Friday, May 29, 2009

Tinamaan Ng Magaling!

Updated June 8, 2009.
Late English Translation by Pareng Diokno
By Special Request





Nakup!
Sinasabi ko na nga ba!
Malakas ang pakiramdam ko na mangyayari ito.
At nangyari na nga!
Oh, I knew it!
I had a strong hunch that this will happen.
And it did!


Eto ang dalawa kong anak:
These are my two pups:


. . . at iyan ang madalas gawin ng mga iyan.
. . . and that's what they usually do.



Hindi sila nagmumukmuk.
Tipong bored, pero ang tutuo . . .
inaandaran ng katamaran
. . . at ka-asaran!
They are not moping around.
They are a bit bored, but the truth is . . .
they are feeling lazy
. . . and feeling angry!



Maraming dahilan diyan:
There are many reasons for that:


1. Mainit (sobra-sobra-over-hot kaya)
1. Too hot (it is overly hot)

2. Makulimlim minsan pero walang ulan
at wala ring hangin (sover* init!)
*sover = sobra and over (supermax talaga!)
2. It gets cloudy but there's no rain
and there's no wind either (sover* hot!)
*sover = sobra (too much) and over (supermax really!)

3. Wala si Lui.
Nakup, kapag wala si Lui
wala ring papansin sa amin!
Aba, eh KSP** kami di ba?
Sover **kulang sa pansin kaya!
3. Lui is not here.
Gee, when Lui is not here
nobody will pay attention to us!
And we're KSP*, aren't we? Sover KSP!
Note: KSP means kulang sa pansin
or lacking in attention!


4. Asar ang isa sa kanila sa unan
na kamukha ng isa sa kanila.
(tingnan ninyong maigi ang picture!)
4. Somebody is angry at the pillow
who looks like one of them.
(watch the picture closely!)

5. Isa sa kanila . . . nawalan ng blog!
OMG*** !!!
OMG*** = Oh My Galis!
5. One of them . . . lost a blog!
OMG***= Oh, My Galis (Fleas)!


Nakup, iyan na nga ang nangyari.
Sover, OVER . . . to the highest level!
And that's what really happened.
Sover, OVER . . . to the highest level!


OO, nawala ang blog ni Sweepy!!!
O di ba pag-click mo wala?
Aba, ewan ko kung saan napunta!
Aba malay ko naman diyan.
Yes, Sweepy's blog is gone!!!
When you click on it, it's gone.
Geez, I don't know where it went!
How am I supposed to know these things?


Kaya ayan, over-sa-pagmumukmuk ang over-spoiled kong puppy na iyan. Naku, kahit na 7 years old na iyang anak ko na iyan mistulang bata, este tuta, pa rin iyang Sweepy na iyan. Waring feel niya tuta pa rin siya!
So there goes my overly spoiled puppy, moping too much. Gee, even if that pup of mine is already 7 years old, Sweepy acts like a kid, er, a puppy. Sweepy thinks he is still a puppy!

At eto naman ako:
And here I am:


Aba siyempre feeling Alpha di ba?
Feeling hari pa rin ng mundo!
Anong mundo kamo?
Anong hari?
And of course, I feel like an Alpha.
I feel like the king of the world!
Did you ask 'what world?'
King of what?


Eh di hari ng puso . . .
ng minamahal ko!
King of the heart of my love!



At naghahari sa puso
ng mga anak ko
na siguradong mahal din ako!
And king of the heart of my puppies
who, I am sure, loves me back!


Pero mabalik sa blog ni Sweepy. . .
Nawala na mistulang . . . naglaho sa paningin ko . . . at ninyo!
Marahil iyan ang kababalaghan ng buhay.
Minsan nariyan ang blog mo.
Minsan wala . . . at nawawala!
At minsan . . . at madalas din . . .
sa tuwing nangyayari ito . . .
may isa riyan na nagwawala!
Susmaryosep!
But going back to the blog of Sweepy . . . It disappeared from my sight . . . and yours! Maybe that is the mystery of life. Sometimes your blog is there. Sometimes, it is not . . . and gets lost! And sometimes . . . and oftentimes too . . . every time this happens . . . somebody loses his mind!


Minsan.
Sometimes.



Pareng Sumo: Mahirap pala gawin ang trabaho ni Bogart!

(Bogart's translation: Buddy Sumo: It is not easy to do Bogart's job!
And Diokno forgot to translate the post title so I will attempt to do it:
Tinamaan ng Magaling: Hit Like Mad! . . . Thanks Diokno!)



Saturday, May 23, 2009

Minsan . . . Part 2


Minsan . . .
akala mo narito ako . . .


Pero
sa pagpikit mo . . .
wari sa isang saglit



ako nga ba ang nakita mo?



Minsan.




Bogart: Popsy, I can't understand.



Huwag mo na kasing alamin, Bogart.





.

Thursday, May 14, 2009

Minsan May Gamu-Gamo . . .




Minsan din wala.
Minsan umuulan.
Minsan din hindi.



Minsan nariyan ang mahal mo.
minsan din wala . . .




Pero ngayon
nariyan ang mahal ko . . .



busy sa pag-ga-gardening . . .
at sigurado nariyan siya
hanggang sa paglubog ng araw . . .




Minsan . . .

Monday, May 4, 2009

Pacquiao Sunday!



Nakup, tinamaan ng kidlat!
Ano ba iyan?
Mistulang naglaho ang tao noong linggo, sinabayan ng hiyawan ng tanghali, at muling nabuhay. . . este, naglabasan ng kanilang lungga . . . este bahay, pagkatapos ng isang oras. Iyan ang oras ng Pacquiao. Pacman power ika nga.



O tingnan mo ang anak kong si Sweepy!
Mistulang nagising sa himbing ng malalim na tulog.
Mistulang nagimbal ang tahimik niyang mundo!
Naku, wala iyan, Sweepy.
Matulog ka na ulit.
May boxing lang sa TV.



Nakup! Eto pa ang isa!
Iyang si Bogart akala mo laging nawawala sa sarili.
Hoy, hindi nagugunaw ang mundo, Bogart!
May boxing lang sa TV!


Naku, hindi na kayo nasanay sa mga taong iyan.
Sa tuwing may laban si Pacquiao sa TV mistulang humihinto ang mundo! Pati magnanakaw nanonood! Santo, kriminal, bata, matanda, lahat nakatutuk sa TV! Mistulang hibang na nagmamatyag! At pagkatapos ng laban, sus, akala mo nanalo sa lotto sa inggay!

Kaya ayan, pati ang translator ko hindi na makasalin ng tahol ko! Hoy, Bogart, halika nga dito at isalin mo ito! Naku, iyang si Bogart naka-wrestling ko iyan, apat na taon ng nakaraan. Pilit ba namang maki-mate sa asawa kong si Pica na nanay nya. Aba, kapag may nag-me-mate na aso bawal ang makihalo no! Ayun, eh di inambagan ko di ba! Aba, inambagan din ako ng suwail na anak kong iyan! Aba, ang bigat at laki pala ng damuhong iyan. Napalaban ako ng husto. At iyan ang pinakamasakit: ang labanan mo ang mahal mo.

Halos isang oras din kami nagkagatan ni Bogart na sadyang nabaliw sina Lui at Luchie! Akala nila mamamatay na kami. Nagkalat kasi ang dugo sa paligid at walang kayang maki-awat sa amin. Takot namang tumulong ang kapitbahay kasi baka makagat daw namin sila! Naubos na ang tubig ng mga drum sa kakabuhos nila Luchie sa amin para lang tumigil kami pero wala rin. Tinawagan na ni Lui ang Vet namin. Ipa-put-to-sleep na lang daw kami. Aba bakit naman? sabi ni DrJ. Kasi mukhang baldado raw kami pagkatapos ng laban. Naku hindi, ani ni DrJ. Sugatan lang iyan pero gagaling din iyan. Emotional ka lang, sabi ni DrJ kay Lui. At tama si DrJ. Sa ikatlong araw halos hindi mo na makita ang sugat namin ni Bogart. Halos magaling na kami pagkatapos ng isang linggo.

Pero ang tutuong sugat. . . ang sugat at sakit ng laban na iyon ay mas malalim pa kesa sa sugat ng balat. Mas masakit at mahirap kalimutan ang galit na nabuo nuong araw na iyon. Kaya't mismo nuong araw na ring iyon hindi na kami pinagsasama ni Bogart. Pinagawan kami ni Luchie ng sarili naming bahay. Natatakot sina Lui na baka maulit ang madugong laban na iyon. Kaya't kapag nasa labas ako, nasa loob ng bahay naman niya si Bogart.

Madalas akong lapitan ni Bogart sa bahay ko. Madalas niya akong amuyin at halikan sa pagitan ng rehas ng bahay ko. Siguro para kay Bogart nakalimutan na niya ang laban na iyon. Ako, hindi pa. Minahal namin ang isa't isa ng apat na taon bago kami nag-away. At ngayon halos apat na taon na rin kaming hiwalay. Magkasama sa isang bahay pero hiwalay. Malungkot isipin pero sa tulad kong ama at hari sa pamilya ko, hindi ko maaaring makalimutan ang nangyaring iyon. Tama lang na matakot sina Lui na ipagsama ulit kami.

Gagaling ang sugat ni Hatton sa laban niya kay Pacquiao. Pero ang lalim ng poot at hinagpis ay hinding-hindi malilimutan. Alam ko ang pakiramdam na iyan kasi nanggaling ako diyan . . .


Mabuhay ka Manny!!!

At sana, sa darating na araw, makukuha ko rin ang tapang harapin ang sakit sa laban ko at tuluyan ng magpatawad. . . kasi kahit na galit ako, mahal ko ang anak kong damuhong iyan!