Wednesday, April 29, 2009

Wordless Wednesday. . .daw.










. . .o sya.
wordless nga.

Thursday, April 23, 2009

Umaraw at Umulan . . .

Sunny and Rainy
Translation by Bogart





Matindi ang sikat ng araw sa umaga. Matindi rin ang buhos ng ulan sa maghapon. Mistulang nag-aaway na hangin at init. Hindi ko tuloy malaman kung gusto ko ito. Kasi masarap matulog tuwing umuulan sa hapon. Pero sino ba naman ang makakatulog sa ingay ng kulog?
The sun's heat is harsh in the morning. So is the heavy downpour in the afternoon. It's as if the air and the heat is fighting. Now I do not know if I like this. Because I love taking a nap when it rains in the afternoon. But who can sleep with the noise of the thunder?

Iyan ang dala ng init at lamig. Mistulang nahilong ewan. Hindi mo mawari kung nasira ang takbo ng panahon. Marahil sira na nga ang panahon. Hindi na nito malaman kung aaraw siya o hindi. Hindi ko rin malaman kung araw na o madilim.
That's what the heat and the cold can bring. Like some dizzy something. You do not know if the weather got broken. Maybe it is broken. The weather does not know anymore if it should be sunny or not. I also do not know if it is daytime or nighttime.


Nakauwi na si Luchie galing sa bakasyon niya sa Palawan. Sinilip ko kung ano ang dala niyang pasalubong na puede kong tsibugin:
Luchie got back from her vacation in Palawan and I took a peek at what she brought home which I can possibly eat:



Danggit? Dried Fish?
Pass.


Kasuy? Cashew Nut? Pass.


Ube balls, bead chokers, rainstick . . .hmmmm wala ata akong ma-e-enjoy sa pasalubong ni Luchie! Wala naman akong makain sa mga dala niya. Binigyan niya ako ng hopia na paborito ko. Ok, puede na. Anyway, mukha namang nag-enjoy naman si Luchie sa bakasyon niya.
Ube balls, bead chokers, rainstick . . . hmmmm, I don't think I will enjoy any of things Luchie brought home! I don't have anything that I can eat there. She gave me hopia which is my favorite. Ok, that will do. Anyway, Luchie enjoyed her vacation.



Naku, usong-uso sa mga Pinoy ang pasalubong. Sa tuwing umaalis sila dapat may bibilhin silang pasalubong para sa lahat . . . pati sa kapitbahay! Sus, mamumulubi ka talaga niyan!
It is a fad for Pilipinos to bring home something (pasalubong) every time they travel. They make sure to buy something for everybody . . .including for their neighbors! Geez, you will really go broke with that!


Si Lui walang pakialam sa pasalubong. Kadalasan kasi ang biyahe niya dala ng trabaho niya. Sa tuwing umaalis iyan para mag-research o kung anuman, bihira iyan bumibili ng kung anu-ano para ipasalubong. Mas gugustuhin pa niyang gumastos para sa kakainin niya. Gusto niyang tikman ang mga pagkain sa mga lugar na napupuntahan niya.
Lui does not care about pasalubongs. Most of her travels are related to her work. Every time she travels to do research or whatever, she rarely buy things to bring home to people. She would rather spend her money dining because she wanted to taste the food in the places that she would visit.


Pero 'wag ka. Lagi siyang may pasalubong sa amin ng anak ko. Lagi niya kaming binibilhan ng treats! Kaya nga kapag wala siya tulad ngayon hinahanap siya ng mga anak kong si Sweepy at Bogart.
But that is not always so. She would always buy something for me and my pups. That is why when she is not around, like now, my pups Sweepy and Bogart would look around for her.



Kapag narinig ko ang parating na ulan agad kong tinatawag ang mga anak ko. Sigurado kasi akong kapag uulan sa mainit na panahon, nariyan rin ang kidlat at kulog na siyang kakatakutan namin ng mga anak ko!
When I hear the approaching rain, I immediately call my pups. I am sure that when it rains during a hot day, thunderbolts and lightning might follow which will be frightening for us!

Sunday, April 19, 2009

Sa Maniwala Kayo o Hindi!

Whether You Believe It Or Not!
Translated by Bogart



O tingnan naman ninyo iyan!
Hoy Luchie! Kita na ang tumbong mo!
Oh, look at that! Hey Luchie! Your butt is showing!




At eto pa ang isa.
Hoy Lui! Kita na ang langit diyan!
Sus, mahiya naman kayo!
And here's another one. Hey Lui, I can see heaven there! Geez, shame on you!


Ewan ko ba naman pero hindi naman matataba ang mga taong ito pero dahil sa sikip at mababa ang mga pantalon nila, halos makita na ang kanilang kaluluwa sa tuwing tumutuwad sila. Mahabaging hangin!
I can't understand it because these people are not exactly fat but because their pants are tight and low, you can practically see their soul every time they bend. Holy smoke!




Naku, masyado ka namang masungit Sumo!
sabi ni Lui and Luchie.
Hey, you're too grumpy Sumo! said Lui and Luchie.


Aba, hindi naman hoy! Sadyang namamansin lang naman sa paligid. Minsan kasi nagugulat ako sa mga nakikita ko. Lalo na sa mga bagay na walang saysay. Aba ano ang akala ninyo, na porke aso ako di ko nakikita ang mga ito?
Hey, not really! I'm just watching the surroundings. Sometimes I get shocked with what I see. Especially things that don't make sense. And you think that just because I am a dog I don't notice these things?


At eto pa ang isa.
Sus, sadyang katakataka!
And here's another one. Totally mind-boggling!


Iyan ang cake ng estudyante ni Lui. Mistulang dinaanan ng bagyo! Eh hayaan mo ba naman ang mga bata ang siyang maghiwa ng cake! Kaya ayan parang hinugop ng halimaw! Siyempre, pipiliin ng bata ang parte na siyang masarap sa paningin nila, kaya ayan . . . iyan ang "bungi" cake!
That is the cake of Lui's students. It looks as if a storm passed over it! Imagine allowing kids to cut the cake! So it looks like a monster sucked it! of course kids will choose the parts that they like, so this is the "toothless" cake!


Sus, pansinin ba ang lahat! sabi ni Lui.
Must you notice everything! Lui said.


Aba oo naman! Lalo na kapag may katakamtakam na cake na ganyan at hindi ko man lang nalanghap at natikman!
But of course! Especially when you have a yummy-looking cake like that and I did not even smell or taste it!


Naloka si Lui: Eh, bawal kaya sa aso ang chocolate!
Lui went crazy: But chocolates are bad for dogs!


Kaya nga, Lui.
Kaya nga pinagpapapansin ko ang lahat!
Masarap pero bawal.
Walang saysay pero puede.
Hmp, makaidlip na nga!
That is why, Lui.
That is the reason I notice everything!
I am not allowed to eat yummy foods.
But meaningless things are allowed.
Hmp, I better take a nap!




Saturday, April 11, 2009

Ahahay! Tsibugan Na Naman!



Ahhh, it's eating time again!
translated by Bogart



Siyempre, Semana Santa na kaya bawal kumain ng marami tulad nitong sorbetes. Ewan ko ba naman na kung kelan ka pa ginaganahan tsumibog doon pa bawal gawin ito! Sus, mainit na, fasting pa!

Since it is the Holy Week and eating too much like this ice cream is not allowed. I don't know why it has to coincide at a time when your appetite is strong and you're not allowed to indulge it! The weather is already so hot and now we have to fast too!


Naku, stressed ka! ani ni Luchie.
You're stressed! said Luchie.


Aba tama ka, Luchie!
You're right, Luchie!


At iyang t-shirt mo ay mas lalong tama!
And your t-shirt is just as right!




Sabi ni Luchie exempted daw siya sa fasting kasi senior citizen na daw siya.
Aba, ako kaya? Eh di ba senior dogtizen na rin ako?
Luchie said she is exempted from fasting because she is a senior citizen.
And what about me? Am I not also a senior dogtizen?




Sus! Senior ka rin nga!
Geez! You're senior also!


Kaya't siyempre hindi rin kami kasali sa fasting na iyan!
That's why we are not included in the fasting!


Aba, eh sa apat na flavor ng sorbetes na iyan, sakto lang sa amin ng anak ko!
Well, with four flavors of that ice cream, that is just right for me and my pups!



Eh di ba sabi nila:
As they say:


The family who eats together . . . prays together!


O wag ka nang kumontra!
Semana Santa na eh!
Hey, don't argue anymore
after all it is the Holy Week!


PS: Pahabol lang. Si Lady na na-chika ko ay kasalukuyan ng may kapareha. Ay salamat naman! Hindi ko na yata kayang may kapareha pa ulit.
P.S. Lady, the dog I mentioned last time, is now with a mate. Oh, thanks! I don't think I am ready to have another mate again.

Friday, April 3, 2009

Kahibangan sa Semana Santa!

Holy Week Madness!




Nakup!
Sinasabi ko na nga ba.
Darating ang araw na ilalagay ako
ng mga anak ko sa alanganin.
Dumating na ang araw na iyon.
Ngayon na iyon!
Now na!

Oh, I knew it.
I knew that there will come a time
when my pups will put me
in a compromising situation.
And that day has arrived.
Today is that day!



Aba sukat ba namang ireto ako sa mga kaibigan namin.
Aba't eto nga at nananahimik na ako
at sadyang nag-e-enjoy sa aking pag-iisa
at eto ipinasubo naman ako!
Hoy, sino sa inyo ang nagsabak ng pangalan ko
kay ScoobyDoo's LukinFurLove?

Imagine trying to pair me with one of our friends.
Here I am quietly enjoying my single life
when my pups put me in a compromising situation.
Hey, who put my name in ScoobyDoo's LukinFurLove?



Duh?
Not me, Popsy!
Bogart looked harassed.



Etong si Bogart na sadyang walang pakialam sa mundo
at pawang pagkain lang ang nilalaman ng isip niya
ay siguradong walang kinalaman sa mga ito!

Bogart who does not really care what goes in the world
and whose mind is only concentrating on food
is surely not involved in any of this!



Pero iyung isa na iyan. . .
Iyang isa kong anak sa likod ni Bogart
ay hinala kong may kagagawan ng lahat na ito!
Nakup! Saksakan ng kulit ng Sweepy na iyan.
Siguradong siya ang may kagagawan
ng pagreto sa pangalan ko para kay Lady!

But that other one . . .
My other pup at the back of Bogart
is the one I highly suspect is behind it all!
Sweepy is so pesky that I am sure
he was the one who tried to pair me with Lady!


Aba, wala naman akong reklamo kay Lady
kasi saksakan naman siya ng ganda!
Pero, sa tutuo lang kuntento na ako
sa aking pag-iisa. . . .

I really have nothing against Lady
because she is so beautiful!
But, in all honesty, I am content being alone . . .



Lui, mukha ba akong naghahanap ng kapareha?
Lui, do I look like I'm searching for a mate?



Aba oo naman.
Mukha ka nga naghahanap ng asawa!

Why yes.
You look like you're looking for a mate!



Sus, saksakan ka ring palabiro, Lui!
Nakup wag na nga ninyo akong biruin
at baka totohanin ko ang tukso ninyo!

Oh, you're such a teaser Lui!
Hey don't keep teasing me
for I might be forced to make that happen!




*Translation by Bogart