Tuesday, August 30, 2011

Sabi Sabi . . .

Sayings, translated by Quark


Ang hindi lumingon sa pinanggalingan . . . . . ay may stiff neck. Ahahay, old age!
Those who don't look to the past . . . . have a stiff neck. Ohhhh, old age!



Ang marunong lumingon sa pinanggalingan . . . . ay praning.
Those who look to the past . . . . are restless.

Teka, alam nyo ba ang halaga ng pagtingin sa pinanggalingan? Aba'y para masiguro na walang maghahabol sa iyo! Tulad nito:
Hey, do you know the importance of looking where you came from? That is to make sure that nobody is running after you! Just like this:

Ang anak na makulit ay hulog ng langit.
A restless child (pup) is a gift from heaven.

Kaya't huwag mong aambagan ang anak mo, Sumo. Nakup, pagpasensyahan mo na! At laruin mo naman!
So don't pounce on your pup, Sumo. Oh, bear with him! And do play with him!

Ang amang mabait . . . puro pasakit.
A good father . . . bears all the pain.



Ang hindi magmahal sa sariling wika . . . ay mahina sa Pilipino. Kaya't i-taglish mo na lang. Ang importante nagkakaintindihan kayo anuman ang wika ninyo. Ang hindi marunong mag-intindi ay masahol pa sa malansang isda. Teka, ano ba ang mas masahol sa malansang isda? Eh di malansang tao! Sus, Lord, wag naman po!
Those who do not love their language . . . are poor in Pilipino (language). So you just use "taglish" (tagalog-english). The important thing is that you understand each other whatever the language. And those who do not care to understand are worse than a smelly fish. But what is worse than a smelly fish? What else but a smelly human! Oh, Lord, please spare me!



O sya, magtatapos na ang Agosto, ang buwan ng wika. Ang araw ng mga bayani. At ang pagtatapos ng Ramadan sa mga kababayan kong Muslim. Kaya't matutong mag-unawa. Iyan ang mahalagang wika. Ang wika ng pagkakaintindihan. At kapag nagawa mo iyan, aba, bayani ka nga!
So August is ending, the month for Filipino language. The day of Heroes. And the end of Ramadan for my Muslim countrymen. That is why you learn to be understanding. That is the important language. The language of understanding. And if you can do that, hey, you are a hero!

Pilipino, mabuhay tayo!
Long live the Pilipino!