Saturday, July 30, 2011

Ang Drama Sa Tanghali

An Afternoon Drama
translated by Quark


Eto ang drama ko lately . . .
This is my drama lately . . .

Kung ano man ang pinag-aabalahan ni Luchie sa magdamag, ang kausapin ako ng maayos at lagyan ng kung anu-anong borloloy! At wag mong tanungin si Lui kasi inaaway ako ng husto ng bruhang iyan!
This is what Luchie is concerned all day trying to talk me into wearing some ornaments. And don't ask about Lui who keeps quarreling with me!


At eto ang drama ng taon:
And this is the drama of the year:

Nakup hindi iyan pa-uso ha! Iyan ang napagkasunduan namin ni Luchie ilagay sa 'hot spot' ko. Imbes na magsuot ako ng kung anu-anong sombrero na mukha akong tanga aba hala takpan na lang ng scarf ang kamay kong may sugat para hindi ko nadidiladilaan!
No that is not a new fad! This is my compromised solution with Luchie to cure my hot spot. Instead of wearing a stupid hat to avoid licking my wound, we decided to cover my hot spot with a scarf!


Sus, saksakan kasi ng kati! Ang sarap linisin pero naku, nagagalit si Lui! Pinagsisigawan ako maghapon! Kada kilos ko sinisigawan ako! Kaya't si Luchie ang nagtiyaga kausapin ako.
Oh, it is so itchy! I love to lick and clean it but Lui gets angry! Lui kept shouting at me all day! Every attempt I make to lick my hot spot makes Lui shout at me! Which is why Luchie tries to patiently assure me.

Pasasaan ba at gagaling din yan. Masyadong aburido kasi itong si Lui at natatakot makakita ng sugat baka daw maputol ang paa ko, sus, santabarbaridad!
But it will get healed somewhat. Lui is just too worried and scared of wounds and that I might lose my feet, santabarbaridad!


Kaya't kung makati aba ibaling mo sa iba ang tingin mo. Sus, gagaling din yan. Ang kati lang kaya at ang kulit ni Lui . . .
So when it gets itchy you turn your attention somewhere. Oh it will get healed. But its too itchy and Lui is so grumpy . . .


Ahahay makatulog na lang at lilipas din yan . . .
Ahhhhh, I better take a nap and it will soon pass . . .

Saturday, July 23, 2011

Wala Lang . . .


Eto ang idol nyo.
Here is your idol.


Nagkukuyakuyakoy!
Rocking the time away!


Naghahanap ng something. Eh wala naman kahit anything.
Looking for something. But there's none, not even anything.

Pasasaan ba at darating din ang mga whatever na iyan. . .
It does not take long and soon they will come . . .


At parang kuliglig sa gabi na mistulang non-stop ang kakulitan, aba bubulagain ka rin ng mga bagay na hinihintay mo . . .
And like the crickets at night with their non-stop noise . . . the things that you are waiting for will spring a surprise . . .


At tulad ni Quark na mistulang nag-lamierda nang tuloy sa kung saan mapadpad ang tadhana niya . . . aba, doon din ang tungo ko . . .
And like Quark who seem to have extended his vacation to where his fate leads him . . . mine will also lead me there . . .

Tuesday, July 12, 2011

Usaping Tao


Paborito kong magmatyag sa mga tao lalo na kapag nag-uusap sila.
I love to watch the people especially when they talk.


Maraming haka-haka. Maraming 'akala', maraming pinag-aabalahan na hindi naman importante.
They give out so many suggestions, a lot of 'maybes' and concern themselves with less important issues.


Hoy, wag kang maingay, Sweepy! At wag ka masyadong nakikialam sa mga bagay na hindi mo na-iintindihan!
Ssh, Sweepy! Don't meddle in things you do not understand!


Nakup, eto na si Luchie! Ako naman ang aabalahin niya sa wakas!
Here comes Luchie! She has decided to turn her attention to me at last!


At siyempre, may ilan diyan sa tabi-tabi na sadyang hindi makapaghintay ng oras niya!
And of course there are those who can not seem to wait for their turn!


. . . mistulang nakulam at nawawala sa sarili!
. . . who looks like somebody has put a spell on him or lost his mind!

Haaay! Pasasaan ba naman at darating din ang oras mo, Sweepy!
Ahhh! Your turn will come sooner than you think, Sweepy!


Ay, mag-level up ka na, Sweepy! Huwag kang mag-isip tuta parati!
Oh, you better level up, Sweepy and stop acting like a puppy always!

Pahabol: Wala po si Quark nagbakasyon sa China kaya't ako na rin po nagsalin ng sarili kong kuwento.
PS: Quark went to China on vacation so I translated my own story.