . .





Pero itong linta na ito nang-aasar!
Kapag hindi matino ang salin mo
at matalo si Pacman, yari ka sa akin!
But dz leech is pester me! If u dont make good translatn en Pacman loses, ur dead meat! (yikes, Sumo, no plz!)


Hay naku, ganyan talaga kapag mainit.
Lahat mainit pati ulo mo.
Pati buntot mo pagod sa kapapaypay.
Ang tenga ko baka malupaypay din sa init.
Oh well, daz how it iz.
Ol iz hot even ma head.
Ma tails tired from fanning myself.
En ma ears went pffft from heat.


At kapag hindi ka tumigil, Leach, dudurugin kita parang pizza!
En if u dont watchout, Leach, i'll press u like pizza!
Yikes, babu, pipol!



Hmp, what a day!

Monday, November 9, 2009

Ang Bag na Sako. . .

The Sack Bag
translated by Bogart


Eto ang bag na nilalabas ni Luchie sa kung saan kada linggo. Naku, hindi ka nagkakamali! Sako ng bigas iyan na ginawa nilang bag at feel niyang gamitin sa tuwing mamamalengke. Naku, parang hindi mo naman kilala ang mga tao sa bahay namin na sover (sobra-over) at bonggang-bongga at "in" na "in" sa recycling whatever!
This is the bag that Luchie would take out from somewhere every week. Yes, you are not mistaken! It is a rice sack made into a bag which she loves to use when she goes to the market. I'm sure you are aware by now how the people in our house are too keen at recycling!


Naku, maski mukhang luma iyan marami nang pagkain ang nalalagay diyan! Kasya lahat, magaan dalhin, madaling linisan, at kapag binitbit ni Luchie iyan sa umaga siguradong lalabas iyan at pupunta sa palengke!
Oh, even if it looks worn, that bag was able to carry a lot of foodstuff! It fits everything, it is handy, easy to clean and when Luchie starts clutching those folded bags in the morning, I am sure she will go out and head for the market!




Naku, Luchie, bili mo ko ha!
Hey Luchie, buy me something!




Eh, ano ba ang gusto mong bilhin ko para sa iyo?
But what is it you want me to buy for you?


Aba, kahit na ano! Alam mo naman ang paborito ko. Lahat naman nang niluluto mo paborito ko! Uwi ka agad ha!
Oh anything! You know what I like. And anything you cook for me is my favorite! Hurry home!


Naku, matagalang hintayan ito. Sana hindi siya mawala at maantala sa kung saan-saan!
Oh, this will be a long wait. I hope she does not get lost or get sidetracked somewhere!


Naku, eto naman si Loyd o! Aba mistulang aalis din!
Oh-oh, here comes Loyd who seems to be leaving too!

Aba, ang loka! Hindi man lang nagpa-alam!
Look at that crazy woman leave without a word!



Naku, kung may mangyari sa inyo sa labas at hindi man lang kayo nagsasabi kung saan kayo pupunta! Alam nyo ba kung gaano ako na-stressed out sa tuwing umaalis kayo?? Eto't pumuputi na ang buhok ko, no!
Oh, if anything happens to you outside and you don't even say where you are going! You know how I get stressed out every time you leave??? Look, my hairs are turning white with worry!


At eto na ang gas boy at walang tao dito!
And here comes the gas delivery boy and there's no one home!

Eh, magkano na ba ang gas mo??? P650!!! Hoy, hindi ko binibili ang buhay mo no! Aba, kung ganyan kamahal ang gas mo, hindi na kami magluluto no!
And how much is your gas tank now??? P650!!! (Note: P47 to $1) Hey, I am not buying your life! If you sell your gas that high, we will not cook anymore!


Naku, na-imbiyerna na naman ako! Teka, maka-alis nga!
Ohh, I got stressed out again! I better leave now!




Naku, pasintabi muna sa mga tao diyan.
Meron lang akong gagawin pampa-alis ng inis.
Huwag kayong tumingin kung ayaw nyo ha.
Sandali lang ito. . .
Oh, please excuse me people.
I have to do something to relieve my stress.
Don't look if you don't want to.
This won't take long. . .




Ahhh, salamat!
Nakaraos din!
Ahhh, thanks a lot!
I felt relieved at last!


Ay, buhay na ulit ako!
Oh, I'm alive again!




Handa na ulit akong maghintay sa mga umalis . . . lalong-lalo na sa pagbalik ng mga sakong iyon na siguradong puno ng katakam-takam na pagkain para sa akin!
I am now ready to wait for those who left . . . most especially for the return of those sack bags which I am sure will be filled with mouth-watering food for me!

Monday, November 2, 2009

Todos Los Santos . . . Por Favor!

All Saints Day translated by Aswang Awooo!



Kahapon iyon. That was yesterday. Awoooo.
Ang araw ng mga santo. All Saints day. Awooo.
Ang araw na ginugunita ang mga santo.
The day the people remember the saints. Awooo.


Ngayon ang ginugunita ay araw ng . . . .kaluluwa. Agagay!
But today is the day they remember . . . the souls. Awoooo!

Naku, amoy kandila tuloy ang paligid!
The place smells of candle.

Sabi ni Lui "feel daw nila mag-light ng candle para magsilbing daan sa mga kaluluwa ng mga mahal nila na pumanaw na." Ang kandila daw ay magsisilbing ilaw sa mga kaluluwa na gustong dumalaw sa lupa. Inay na mahabagin! Nakup, ask ko lang: papaano nyo ba malalaman na kaluluwa ng mga mahal ninyo sa buhay ang mga iyan? Aba, amoy bangkay kaya!
Lui said that they light candles to light the way for their departed loved ones who might wish to visit them. MamaMia! I wonder: how will you know that those souls are those of your loved ones? They smell like a corpse!


At bago ang mga araw ng santo at kaluluwa ay araw ng mga . . . sinto-sinto!
And before all saints and souls days, is the day for . . . mad people!


Eto tingnan mo si Luchie! Look at Luchie!


Naku Luchie, parang makapal ang lipistik mo kaya!
Hey, I think your lipstick is too thick, Luchie!


At eto naman si Lui. And here's Lui.

Naku, bagay sa iyo Lui. Para ka lang natutulog!
Hey, it really fits you Lui! You look like you are just sleeping!


Hay naku, tigilan na nga ninyo ako ng kakurnihan ninyo! Kahit sabihin mo pang pang-indie film iyan, naku hindi uubra ang pakulo ninyo. Pag na-inis ako ipamumulto ko kayo sa asawa kong si Pica na yumao na!
Will you stop with all these madness! Even if you tell me that it's like an indie-film effect I am not impressed. Don't push me or I'll ask my departed mate Pica to haunt you!


Ay naku, mga maskara iyan ng mga anak kong si Bogart at Sweepy. Eh tingnan naman ninyo ang dalawa kong anak, mistulang nakakita ng multo sa takot!
These are the masks of my pups Bogart and Sweepy. But look at them hide as if they have seen a ghost!

Hoy, nasa likod ninyo! Awoooooo!
Hey, its behind you! Awooooo!


Naku, mag-ingat ka sa mga iyan Lui. Huwag mong takutin iyan at pag nagulat iyan - . . . Don't scare my pups Lui because they might . . .


Ayan! Sumemplang tuloy ang lola ko. Sinasabi ko na nga ba! Nasagasaan tuloy ng humahagibis na mga anak kong takot. Iyan ang napapala ng mga taong makulit!
There! My old lady fell! I told you! Lui got hit by the scared and scampering pups of mine. That's what you get for teasing!


Ewan ko nga ba kung bakit puro katatakutan at katatawanan ang nangyayari sa mga panahon na ito. Marahil diyan na lang dinadaan ng mga tao ang hinagpis ng buhay pagkatapos ng unos ng bagyo. Sadyang nabaliw na ata ang mga tao sa sakit na dinaranas ng sunod-sunod na dalubyo!
I'm not sure why the events lately became frightening and laughable. Maybe, that's how the people chose to release their recent frightening experience of the storm. Maybe they've gone mad from the pain of having one disaster after another!


Naku, makapahinga na nga at baka mahawa pa ako sa mga ito.
Oh, I better take a rest if I don't want to be like them.


Sandali lang . . .
parang may nakasilip sa salamin . . .
parang . . . .
Wait a minute . . .
there's something peeping from the mirror . . .
something like . . .




YIKES!!! Awooooooo!

Ay sus, ako pala iyon!
Natakot ako sa mukha ko.
Bakit kaya eh ang gwapo ko naman kaya!
Geez, that's me! I got scared of my reflection!
I wonder why when I have such a handsome face!


O sya, silipin mo ang katabi mo
at baka kung sinu-sino na iyan! Awooooo!
Anyway, keep looking beside you.
You'll never know who might be there. Awwoooo!


Teka, sandali lang. Sino nga pala ang nag-ta-translate dito eh wala naman akong translator? Yikes! Takbo, Manoy!
Wait a minute. Who is doing the translation here when I don't have a translator now? Yikes! Run, Manoy!