Tuesday, September 16, 2008

Nadiskaril ang Translator ko!

Nakup! Sinasabi ko na nga ba!
Tatamaan rin ang kumag na iyan.
Saksakan kasi ng gulo at takaw.
Ayan, nawalan tuloy ako ng tagasalin.

Kaya pala madalas akong bantayan
ng anak kong si Bogart.

Aba eh may dinaramdam pala.
Sukat ba naman tamaan ng sugat
sa gawi ng tumbong niya
kaya ayan medyo kinakati
at hindi mapalagay.

Aba ano naman ang magagawa ko diyan?
Eh hindi naman ako duktor?
Marahil nakagat iyan ng bubuyog.
O kaya nadikitan ng linta
at nasipsip ang dugo niya
at waring hinila niya palabas
kaya ayan . . . mukhang biyernes santo.
At sinabayan pa ng tabi ng isa pang makulit.

Tingnan ninyo.
Laging magkatabi ang dalawang iyan!
Parang pinagbiak na bunga
ng di mo mawaring bagay!
At ayun ako sa linkod nila
nagmamatyag sa bahay ko.

Iyang magkapatid na iyan
kahit hindi sila magkamukha
saksakan sila ng close.
Friendship to the max talaga!

Sa hirap at ginhawa
walang iwanan talaga
ang dalawang iyan!

Kaya nga mahimbing akong nakakatulog.
Tutal kahit na may dinaramdam ang isa sa kanila
siguradong may sasama naman
sa paghihirap niya.

Hindi tulad ko
laging nag-iisa.


Haay!
Makatulog na nga.
At sa hindi marunong bumasa ng Pilipino
saka na lang ninyo hintayin
ang paggaling ni Bogart
na kahit may dinaramdam
saksakan pa rin ng takaw
at gulo!