Monday, November 2, 2009

Todos Los Santos . . . Por Favor!

All Saints Day translated by Aswang Awooo!



Kahapon iyon. That was yesterday. Awoooo.
Ang araw ng mga santo. All Saints day. Awooo.
Ang araw na ginugunita ang mga santo.
The day the people remember the saints. Awooo.


Ngayon ang ginugunita ay araw ng . . . .kaluluwa. Agagay!
But today is the day they remember . . . the souls. Awoooo!

Naku, amoy kandila tuloy ang paligid!
The place smells of candle.

Sabi ni Lui "feel daw nila mag-light ng candle para magsilbing daan sa mga kaluluwa ng mga mahal nila na pumanaw na." Ang kandila daw ay magsisilbing ilaw sa mga kaluluwa na gustong dumalaw sa lupa. Inay na mahabagin! Nakup, ask ko lang: papaano nyo ba malalaman na kaluluwa ng mga mahal ninyo sa buhay ang mga iyan? Aba, amoy bangkay kaya!
Lui said that they light candles to light the way for their departed loved ones who might wish to visit them. MamaMia! I wonder: how will you know that those souls are those of your loved ones? They smell like a corpse!


At bago ang mga araw ng santo at kaluluwa ay araw ng mga . . . sinto-sinto!
And before all saints and souls days, is the day for . . . mad people!


Eto tingnan mo si Luchie! Look at Luchie!


Naku Luchie, parang makapal ang lipistik mo kaya!
Hey, I think your lipstick is too thick, Luchie!


At eto naman si Lui. And here's Lui.

Naku, bagay sa iyo Lui. Para ka lang natutulog!
Hey, it really fits you Lui! You look like you are just sleeping!


Hay naku, tigilan na nga ninyo ako ng kakurnihan ninyo! Kahit sabihin mo pang pang-indie film iyan, naku hindi uubra ang pakulo ninyo. Pag na-inis ako ipamumulto ko kayo sa asawa kong si Pica na yumao na!
Will you stop with all these madness! Even if you tell me that it's like an indie-film effect I am not impressed. Don't push me or I'll ask my departed mate Pica to haunt you!


Ay naku, mga maskara iyan ng mga anak kong si Bogart at Sweepy. Eh tingnan naman ninyo ang dalawa kong anak, mistulang nakakita ng multo sa takot!
These are the masks of my pups Bogart and Sweepy. But look at them hide as if they have seen a ghost!

Hoy, nasa likod ninyo! Awoooooo!
Hey, its behind you! Awooooo!


Naku, mag-ingat ka sa mga iyan Lui. Huwag mong takutin iyan at pag nagulat iyan - . . . Don't scare my pups Lui because they might . . .


Ayan! Sumemplang tuloy ang lola ko. Sinasabi ko na nga ba! Nasagasaan tuloy ng humahagibis na mga anak kong takot. Iyan ang napapala ng mga taong makulit!
There! My old lady fell! I told you! Lui got hit by the scared and scampering pups of mine. That's what you get for teasing!


Ewan ko nga ba kung bakit puro katatakutan at katatawanan ang nangyayari sa mga panahon na ito. Marahil diyan na lang dinadaan ng mga tao ang hinagpis ng buhay pagkatapos ng unos ng bagyo. Sadyang nabaliw na ata ang mga tao sa sakit na dinaranas ng sunod-sunod na dalubyo!
I'm not sure why the events lately became frightening and laughable. Maybe, that's how the people chose to release their recent frightening experience of the storm. Maybe they've gone mad from the pain of having one disaster after another!


Naku, makapahinga na nga at baka mahawa pa ako sa mga ito.
Oh, I better take a rest if I don't want to be like them.


Sandali lang . . .
parang may nakasilip sa salamin . . .
parang . . . .
Wait a minute . . .
there's something peeping from the mirror . . .
something like . . .




YIKES!!! Awooooooo!

Ay sus, ako pala iyon!
Natakot ako sa mukha ko.
Bakit kaya eh ang gwapo ko naman kaya!
Geez, that's me! I got scared of my reflection!
I wonder why when I have such a handsome face!


O sya, silipin mo ang katabi mo
at baka kung sinu-sino na iyan! Awooooo!
Anyway, keep looking beside you.
You'll never know who might be there. Awwoooo!


Teka, sandali lang. Sino nga pala ang nag-ta-translate dito eh wala naman akong translator? Yikes! Takbo, Manoy!
Wait a minute. Who is doing the translation here when I don't have a translator now? Yikes! Run, Manoy!