Saturday, February 26, 2011

EDSA Blues


Mga Paalala ng EDSA:
Reminders of EDSA: English by Quark

1. Huwag mong isipin na mahalaga sa mga kabataan ang mga bagay na mahalaga sa iyo.
1. Do not think that the youth will value the things that are important to you.

2. Huwag mo ring asahan ito kung hindi ka handang patunayan at ipakita ang kahalagahan ng mga bagay na mahalaga sa iyo.
2. Do not expect it also not unless you are ready to prove and show the value of the things that are important to you.

3. Huwag ulit-ulitin ang kamalian ng lumipas.
3. Avoid repeating the mistakes of the past.

4. Kung lilingon ka sa nakaraan, huwag mong kalimutan ang haharapin mo.
4. If you look to the past, don't forget the ones you have to face before you.

5. Huwag kulitin ang kabataan sa mga aral na hindi mo rin kayang tuparin.
5. Do not pressure the youth in the lessons that you yourself have not learned.

6. Ang kapatawaran ay ibinibigay lang sa taong kusang loob na tinatanggap ang kanilang kamalian. Kung mag "I am sorry" pero hindi naman sinasabi kung bakit siya nag-sorry, aba eh mag-sorry ka ng mag-isa!
6. Forgiveness is granted only to those who will humbly accept their mistakes. If somebody will say "I am sorry" but will not say what he is sorry for, tell him to say sorry to himself!

7. Ilibing na ang taong patay at lahat ng alaalang masaklaw. Aba, huwag lang sa libingan ng bayani!
7. Bury the dead and all bad memories. But please not at the heroes cemetery!

8. Ang diwa ng EDSA hindi lamang nabuo at nagwakas ng isang linggo. Ang nangyari noong 1986 ay silakbot ng damdamin na matagal na kinupkop sa mahabang taon at nabigyang lunas.
8. The spirit of EDSA did not materialized and ended in one week. What happened in 1986 was the spurt of buried resentments that was given a respite.

9. Hindi nagtapos ang EDSA noong 1986. Ito ay muling babangon sa tuwing nagdudugo ang kaban at damdamin ng bayan!
9. EDSA did not end in 1986. It will rise every time the country is bleeding!

10. Ang EDSA ay kalyeng saksakan ng trapik. Kaya't huwag na ninyong punuin ng mga kung anu-anong palamuti na hindi naman naiibsan ang pagod at hirap ng tao! Ang dapat dagdagan ay kalye at bawasan ang sasakyan at mga ganid sa lipunan!
10. EDSA is a street with heavy traffic. That is why you should not add decorations that does not relieve the tired and suffering people! Instead, you should add more streets and lessen the vehicles and the selfish in society!

At para naman sa mga tulad ko, tahimik ko na lang gugunitain ang EDSA ninyo ng mag-isa. Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ang pag-gunita ninyo ay dala ng galit, lungkot, saya, o ginhawa. Aba eh naitatanong ko lang po . . .
As for me, I will reminisce your EDSA alone. Because until now I still do not understand if your remembrance is brought by anger, sadness, joy or relief. Hey, I am just asking . . .