Monday, February 11, 2013

Huling Yugto

Sumilip-silip
sa sulok ng pag-iisip
waring nariyan
waring nasa tabi lang
Hinahanap 
waring nagpaalam
na nang tunay . . .

From the corners
i catch a glimpse of you
watching 
close by
searching
and saying your goodbyes
for the last time . . .

Remembering Sumo
January 15, 2000 - February 4, 2012

Tuesday, August 28, 2012

Nasa Langit Na Ako! (I am in Heaven)

 















. . . pero nakup! Hinahanap-hanap daw ninyo ako!
(But you all kept looking for me here!)



 
Aba siyempre kung nariyan kayo eh di narito na ulit ako!
And if you are all there then I am back here again!

Makulit ang taong buhay!
The living humans can be pesky!

Pero hindi naman ako nawala . . . kasi lagi kong kapiling ang anak ko!
But I am not really gone . . .  because I am always with my pup!
 
Waring binabantayan at baka ma-dognap!
I have to keep watch lest he gets dognapped!

Aba, ikaw na kaya ang may anak na gwapo! Eto tingnan nyo:
Oh I have to keep watch especially when I have a handsome pup. Watch this:
Aba, sumali si Sweepy sa Pet Olympic. Naimbitahan siya. At kahit na huli aba eh di . . . huli pa rin!
Sweepy joined the Pet Olympics because he got invited. And even if he came in late ... he is still late!

Pinoy yan, Kabayan!
That's Pinoy, my countrymen!
Kaya't kahit malayo na . . . aba malapit pa rin. 
So even if I'm away . . . I am just near.

Sa lahat ng sumulat sa akin . . . dadalawin ko kayo pagbilog ng buwan! Mwahaha!
To all those who wrote me . . . I will visit you when the moon is full. Arooooo!


Thursday, April 12, 2012

Si Petrocelli


Nakatira at nagtatago sa bubong.
Lives and hides on the roof.


Pero kitang kita naman!
But you can easily spot him!


Aba, amoy pa lang alam na ng anak kong si Sweepy na naroon siya!
My pup Sweepy can easily sniff his scent from below!


Hoy wag kang bababa diyan ha kung ayaw mong kalbuhin ka ni Sweepy!
Hey, don't you ever get down from the roof if you do not want Sweepy to skin you alive!


Yan! Matulog ka lang diyan at huwag kang bababa at pakakainin ka ni Luchie!
There. Just stay and sleep there and don't ever go down and Luchie will feed you!

Monday, April 9, 2012

Nag-Holy Week Ako!


Aba siyempre, kahit na ganito ako, aba dumayo rin ako sa simbahan noong Semana Santa . . .
But of course, even if I am like this, I went to church during the Holy Week . . .

Sa bungad pa lang ng simbahan nahilo ako sa dami ng palaspas!
At the entrance to the church I got dizzy with all of the palm vendors!


At sa pinto ng simbahan naroon si Padre!
And at the door of the church stood the Priest!

. . . na naglakad sa kahabaan ng simbahan na kung saan ang imahen sa altar ay nakatakip!
. . . who walked the length of the church to the altar where the images were covered!


At ang mga tao winagayway ang mga binili nilang palaspas gaya noong ginawa ng mga tao kay Hesus sa pagpasok niya sa Herusalem!
And the people waved the palms they bought to recreate the scene when Jesus entered Jerusalem!

At pagdating ng Biyernes Santo, doon naman nag-prusisyon sa kalye ang namatay na Kristo . . .
And on Good Friday, they had a procession of the dead Christ . . .

. . . na rinig na rinig mo ang hiyawan sa katahimikan sa kalye . . .
. . . where you can hear the grief in the silent streets . . .

Taon-taon nagaganap ito. Ang patuloy na pagpako kay Hesus at pag-papaalala sa kasalanan ng sambayanan . . .
This happens every year. And they continue to crucify Christ and remind themselves of their sins . . .

At nakamasid ako sa kalangitan na kung saan ang mga kinatatakutan ng mga taong kasalanan nila ay kathang-isip lamang. . .
And I watch from the heavens where the dreaded sins of the people are but an illusion . . .

Si Bathala ay lumikha lamang ng kabutihan . . . sa mundo man o sa kalangitan!
God created only goodness . . . on earth or in the heavens!


At iyan, yan ang makikita sa labas ng simbahan! Mga sari-saring pagkain na nilusaw sa mantika na siyang sanhi ng maraming sakit ng tao! Yan ang totong kasalanan.
And that is what you see outside of the church! A variety of meats fried in oil and the cause of sickness of people! That is the real sin.

Ang pagdasal ay pagkakaisa kay Bathala, Semana Santa man o hindi.
Prayer is being one with God, whether it is Holy Week or not.

Sa kalangitan, ang pagdarasal ay nabibigyan katuparan, dahil lahat ay na kay Bathala na!
And in the heavens, the prayers are realized when everybody is within God!

Hala, magkita-kita tayo rito ha?
So I will see you here soon?

At dahil Araw ng Kagitingan ngayon, aba, pinapa-alala ko lang sa inyo na lahat tayo ay magiting. Sa maniwala ka man o hindi!
And because today is the Day of Valor, I want to remind you that we are all courageous whether you believe it or not!

Thursday, April 5, 2012

Ay Abril Na, Kabayan! (Oh, It Is April Already!)


At tahimik ang kamunduhan . . .
(And the world is in solitude . . .)


Pati ang kalangitan, aba nakikisama sa lihim ng kalupaan . . .
(And even the heavens are one with the secrets of the earth!)


Pati ang kontrabida mistulang nagpipinitensya . . .
Even the villain seem penitent . . .

Pero wag ka, naghihintay lang ng pagkain ang damuhong si Petrocelli na iyan!
But don't be fooled, because that cat Petrocelli is just waiting for food!


Siyempre ang bida ayan mistulang nasindak, nalulungkot, o na-aaburido sa paligid!
(And of course the hero looks shocked, lonely or simply frustrated with his surroundings.)

Hoy Sweepy, ang anak kong kasing gwapo ng ama niya (ahem!) . . . lubayan mo na sina Lui at talagang ganyan kapag cute ka, lagi kang pinag-kakaguluhan!
(Hey Sweepy, my good-looking pup who resembles his good-looking father ;-) . . . oh, bear with Lui because this is the real dilemma when you are cute, people always flock to you!)

Ay tinamaan ng kidlat!
Oh hit by lightning!

Naku, bakit ka ganya, Sweepy! Lalayas ka ba?
(Why do you look like that, Sweepy? Are you leaving home?)

Sweepy: Popsy no! I am playing the role of the crying woman in the street theater this holy week. I have no lines but I only need to whimper. Do I look the part, Popsy?

Ay ewan! Sinasabi ko naman sa iyo na huwag kang sasali sa mga kabaliwan ng mga taong iyan! Hmp, bahala ka sa buhay mo!
Oh, forget it! I always advised you against joining the foolishness of the people there! Oh get a life!

Saturday, March 31, 2012

View from The Top


Yan. (There)
Iyan ang view ko araw-araw. (That is what I see every day)
Si Luchie binabantayan ang anak kong si Sweepy.
(I see Luchie keeping watch over my pup Sweepy)

At minsan . . . (And sometimes . . .)

Bueno, mahigit sa minsan . . .
(Okay, make that, more than 'sometimes' . . .)

. . . eto ang nakikita ko: (. . . this is what I see)


Si Lui kinukulit ang anak ko!
(I see Lui pestering my pup)

Kaya't ang kata-cute na cute na anak ko:
(That is why my cute pup . .):

. . . na mistulang walang kamuang-muang . . .
(. . . who looks innocent . . .)

. . . ay nagiging marahas at kunsumido!
. . . becomes wild and frustrated!


Hoy tantanan mo na ang anak ko, Lui!
(Oh leave my pup alone Lui!)

i translate myself from heaven . . .