Monday, June 29, 2009

Hindi Ako Mukhasim, hoy!

Hey, I am not sourfaced!
English translation by Bogart





Mukha bang mukhasim yan?
Does that look like a sour faced?


Aba, gusto ba naman ako isali sa mukhasim festival
e saksakan naman ng gwapo ko para dun no!
Imagine trying to enter me in the sour faced festival
when I am too handsome for that!


O tingnan naman ninyo ito!
And look at this!



Aba pang starring role sa pelikula yang tayo na yan!
Astig di ba?
That stance is for a starring role in a movie!
Isn't that cool?


Aba hindi sa akin ang shirt na yan. Sa anak kong si Sweepy yan na saksakan ng arte kaya. Feel niya star siya lagi. O tingnan mo naman . . .
That shirt is not mine. It belongs to my pup Sweepy who is quite frivolous. He thinks he's always a star. Look at him . . .


Kagatin ko kaya!
I should bite him!



At sa wakas! Napansin nyo ba? Nakabalik na rin ang tunay kong translator na si Bogart! Nakakaimberya kasi iyong mga guest interpreters ko. Waring nanghahanap ng away ata! O kagat ko kaya?
And at last! Did you noticed? My real translator Bogart is back! I'm quite pissed with my other guest interpreters. Looks like they are looking for a fight! Or a bite from me?


Iyang anak kong si Bogart kasi may pagkatamad. Sover (sobra+over) laki kasi kaya medyo ayaw magkikilos. At iyan ang napapala kapag sover laki ka!
That pup of mine Bogart is quite lazy. He's sover (sobra+over) big that's why he hates moving around. And that's what you get if you are too big!


Teka, masilip nga kung ano na naman ang pinagkakain ng mga kumag na ito habang natutulog ako. Sigurado akong nagkakakain na naman ng kung anu-ano habang wala ako.
Wait, I have to check what these jerks have been eating while I was asleep. I'm sure they've been eating while I was out.


O wag mo na akong hintayin.
Magmumukha kang mukhasim sa kahihintay!
Mwahaha!
And don't wait for me either.
You'll only look like a sourfaced while waiting!

Note: doggy laughter.



Tuesday, June 23, 2009

Ako Ang Hari sa Heaven!

I Am The King in Heaven!
English Translation by MrLeach



Ako ang Hari
i am de king.




. . . sa malapalasyong bahay namin
na tinawag na Heaven . . .
. . . in our castle-like house named heaven.



Ako ang Alpha
i am de alpha


ang lider ng tropang Heaven!
de lider of team heaven!



Ako rin ang tinaguriang Sindak
i am also called de Shock



Ang Mabangis
Ang Masungit
Ang . . .
de Wild. de Grumpy
de . . .



At malambot din
sa yakap ng aking Princesa!
en im soft too in de arms of my princess!




Ahahay, Lui!
Nasaan ba ang interpreter ko?
Pag tinamaan ka ng suwerte
siguradong pati ang linta na iyan
makikisali sa istorya ko!
Nakakadiskaril kaya!

oh lui! wers my interpreter? if ur lucky even dat leech will surely take part in ma story! too off!



hapifadersdaypopsy! - MrLeach

Thursday, June 11, 2009

Ang Avocado . . . bow.

Naku, pasensya na.
Wala akong english translator!
Kasalukuyang tinatamad si Bogart.
So medyo taglish muna tayo today.
Feeling text lingo rin kaya para kewl.
Gets mo ba, Mwenzy?


Okey, dis s r avocado:





F u wait 3 days, it is gud 2 b eaten:





De pipol wil slice it open . . .





and scoop de avocado meat . . .





et voila!
mahabagingTsibugan! (holy chow!)



Hoy, mamatay kayo sa cholesterol!
Hey, you will die from the cholesterol!



Ahahay, avocado namin.
Sumalangit nawa . . .


Babu!



PeeEss
aka P.S.
o Pahabol Sabi

. . . puede rin:
Pahabol Satsat.


Tandaan: Bawal ang Avocado sa Aso!
Reminder: Avocados are bad for Dogs!




Hmp, makaalis na nga. Gotta go.

Ang Award . . . bow!



Salamat mga kapamilya at kapuso, ahem. Thanks to my family and my whatever! Ibinigay ito nila Jacks, Narra, Tuchuck at Rousseau, mga Pinoy dogs sa Tate! This was given by Jacks, Narra, Tuchuck and Rousseau, Pinoy dogs in the USA! Arrrroooo din!




Aba, tulad ko, gwapo din, di ba?
They are handsome like me.


Naku, pasensiya na kasi hindi ko talaga feel mag-translate at mag-link sa kung saan saan. Naku, baka magaya ako kay Sweepy na nawalan ng blog sa kaka-link niya sa kung sino sino.
Sorry but I really don't feel like translating or link to anybody. I might be like Sweepy who lost his blog because he kept linking to everybody.


Wala rin ang mga translator kaya pasensyahan nyo na kung mali mali ito. Pero, sige try ko lang itong Tagged game.
My translator is also not available so please bear with all the mistakes. But, I will try to do this Tagged game.


Eto ang rules ng Award na ito:
These are the rules of the Award:



1. The person who tagged you?
U mean de Dog hu tagd me? Awoooo!

Jacks, Narra, Tuchuck at Rousseau.



2. The site title and URL?

http://luckyskies.blogspot.com/



3. Date you were tagged?

June 9, 2009



4. Persons you tag?

Naku gusto ko sana i-tag mga ka-berks ko pero kasi puro secret society ang mga kumag kaya wag na lang. Siguro tag ko na lang ang mga doggy frends ko:

Charlie
Aki and Poopie
Trudis, Happy, AnimalDoctor atbp

. . . siyempre, mga anak ko:

Sweepy
Bogart


. . . at si Mwenzy na nakatira sa bahay ni
Ignacio



O ayan, sobra sa seven yan!
Mabuhay lahat ng Pinoy dog!
Bow-wow-wow.
bow.


Friday, June 5, 2009

Pinoy Almusal!

Pinoy Breakfast
English translation by Bogart




Ang Pandesal!
Naku, hindi ka Pinoy kung hindi mo alam ito!
The Pandesal*! (*Filipino bread bun)
You are not a Filipino if you do not know this!


At dito ginagawa ang Pandesal ko.
At hindi sa dekuryenteng oven
niluluto ang paborito kong pandesal. . .
And this is where they cook my Pandesal.
My favorite pandesal is not cooked in an electric oven.



Sa malapalasyong pugon na iyan
na ginagamitan ng kahoy
at niluluto halos araw-araw
siguradong walang mintis
ang sarap ng tunay na pandesal!
In a castle-like kiln like that
that uses firewood
and baked everyday
guarantees a delicious pandesal!



Naku, pahingi naman!
Please give me some!




Kahit na konti
at kahit na piraso lang
hindi ko uurungan iyan!
I don't mind getting just a small piece!




Ay, nasobrahan na naman ako!
I think I had too much!



Ang Pandesal.
Bow.


Bow-wow-wow.