Monday, April 9, 2012

Nag-Holy Week Ako!


Aba siyempre, kahit na ganito ako, aba dumayo rin ako sa simbahan noong Semana Santa . . .
But of course, even if I am like this, I went to church during the Holy Week . . .

Sa bungad pa lang ng simbahan nahilo ako sa dami ng palaspas!
At the entrance to the church I got dizzy with all of the palm vendors!


At sa pinto ng simbahan naroon si Padre!
And at the door of the church stood the Priest!

. . . na naglakad sa kahabaan ng simbahan na kung saan ang imahen sa altar ay nakatakip!
. . . who walked the length of the church to the altar where the images were covered!


At ang mga tao winagayway ang mga binili nilang palaspas gaya noong ginawa ng mga tao kay Hesus sa pagpasok niya sa Herusalem!
And the people waved the palms they bought to recreate the scene when Jesus entered Jerusalem!

At pagdating ng Biyernes Santo, doon naman nag-prusisyon sa kalye ang namatay na Kristo . . .
And on Good Friday, they had a procession of the dead Christ . . .

. . . na rinig na rinig mo ang hiyawan sa katahimikan sa kalye . . .
. . . where you can hear the grief in the silent streets . . .

Taon-taon nagaganap ito. Ang patuloy na pagpako kay Hesus at pag-papaalala sa kasalanan ng sambayanan . . .
This happens every year. And they continue to crucify Christ and remind themselves of their sins . . .

At nakamasid ako sa kalangitan na kung saan ang mga kinatatakutan ng mga taong kasalanan nila ay kathang-isip lamang. . .
And I watch from the heavens where the dreaded sins of the people are but an illusion . . .

Si Bathala ay lumikha lamang ng kabutihan . . . sa mundo man o sa kalangitan!
God created only goodness . . . on earth or in the heavens!


At iyan, yan ang makikita sa labas ng simbahan! Mga sari-saring pagkain na nilusaw sa mantika na siyang sanhi ng maraming sakit ng tao! Yan ang totong kasalanan.
And that is what you see outside of the church! A variety of meats fried in oil and the cause of sickness of people! That is the real sin.

Ang pagdasal ay pagkakaisa kay Bathala, Semana Santa man o hindi.
Prayer is being one with God, whether it is Holy Week or not.

Sa kalangitan, ang pagdarasal ay nabibigyan katuparan, dahil lahat ay na kay Bathala na!
And in the heavens, the prayers are realized when everybody is within God!

Hala, magkita-kita tayo rito ha?
So I will see you here soon?

At dahil Araw ng Kagitingan ngayon, aba, pinapa-alala ko lang sa inyo na lahat tayo ay magiting. Sa maniwala ka man o hindi!
And because today is the Day of Valor, I want to remind you that we are all courageous whether you believe it or not!