Saturday, August 22, 2009

Sumo, Good News!

Translated by Bogart




Uy, congrats Sumopie! Mwah!
Naku, na-nominate ka pala sa Philippine Blog Awards!
Hey, congrats Sumo-pie!
But you got nominated for the Philippine Blog Awards!




Naku, dahan-dahan naman ang kiss mo, Luchie!
Nakakahiya kaya sa mga nakakakita!
Hey, go slow with your kisses, Luchie!
It is embarrassing to onlookers!




Eh wala namang nakakakita ah?
Saka okay lang yun! Cute ka naman kasi!
But nobody's looking.
Besides it's OK. 'Cause you're so cute!



Naku, hindi ako cute no!
Nakakata-cute kaya, awoooooo!
But I'm not cute! I look ta-cute
(Bogart: from filipino word Takot meaning scary
)


Bueno, nariyan na rin lang ang mga Pinoy fans ko
mabuti pa ipakilala ko kung sino talaga ako!
Anyway, since my Pinoy fans are here
I may as well introduce myself!

Ako ay Asong Pinoy. Naku, hindi Aspin ha! Ang asong pinoy daw ay aspin. Naku parang tunog alipin. Waring nang-aalipusta na naman kaya! Lahat ng asong pinanganak sa Pinas ay asong pinoy. Kadalasan sa amin ay Asong Tisoy o may halo ang lahi. O hindi askal yan ha! Ang askal ay asong kalye. Mga asong pinabayaan sa kalye ng malulupit nilang kaibigang tao. Kaya askal ang tawag sa kanila. Sa mga walang alam, akala nila ang mga asong tisoy ay asong pinoy. Eh wala namang asong lahing pinoy. At ang taong tumatawag ng askal ay ang mga taong nag-aalipusta ng lahi nila. Sila iyung mga pinoy ng maliit ang tingin sa kanilang kultura. Ang asong pinoy daw askal. Ang pinoy ice cream daw dirty eh hindi naman. Sorbetes ang tawag dun!

I am a Pinoy Dog. I am not Aspin. They say that pinoy dogs are called aspins. But aspin sounds like alipin or slave. It sounds derogatory! All dogs born in the Philippines are Pinoy dogs. Most of us are Mongrels or with mixed breed. And mixed breeds are not strays. Askals mean strays. They are dogs abandoned in the streets by their cruel human friends which is why they are called strays. For those who do not know, they thought mongrels are Pilipino breeds. But there are no Philippine-breed dogs. People who use the term askal are those who degrade their culture. They are the Filipinos who thinks their culture is inferior. Thus, the pinoy dog is a stray. They call the local ice cream dirty even if it is not. Sorbetes is the right name for it.


Mayaman at maganda ang mga bagay na Pinoy. Kung nahihiya ka at nanliliit sa pagka-pinoy mo, aba eh wag mo na kaming mga asong pinoy isali dyan hoy! Hindi sa lahi nakukuha ang galing ng isang aso. Ang asong magaling ay minahal na magaling. . . tulad ko!
Pinoy stuff are rich and beautiful. If you are embarrassed or feels inferior about your being a pinoy, you better not include pinoy dogs like us! The greatness of a dog is not in its breed. A great dog is one that is greatly loved . . . just like me!



Ang asong magaling ay gawa ng taong magaling mag-alaga sa kanya! Katulad ng batang pinalaki ng mabuting magulang! O swak, di ba?
A great dog is made by a great keeper! Just like a child bred by good parents. Great, isn't it?


Katulad ng taong nag-aalaga sa akin. Pati aso ng kapitbahay naman pilit niyang binabantayan at inaaruga! Pati kami mahal namin ang kapitbahay namang si Dawgy!
Just like the person who takes care of me who cares and watches even our neighbor's dog! So we also love our neighbor Dawgy!



Proudly Pinoy ako.
Sana proud ka rin sa akin kasi proud ako sa inyo!
I am Proudly Pinoy.
I hope you are proud of me because I am proud of you!

Mabuhay, PBA!