Monday, October 19, 2009

Sumo! Sumo!

Translated by Bogart



Nakup, eto na naman siya!
Oh-oh, here he comes again!


Sumo! Halika!
Come, Sumo!


Sino ka ba?
Who are you?


Ako ang kaibigan mo no!
Di ba kinuwento mo ako sa blog mo?
But I am your friend!
Did you not feature me in your blog?



Ahhh, ang isa sa mga idol kong padyak boys na nagdadala ng pandesal! Naku, pasensiya ka na, medyo tumatanda na po, at medyo kalimutin na din. Kamusta ka na? Ano nga ba pangalan mo? Naku, talagang mana ako kay Lui na hirap itugma ang pangalan at mukha ng tao! Aba, ako hindi lang tao, pati hayop din! Hay, pasensiya na talaga!
Oh, you are one of my "pedal" boy idols who brings us bread! I am truly sorry for being forgetful. I am getting old and forgetful. How are you now? And what's your name again? I am sorry but I think I am like Lui who has a hard time pairing the face to the names of people! Me, I don't only have a hard time with people, I also have a hard time with animal's names and faces too! Oh, please bear with me!


At naku, pasensiya rin kung hindi ako makalapit. Na-train kasi akong maging mahigpit na bantay. Hindi ako basta-basta nakiki-chika sa kung sino sino. Alam mo naman ang lola ko medyo makulit iyon.
And I'm sorry if I can not come close to you. I was trained to be a good watchdog who does not mingle with anybody. You know how my old lady can be.



At saka hindi muna ako bibili ng pandesal ha? Siyempre, kahit masarap iyang pandesal mo, aba nagsasawa rin ako no! Medyo pihikan rin naman ako minsan. Gusto ko iba-iba ang tsibog ko paminsan minsan.
And I will not buy bread now. I'm sure your bread are delicious but I want some variety. I can be picky too at times.


At ang hilig ko for the moment ay: crackers at coco jam at kape! Ahahay!
And my fave snacks for the moment are coco jam on crackers with coffee! Ahhhh!


Ayun naka-abang iyung anak kong si Sweepy doon kanina pa. Amoy pa lang busog ka na! Naku, pero walang suwerte yan! Ayaw kami ni Lui painumin ng kape kasi bawal raw sa amin iyon! At ayaw rin kami pakainin ng crackers kasi baka mabara raw sa lalamunan namin! Ang coco jam naman daw sover tamis. Eh, ano na lang kaya ang kakainin ko!
And my pup Sweepy has been waiting there ever since. The smell itself can make you feel full. But there's no luck there. Lui will not allow us to have coffee because she said it is not good for us! And she won't let us take crackers because it might get stuck in our throats! And no for coco jam too because it is too sweet for us. So what else can I eat?


Sunday, October 11, 2009

Hay! Kodakan na naman!

Ah, it's Kodak time again!
Translated by Bogart




Nakup!
Tingnan mo iyang mukha na iyan!
Oh-oh, look at that face!


Sa tuwing nangkukulit si Lui nang ganyan, nakup asahan mong buong araw na naman akong mai-imbiyerna!
Everytime Lui would pester me like that, expect her to ruin my whole day!



Naku, Sumo hindi!
Oh, but I won't Sumo!

Gusto ko lang mag-kodakan tayo!
I just want to have our picture taken!



O sya!
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Sadyang pinagkakagukuhan ang mga sikat na tulad ko!
Okay, what can I do? When one is famous you really get all the attention!



At iyan ang kodak moments ko.
O baka magtampo ang iba diyan.
Iyan din ang Canon, Pentax, Sony, Minolta, whatever . . . moments ko!
And that's my kodak moment. And in case the other (camera companies) might feel left out, that is also my Canon, Pentax, Sony, Minolta, whatever moments!


Ang mukha ko (my face) . . . is for life!
Awooooooooo!

Sunday, October 4, 2009

Pagkatapos ng Bagyo . . . Labada!

After the Storm . . . Laundry!
Translated by Bogart


Eh ano pa nga ba?
Pagkatapos ng bagyo
aba, sus-santonio-santabarbaridad-
tambak na labada!
Sa pagsikat ng araw
hala, labahan na!
What else is there?
After the storm is a great pile of laundry!
When the sun rises, you start washing!




At kapag ang labahin
ay nabahiran ng isang tambak na putik . . .
And if the laundry is soaked in mud . . .



. . . at mga bagay na di mo mawari
na kahit na isang araw mo na ibabad
at kusutin ng walang talamak
ay saksakan pa rin ng dumi . . .
. . . and filled with unimaginable stain that refused to budge even if you soak and scrub . . .



. . . aba, iisa lang ang katapat niyan!
. . .it needs only one thing!


Iyan!
There!

Yan ang katapat ng damuhong dumi na iyan!
That's what those stains need!

At sus, wag mo na akong tanungin kung ano iyan.
And don't ask me what that stuff is.

Aba, malay ko naman kung ano iyan.
Hindi naman ako labandero no!
Because I don't know what it is.
I am not the laundry man!

Iyan kasi ang ginamit ng labandera namin. At iyan ang nagpaputi ng mga labada na nalubog sa baha noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Aba, hindi biro kaya ang mabaha at hindi biro ang malunod sa putik ang mga damit no!
That is what our laundrywoman used to make the dirty clothes white again. The clothes that were buried in the floods during the onslaught of storm Ondoy. It is not a joke to get flooded and not a joke to have your clothes buried in mud!


Pero dahil magaling ang labandera ko, kahit anong dumi tanggal!
But because I have a great laundrywoman, there are no stains she can not removed!



Kaya ayan! Malinis na ang labahin! Maya-maya lang tuyo na!
So there! The clothes are clean! And in a few minutes it will be dry!

Astig talaga ang labandera ko. Ikaw, astig ka rin ba sa dumi?
My laundrywoman is cool. Are you also cool when it comes to dirt?

O sya, lumabas na ang bagyo. Sumikat na ang araw. Labahan na, Misis!
The storm left already and the sun is out. It is time to do the laundry, Missus!