Saturday, March 21, 2009

Ain't No Mountain High, My Tiyan . . .




Iyan.
Iyan ang Aking Tiyan.
Ang Tiyan kong Mountain.
Ang Mountain kong High.


Sus, iyan ang paboritong kantahin ni Lui kapag medyo lumulobo ang Tiyan namin. Natutuwa kasi siya kapag busog kami. Aba sa pamilya ni Lui "Fat is Beautiful" kaya hindi siya "beautiful" kasi hindi siya fat. . . Aba, hindi rin ako fat ha! Malaki ang tiyan ko kapag busog ako pero, no, no, no, hindi ako fat.


Medyo sinulatan lang kasi ako ng kumpare kong si Islaw na medyo naglalakihan daw ang tiyan ng mga anak ko. Naku sabi ko, wala yan, Pareng Islaw! Eh tingnan mo naman ang tiyan ko. Aba di hamak na mas malaki naman ang tiyan ko kesa sa mga kumag na iyan!




Ahahay buhay! Parang life . . .



. . . tanawin mo man
madalas dumadaan ng parang kidlat. . .


Isang taon na akong biyudo.
Isang taon na rin akong nalungkot.
Pero tapos na ang mga malulungkot sa buhay ko.
Masaya na ako kapag malusog ako at mga anak ko.

Lumalaki na ang mga anak ko.
Dumadami na ang girlfriends nila.
Pero ni minsan wala ng babaeng aso ang puedeng pumalit kay Pica. Sadyang bukod tangi talaga siya! Kaya nga sa tuwing may sumisilip at nanliligaw na aso sa bahay namin, natatawa lang ako. Parang hindi ko kayang palitan ang tunay na minahal ko.

Siguro ganyan din ang nararamdaman ng ibang taong naiwan ng kanilang minamahal. Na kahit anong dami at ganda ng dumadating na pilit agawin at buhayin ang namatay mong puso, ay sadyang lilipas din. Dadaan lang at palalampasin mo lang. Hindi dahil sa wala ka ng gana o sigla pang umibig, kung hindi ay dahil hindi mo na kinailangan pang maranasan pa ito muli.

Mahirap maintindihan ng iba ito. Pero ang tunay ng pag-ibig kahit wala na tuloy ka pa rin binubusog. Kaya sapat na iyon sa iyo.

Sapat na iyon sa akin.
Ain't no mountain high my tiyan
and my heart . . .



Ayaw kong ipasalin ito.
Mawawala lang ang malalim nitong lihim.
Kaya't para sa atin lang ito mga Pinoy!