. . . ang tanggal mo kayang nawala!
But Where Did You Go, Sumo?
You were gone for sometime!
Translated by Bogart
. . . at ito ang dahilan:
. . . and this is the reason:
At ito pa!
And here's another one!
. . . at eto pa . . . kamatayan!
. . . and another . . . death!
Saksakan ng inggay na halos mahulog lahat ng balahibo ko sa inggay! Hoy, alam ba ninyo na saksakan ng lakas ang mga paputok ninyo???? Nabasag kaya pandinig ko!
It was so noisy that all my furs fell from the noise! Hey, do you know that your firecrackers are too loud???? My hearing got damaged!
Aba, pangalan pa lang tepok ka na! Bawang, superLolo, goodbyePhilippines, binLaden, at ang saksakan ng sabog power, ang goodbyeGloria at Ampatuan! MamaMiaSantaBarracudaPutukan! Mantakin mong nag-mistulang may giyera sa bahay naming Heaven buong buwan ng Disyembre! Oo, buong buwan, Tuchuck! Buong buwan kong tiniis ang saklap at hinagpis na mga damuhong iyan!
And the names alone can kill you! Bawang (garlic, a triangular piece of firecrackers that explodes when lit!), superLolo (superGrandpa, multiple bawangs in one lit!), goodbyePhilippines, binLaden, and the super blasting power, the goodbyeGloria and Ampatuan! MamaMiaSantaBarracudaFireworks! Just imagine that our house Heaven was like a war zone the whole month of December! Yes, the whole month, Tuchuck! I spent the whole month taking in the pain and misery brought by these people!
At bakit kamo ginagawa nila iyan? Para daw alisin ang malas! Nagpapaputok sila para daw ibuga ang malas sa paligid! Tinamaan at tamaan kaya kayo ng kidlat!
And why do you think they are doing this? To remove bad luck! They lit firecrackers to shoo the bad energies around them! May lightning hit you back!
Buti na lang abala ako sa kakabasa ng mga cards na pinadala sa amin. Silipin ninyo kay
Sweepy kung anu-ano at sino-sino sila! Medyo naibsan ang takot at galit ko. Salamat friendships ha!
It's a good thing I got busy reading all the cards sent to us. Check out
Sweepy to see and know who's-who and what's-what! It somewhat relieved my fear and anger. Thank you friends!
At eto si Lui!
And here's Lui!
Tinamaan ng magaling! Got hit hard!
Tinamaan ng sandamukal ng kung anu-ano! Mistulang napanis sa harap ng PC! Hindi kinaya ng power niya ang dami ng trabaho! Kaya kung na-miss na ulit namin ang isang katerbang deadline, iyan ang dahilan! Late na rin ang kalendaryo na gawa namin!
She had a deluge of whatever! She looked spent in front of the PC! She was not able to handle the load of work so if we miss all the deadlines, now you know! That includes the calendars we make!
At eto naman si Luchie . . .
And here's Luchie . . .
. . . hanggang sa katapusan ng mundo, este, ng taon, namimitas ng chico!
. . . up until the end of the world, er, the end of the year, she is up there picking chico fruits!
. . . para makabuo ng isang dosenang prutas para sa pag-salubong sa bagong taon. . .
. . . to gather one dozen fruits to greet the new year . . .
Iyan ang bayan ni Juan sa Disyembre! Masalimuot. Saksakan ng kasabihan at kung anu-anong kabaliwan. Nagpapaputok para magsaya at alisin ang inis sa buhay nila. Kumakain ng kung anu-ano kahit naghihirap ang mundo! Nagkakandarapa sa kung anu-anong bagay na wala namang kabuluhan!
And that's the land of Juan in December! Tension-filled. Full of crazy traditions. Firecrackers to have fun and to remove their anxieties. Eating all sorts of food in the midst of world crisis. Falling over themselves over meaningless things.
Hindi iyan ang tunay na diwa ng Pasko, kaibigan.
That is not the real essence of Christmas, my friend.
Ang Pasko ay pag-gunita ng pagsilang ni Kristo sa gitna ng kaguluhan. Ang pagsilang sa sabsaban kapiling ang mga tao at hayop na handang kupkupin ang nangangailangan. Ang pagmamahal sa gitna ng kahirapan. Ang pag-asa at pag-kalinga sa gitna ng kaguluhan. Iyan ang tunay na Pasko!
Christmas is the time to remember the birth of Christ at a time of crisis. To give birth in a manger surrounded by people and animals who are willing to help the needy. To love in the midst of poverty. To hope and help in the midst of crisis. That is the real meaning of Christmas!
Sana maligaya ang Pasko ninyo at dinadalangin ko na tumibay at gumanda ang buhay ninyo sa 2010.
I hope you had a merry Christmas and I pray that you will have strength and your life will be better in 2010.
. . . at sana gumising na si Lui kasi matatapos na ang Enero at wala pa rin ang kalendaryo ko!
. . . and I hope Lui wakes up because January is about to end and I still don't have a calendar!