Thursday, September 4, 2008

Bully Daw Ako?

Iyan ang sabi ng iba sa akin.
Bully daw ako.

Madalas kasi ako maiinis sa mga anak ko
at lagi ko silang pinapagalitan.
At dahil diyan, naturingan akong bully.

Kaya ayan,

hindi kami puedeng magsama ng mga anak ko.
Palit palit ang paglabas sa amin.
Kasi baka raw awayin ko sila.

Pero tingnan naman ninyo.

kahit nasa labas sila ng bahay
doon pa rin sila sa tabi ko!
Bully ba iyan?


At ganoon din naman ako.
Sa tuwing ako naman ang nasa labas
doon pa rin ako sa tabi nila.

Bully ba iyan?


Kapag tinanong naman ninyo si Lui
sasabihin niya sa iyo
na saksakan ako ng bait.

Naku parang yaong mga nanay sa TV
na sa tuwing nahuhuli ng pulis
ang mga anak nilang nagnanakaw
o gumagawa ng anumang masamang bagay
ay luhaan sasabihin:
"naku, ang bait niyang batang iyan!"

Sus, samantalang pa-ulit ulit nang nabilanggo
ang "mabait" na damuhong anak nila
na kahit sa katandaan
eh saksakan ng kulit
at hari ng gulo
sa mata ng ina niya
mabait talaga siya.

Aba, Nanay, iyang pasaway mong anak
ang tunay na bully!

Samantala ako,
ako ang tunay na mabait.
May pagka-masungit minsan
pero sa mata ni Lui
tunay akong mabait!

At iyan ang totoo. . .