Saturday, March 21, 2009

Ain't No Mountain High, My Tiyan . . .




Iyan.
Iyan ang Aking Tiyan.
Ang Tiyan kong Mountain.
Ang Mountain kong High.


Sus, iyan ang paboritong kantahin ni Lui kapag medyo lumulobo ang Tiyan namin. Natutuwa kasi siya kapag busog kami. Aba sa pamilya ni Lui "Fat is Beautiful" kaya hindi siya "beautiful" kasi hindi siya fat. . . Aba, hindi rin ako fat ha! Malaki ang tiyan ko kapag busog ako pero, no, no, no, hindi ako fat.


Medyo sinulatan lang kasi ako ng kumpare kong si Islaw na medyo naglalakihan daw ang tiyan ng mga anak ko. Naku sabi ko, wala yan, Pareng Islaw! Eh tingnan mo naman ang tiyan ko. Aba di hamak na mas malaki naman ang tiyan ko kesa sa mga kumag na iyan!




Ahahay buhay! Parang life . . .



. . . tanawin mo man
madalas dumadaan ng parang kidlat. . .


Isang taon na akong biyudo.
Isang taon na rin akong nalungkot.
Pero tapos na ang mga malulungkot sa buhay ko.
Masaya na ako kapag malusog ako at mga anak ko.

Lumalaki na ang mga anak ko.
Dumadami na ang girlfriends nila.
Pero ni minsan wala ng babaeng aso ang puedeng pumalit kay Pica. Sadyang bukod tangi talaga siya! Kaya nga sa tuwing may sumisilip at nanliligaw na aso sa bahay namin, natatawa lang ako. Parang hindi ko kayang palitan ang tunay na minahal ko.

Siguro ganyan din ang nararamdaman ng ibang taong naiwan ng kanilang minamahal. Na kahit anong dami at ganda ng dumadating na pilit agawin at buhayin ang namatay mong puso, ay sadyang lilipas din. Dadaan lang at palalampasin mo lang. Hindi dahil sa wala ka ng gana o sigla pang umibig, kung hindi ay dahil hindi mo na kinailangan pang maranasan pa ito muli.

Mahirap maintindihan ng iba ito. Pero ang tunay ng pag-ibig kahit wala na tuloy ka pa rin binubusog. Kaya sapat na iyon sa iyo.

Sapat na iyon sa akin.
Ain't no mountain high my tiyan
and my heart . . .



Ayaw kong ipasalin ito.
Mawawala lang ang malalim nitong lihim.
Kaya't para sa atin lang ito mga Pinoy!

Wednesday, March 11, 2009

Tsibugan Na! (ChowTime)

Isinalin ng anak kong si Bogart.
Translated by my pup Bogart.



Ayan ang mukha ng Pananabik.
This is the look of Anticipation.


At ito ang pinananabikan:
And this is the object of my anticipation:



Mga sari-saring meryenda ni Lui: pastillas, food-of-the-gods, atbp.
These are the different snacks of Lui: Tarts, food-of-the-gods, etc.


At kapag binuksan niya, ahahay! Langhap na langhap ko ang nakakalokang amoy!
And when one is unwrapped, ahhhh! I can savor the dizzying smell!


Ahhh, ang amoy! Akin na iyan, Lui!
Ahhh, the smell! Give it to me, Lui!


"Uy, bawal sa iyo ito!" sabi ni Lui. Saksakan ito ng asukal, mani, at kung anu-ano pa na magbibigay sa iyo ng high-blood!
"You can't eat this!" Lui said. This is full of sugar, nuts and others that will give you high blood!


Sus, anong high-blood? Mataas naman lagi ang dugo ko. Eh ikaw kaya, Lui? Bawal na bawal din iyan sa iyo no!
Geez, what do you mean high-blood? My blood is always high. And what about you Lui? They are also not good for you!


At eto pa ang isa. Nakup! Sadyang tukso sa pang-amoy ko!
And here's another one. A tempting feast for my nose!

"Ah, eto puede sa iyo" ani ni Lui.
"Ah, this one is OK for you" said Lui.


At eto ang mukha ng na-sobrahan!
And this is the face of saturation!

Naimpatso ata ako sa amoy pa lang. Aba, masarap pala ang biscocho! Parang toasted bread na binabad sa asukal!
I think I had dyspepsia from the smell alone. Hey, biscocho is delicious! It tastes like toasted bread dusted with sugar!


"Eh, ano pa nga ba? Iyan naman talaga ang biscocho! Toasted bread! Kaya kung tamaan ka ng high-blood-sugar, bahala ka!" sabi ni Lui.
"And what do you think? That's what biscocho is! Toasted bread! So if you get high-blood-sugar it's up to you!" Lui said.


Eh ano! Masarap naman. Pareho na tayong magdusa. . . sa sarap!
And so what! It is so good. We'll just have to suffer . . . in delight!



Tuesday, March 3, 2009

Aba't Marso Na Agad! (It is March Already!)


english translation provided by my DarkShadow


Aba nasira lang ang PC namin bigla na lang lumipas ang isang buwan! Waring hindi ko ata na-feel ang Pebrero! Eh ang dami ko pa namang ginawa noong buwan na iyon! Pero nawala lahat yan dito!
Our PC just got broken and a whole month passed us by! I did not feel February pass! And to think I did a lot of things that month! But here it is all gone!

Iyan.
Iyan na nga ba ang gusto kong sabihin.
Sa bilis ng takbo ng mga bagay-bagay dito sa internet, sa konting sandali lang, aba puede ka nang maglaho na parang bula! Eh alam naman ninyo na ayaw na ayaw kong lumabas sa bahay namin. Kaya kung sira ang PC aba eh di go si Lui sa internet cafe para mag-kape at mag-internet! Aba malay ko naman na aandaran ng katamaran si Lui. Ano ba naman na idamay ang kuwento ko sa tuwing pupunta siya sa internet cafe para i-update ang kuwento namin. Naku sa inip niya doon mga kuwento lang ni Sweepy ang na-chi-chika niya. Sabi niya di raw niya feel mag-internet sa labas! Kaya kapag natapos na niya ang dapat niyang gawin, pilit niyang isisingit ang kuwento ni Sweepy at iyon na. Uwi na siya agad. Tipong imbiyerna ang bruha.
There.
That's what I mean.
Things happen so fast in the internet that when you leave for a few moment you can easily disappear and be forgotten! That's why when the PC got broken Lui has to go to the internet cafe to have coffee and internet service. And you know how I hate to leave the house. How am I supposed to know that Lui will get lazy and will not bother to update my stories when she goes to the internet cafe. Lui gets so impatient there that she can only update Sweepy's blog. Lui said that she does not like working in a public computer which is why as soon as she finished her work, she will only update Sweepy's story and hurry home. Lui is completely fed up with it.

Hmp.
Sinasabi ko nga ba.
At bakit nga ba inabot ng katagal tagal ang pag-repair ng PC namin? Sino ba ang magulo ang schedule kaya na-imbiyerna na rin ang taong pupunta sa bahay para i-repair ang PC namin?
Hmp, I knew it.
But why did it took so long to have our PC repaired? And whose schedule is sooo busy that the repair guy got fed up fixing the date to check the PC in our house?

Anyway, naayos na rin sa wakas. Mabuti na rin at nakabakasyon ako rito. Medyo tumaba ako. Anong "dati na akong mataba"? Hoy, hindi ako mataba! Siksik lang talaga ang katawan ko! Pero siyempre, sa dami ng tsinibog ko noong Pebrero . . . siguro nga tumaba ako ng konti.
Anyway, the PC is OK now. It's good to have a vacation here too. I gained some weight. What do you mean I'm fat? Hey, I'm not fat! My body is just tight. But then, after all that I ate last February I'm sure I gained some weight.

Maraming masayang nangyari noong isang buwan: Bertdey ni Lui . . . ValentinesDay . . . at marami ring malungkot. Maraming nagkasakit at nitong Marso namatayan rin kami sa DWB na sadyang nakakalungkot. Sadyang ganyan ang buhay. Umiikot sa gitna ng saya at lungkot.
A lot of happy events happened last month: Lui's birthday . . .ValentinesDay . . . and a lot of sad moments too. A lot of our friends got sick and just this March somebody at DWB died which made us sad. But that's how life turns in the midst of joy and sadness.

Sana sa gitna ng mga kaganapan sa mundo, makukuha pa rin nating harapin ang ating bukas. Aba kung nariyan ang mga anak ko at sina Lui sa paligid ko siguradong kaya kong harapin ang pag-ikot ng mundo.
I hope that in the midst of the things happening in the world, we can still face our tomorrow. Well, as long as I have my pups and Lui around me, I'm sure I can face whatever life will bring me.

Marso na.
At masaya kong haharapin ito.
It is March already. And I will face this with joy.