Thursday, November 20, 2008

Hay, Salamat ! Wala nang Bagyo!

Oh, thank God! The storms have passed!




Mabango ang simoy ng hangin at maaliwalas ang paligid.
Malapit na kasi ang Pasko . . .

The air smells clean and everything looks bright.
Christmas is almost here . . .



Hmmm, amoy presko at kahit mainit ang panahon
mahangin naman at masarap silipin ang tanawin . . .

Hmmm, the air smells fresh and even if the weather is hot
it is windy and it feels good to watch the scenery . . .




Aba, tingnan mo ang baby!
Sus, ka-cute kaya!
Waring ako nuong tuta pa ako!
Hello, baby!

Oh, look at the baby!
He is soooo cute!
Just the way I looked
when I was just a puppy.
Hello, baby!!!


Hellllo, baby? Tingnan mo naman ako!
Hoy! Uuuuy, mukhang iiyak . . .
Nakup, mukhang iiyak nga . . .
Naku, lolo, ilayo na ninyo ang apo ninyo.
Ewan ko nga ba kung bakit masyadong takutin
eh ang kyut ko naman!

Hello, baby! Look at me!
Hey! Oh-oh, looks like he's going to cry . . .
Hey, Grandpa, why don't you bring your grandson away.
I don't understand why they get afraid of me
when I look so cute!

Thursday, November 13, 2008

SkyWatch Friday!!!

Silip Kalangitan, Pilipinas!
SkyWatching, Philippines!



Eto ang kalangitan na naiipit sa pagitan ng dalawang naghaharing bagyo!
This is the skies caught between two raging storms!


. . . paglabas ni bagyong Quinta, nahila siya ng bagyong Rolly na siya namang humihila ng parating na bagyong Siony . . . na sa kaguluhan, mistulang nahilo ang kalangitan at waring iniisip kung aaraw ba siya o uulan . . .

. . .when Storm Quinta left, she was pulled back by Storm Rolly who both pulled the coming storm Siony . . . and in this confusion, the skies seemed dazed and wondering if the sun should shine or if it should rain . . .




More skies on this site:

Saturday, November 8, 2008

SkyWatch Saturday!



Mwa-haha!

Naku, walang hihirit dyan ha!
Hey, nobody's allowed to whine there!

Eh sa gusto kong tumingin ng ibang araw . . .
But I want to view the skies on other days . . .

. . . at sa tutuo lang,
nakalimutan ko mag-post kahapon!
and to be honest, I simply forgot to post yesterday!

Double mwahaha-hahah-haha!


Anyway, mukhang sabog naman ang skies, tulad ko!
Anyway, the skies looked vague just like me!

Thursday, November 6, 2008

Bagong Taon, Bagong Buhay!

New Year, New Life!
Translated by Bogart


Bagong taon na sa mga kaibigan kong bruha. Pagkatapos ng Samhain o Halloween ang simula ng bagong taon sa kanila. Sa ating Pinoy, pagkatapos ng Undas, diyan nagtatapos ang taon ng mga bruha. Wag ka magtaka kung bakit halos sabay ang pangyayari. Iba lang talaga ang pagtanaw ng mga tao sa mga pangyayari.

It is the new year for my witch friends. The new year starts after Samhain or Halloween for them. For us Pinoys, it is after Undas, when the old year ends for witches. Don't be surprised if the story seems to have the same events. People simply view the same events differently.



Sa mga bruha, ang Samhain ay tumutugon sa lumang kuwento ng Diyosa na humimlay sa dilim upang magsilang ng anak na lalaki na siyang sinuotan ng sungay na simbolo ng isang hari. Na tinagurian itong demonyo ng ibang tao ay isa lamang sa maling paghusga sa isang napakagandang kuwento ng pag-ibig. Ang Diyosa at ang kanyang anak na lalaki ang kauna-unahang simbolo ng Mag-Ina. Ang pagsilang ng isang birhen sa isang anak na lalaki sa buwan ng Disyembre! Kaya noong unang panahon, bago pa nauso ang kuwento ni Hesus, nagdidiwang na ang mga bruha sa masayang pagsilang ng anak ng Diyosa kada Pasko!

For the witches, Samhain harks back to the old story of the female God who slept in the dark to give birth to a son who later wore a horned crown to symbolize his being a king. That people referred to the Horned God as a devil later is just one of the wrong notions of a beautiful love story. The Goddess and Her son were the first Mother and Child symbol. The original virgin birth every month of December! That is why in the olden times, long before Jesus came to the world, the witches were already celebrating the Goddess birth every Christmas!



Ang Diyosa ay naging katakot-takot at katawa-tawang bruha na tinaguriang mangkukulam. At ang anak niya na may suot na sungay ay tinawag na demonyo. . . Ngunit ang kuwento ng isang dakilang pag-ibig ay sadyang nangingibabaw sa lahat ng maling pagtanaw. Na kahit na patuloy na kinukutya ng tao ang kuwentong ito, nariyan pa rin ang patuloy na pag-iral ng mga Diyosa sa mundo!

The Goddess became a scary and laughable old hag that was considered a sorcerer. And Her son who wore the horns was called the devil. . . . But the story of this great love must simply rise above the wrong interpretation. Even when people ridicule this story, the Goddess continue to rule the world!



Sa mundo naming hayop, ang mga babae ang siya pa ring namumuno. Ang kanilang tapang at pag-aruga ay siyang kinatatakutan at nirerespeto namin. Ang mga langgam na patuloy na naghahanap ng pagkain ay pinamumunuan pa rin ng isang babae. Ganuon rin sa mga bubuyog. Pati ang mga puno na patuloy na nagbubunga! Ang mga mababangis na hayop tulad ng tigre, ahas at iba pa ang naghahari ay kadalasan babae. Sa gubat, ang babaeng tarsier ay kinatatakutan kahit ng kaniyang asawang lalaki sa tuwing nagbubuntis ito at manganak. Walang makalapit sa kanya! Sadyang matapang sila kapag buntis at kasama ang anak nila, at saksakan namang mapang-akit sa tuwing naghahanap ng kabiyak! Ngunit gaya ng Diyosa, sadyang minaliit ng tao ang kababalaghang ito. Sa aming aso, patuloy pa rin kinukutya ng mga tao ang babaeng aso. Ang "bitches" ay ginawang bastos.

In our animal world, the females still rule. Their strength and nurturing abilities are both feared and respected. The ants who continue to look for food are always ruled by a female. The same goes for the bees. Even the tree that continue to bear fruit! The wild animals like tigers, snakes and the others are ruled by females. In the forest, the female tarsier is feared even by her mate when she's pregnant until she gives birth. Nobody can come near her! They are simply fearsome when they are pregnant and with their offspring, and become seductive when looking for their mate. But people belittled this story just like the Goddess. For dogs like us, the female dogs are often ridiculed by people. Bitches became a cuss word.



Pero sa tao lang naman iyon. Sa ibang nilalang sa mundo patuloy pa rin ang pagmuno ng mga babae. Ang kabiyak kong si Pica, kahit siya ang pinakamaliit sa amin, walang puedeng umaway sa kanya! Hanggang sa kamatayan numumuno siya sa puso namin! Mukhang masungit ang mga babae sa mga tao dahil sa kanilang masusing pag-aruga at pagmuno sa mundo na patuloy na minamaliit sila. Hindi naman nila kailangan ng titulo. Sapat na sa kanila ang mag-aruga at magmahal ng labis sa lahat. . .

But that happens only in the human world. In other creatures, the females continue to rule. My mate Pica, even when she was the smallest in our pack, nobody will dare fight with her! Even in death she still reigns in our heart. People find women grouchy because of the fussy way they care and rule the world that continue to look down on them. But they don't need titles. It is enough for them to nurture and love all unconditionally . . .



Kaya't ngayong bagong taon, bilang tinaguriang lider ng pamilya ko, katulong ko ang kaibigan kong babae na si Lui upang ayusin ang mga bagay sa paligid ko. Kapag bagong taon, nililinis ko ang kapaligiran at tinatapon ang mga bagay na hindi na kailangan. Tulad ng mga ito . . .

That is why during the new year, being the leader of my family, I sought my female friend Lui to assist me in taking care of my place. At the start of the new year, I clear my surroundings by throwing all unnecessary stuff like these . . .





Ewan ko ba naman kung bakit gustong gusto ito ni Sweepy eh sira na naman ito. Saka may bago naman siyang laruan pero pilit niyang tinatago ang mga ito! Naku, Lui, itapon mo na nga iyan! Hoy, mga anak kong makulit, oras na para ayusin at linisin ang paligid!

I don't understand why Sweepy loves these since they are already broken. Besides, he has new toys but he continue to keep this! Hey Lui, please throw these away! Hey kids, it is time to clean our place!





Oras na rin palitan ang kalendaryo. . .
It is also time to change the calendar . . .

. . .nakup, hindi pala tugma ang kalendaryo ng tao. Siguro saka ko na lang papalitan itong kalendaryo ko. Nandito pa naman ang guwapo kong mukha. May dalawa pang buwan bago magbago ang taon ng tao. . . . siguro hihintayin ko na rin iyun. . . .

. . .but this new year does not coincide with the people's calendar. Maybe I will change this calendar later. My handsome face is inside this one. There is still two months left before the humans change their year . . . and maybe I will wait for that too. . .